Grey Pov
" tama ba ang nabalitaan ko... Malapit ng manganak si Piren?" Master
" yeah! At hindi alam kung sino ang ama.." sabi ko.
Sinulyapan ko si Thor.
" wag niyo akong tignan dahil hindi ko kayang gawin ang ganyan. Mahal ko siya pero maniwala kayo. Hindi ako ang ama."
" paano natin siya makukuha at mapatay kung buntis ito?" Master
Noon balak talaga namin siyang patayin... Pero siya pala ang nakakaalam ng code sa isang locker kung saan andoon yung isang chemical para maging lumakas ang isang nilalang na ginawa ni Charlie....si George.
" we need to get her as soon as possible... Baka mamaya lalabas na sa lungga ang asawa niya." ako.
" sa tingin mo makukuha natin siya ng ganun? Alam niyo kung gaano kahigpit ang bantay.. Plus meron silang kakaibang weapons." Thor
" anong silbi ng mga ninakaw natin na weapons nila? "
" hahaha hindi mo ba alam na ang ninakaw ni Pirena noon... Hindi gumagana.... May access sa lahat ng weapons na nakuha natin. Meaning USELESS.! "
SHIT! hindi ko nalaman yun ah...
Labas pasok ako sa lungga nila pero hindi ko talaga nalaman na may access lahat ng weapon.. Tsk napaka utak talaga ni King.
Dumaan ako sa laboratory ni Charlie para tignan ang bagong experiment nyamg si George.
" ano na lagay niyan?" bungad ko
" improving pero kailangan natin yung chemical na yun para full qualified na siya."
" ginagawan pa namin ng paraan... Pero pwede na ba siyang sumabak?"
"yes pwede na...malakas na siya.. Gaya ng mga Grazeter na humihilom ang sugat."
"ok... ihanda mo siya dahil malapit ng lumabas ang anak nya ay siya din ang labas ng halimaw na yun."
"do you think kasing lakas din niya si king yung Bullet na yun?" tanong niya sa akin.
" isa si King sa malalakas sa kanilang henerasyon... pero ang Bullet na yun ay hindi buo ang dugong meron siya.. Ni hindi siya nakikipaglaban noon.. Taga gawa lang siya ng bomba. "
" kung ganun pwede na natin ilabas si George.. kung ang pipitsuging Bullet lang pala ang kalaban niya"
" wag tayong maging kampante... Ang isang tahimik na tao... ay siyang napakadelikado.. Tsaka madami sila.. Kahit babae kaya tayong gawing abo."
" speaking of abo... nakuha ko ang poison drugs na gawa noon ni Betina... nagiging abo ang sino mang maiinject nito."
Napatingin ako sa kanya.
" magaling....simulan mo ng gawin.."
Umalis ako at dumaan sa bahay nila Reishel
" ikaw pala Grey napadalaw ka gabing gabi na ah.."
" galing kasi ako sa kaibigan ko.. Nagkainuman konti.. Kamusta na mga babies mo?"
Ang sweet parin ng ngiti ni Rei sa akin.
" kumain ka na ba? nagluto kasi ako ng dinner.. Pauwi na din si King kaya sabay sabay na tayo."
Ngumiti nalang ako.
Binuhat ko ang isa sa anak nyang babae... Yung hindi ngumingiti.
Kamukha ni King... Panget!
" ganito ba talaga si Fiva baby palang poker face na?"