Aerea pov
It's been 6mons when my love never been shown. He was missing all along but I know he was there everytime I was in danger.
Lola Maleficent requested me to stay even though I made a stupidy I'm a traitor to the family.
Everytime they visited, they keep saying that no clue about Bullet. No night that my eyes went wet. I regret everything but it's to late. He was gone.
**flashback***
Kinabukasan after ng bday ni mama katana. Maghapon siyang nasa trabaho at gabi na ito dumating. Dumeretso na agad ito sa kusina.
" asawa ko... " tawag ko sa kanya.
Nagluluto ito ng dinner naming dalawa. Hindi siya umiimik mula nung napaamin ako sa gawain ko. Alam ko nagkamali ako sa paghusga sa kanila. Akala ko hawak nila si mama. Akala ko sila ang dahilan kung bakit kami broken family. Akala ko sila ang may gawa kay papa kaya hindi na siya makalakad noon.
Ang mga akala na bumago sa katauhan ko. Ang dahilan kung bakit ako naging matapang,naging tuso at mapagpanggap.
" maupo ka nalang diyan at kakain na tayo."
Hindi ako nakapagsalita. Alam ko galit siya sa akin.
Habang kumakain kami.
" alam ko galit ka sa akin Bullet... kung ayaw mo na...naiintindihan ko. Aalis nalang ako dito."
Aakmang tatayo.
" anong lasa ng luto ko? Masarap ba?"
Napatingin ako sa kanya.
His was acting like nothings happen.
" Bullet..."
" bukas pala magdedeliver kami ng mga weapon sa Isabela para sa range nila Toffer. "
Bakit siya ganyan?
Umupo nalang ako at tinapos ang kinakain ko.
Magkatabi pa din kami sa kama. Pero hindi gaya dati na magkaharap,magkayakap. Ngayon magkatalikod kameling dalawa walang imik pigil ang hininga at mga galaw.
Pinilit kong matulog para mairefresh ko ang sarili ko. Matagal tagal bago ko nakuha ang tukog ko.
Nagising ako sa pagtama sa sinat ng araw sa mukha ko.
Wala na siya sa tabi ko.
Ni paalam wala.
Ito na siguro para umalis ako,ayokong magstay kung ganito din araw araw ang style namin ni Bullet.
Oo mahal ko na siya pero napakalaki ng kasalanan ko sa kanya...sa kanila.
Hindi ko na maatim na makisama sa kanila.
Naggagayak ako ng biglang dumating sina Mama Katana at lola Male.
" Aerea? Saan ka pupunta?" Mama Katana
" Ma..wala na po akong mukha ihaharap sa inyo."
Niyakap ako ni Mama.
" walang nagbago anak... Parte ka pa din ng pamilya. Sana wag mo kaming iwan."
" ayaw namin na pati ikaw mawala" lola Male
Mawala?
" lola ano pong ibig nyong sabhin?"