Bullet pov
" Audrey naayos mo na ba lahat para sa debut ng anak ko..?"
" Oo.. Competo na maliban nalang sa 18 roses... Kaso ayaw ng anak mo ng roses..."
Yes magdedebut na ang anak kong si Aeal. Dahil sa nag iisa lang siyang anak ko... Ibinibigay ko lahat para sa kanya. Alam ko naman kasi na kapag ang mama niya ang andito eh mas grabe pagpapabebe o spoiled sa kanya. Nag iisang anchor ko ang anak ko kaya wala kayong pake kung spoiled na Grazeter siya.
pauwi na kami ng para ipasukat sa anak ko ang mga gown niya para sa sabado.
Si Audrey at Anthony ang kasama ko...si Anthony ang asawa ni Audrey...
" oh ano ba ang meron diyan at ang haba ng pila.. May bigayan ba ng relief goods?"
Puna ko sa nadaanan naming... Halos mga lalaki kasi ang nakapila...
" ahhh Bullet... Lumipat ba kayo ng bahay?" tanong ni Anthony
Ako kasi ang driver...katabi ko siya at sa likod si Audrey.
" pinagsasabi mo... kagagaling lang natin kanina sa bahay naki kain pa nga kayo diba?"
" eh bakit mukhang hindi mo alam bahay mo...?"
" ano?"
" hoy Bullet... Kanina ka pa lampas..." hampas ni Audrey sa ulo ko.
Agad akong nagpreno.
Dumungaw ako sa bintana at tinignan ko ang bahay ko.
Tae lumampas nga kami..
" anak ng syete... bahay ko ba yung maraming pila?"
-_- - _- mag asawa
Agad akong ng U turn.
Pagbaba namin.sa tapat ng gate...
" hoy kayo..bakit may pila dito...wala naman akong pinabibigay na relief goods ah.."
Ngumiti sa akin ang mga lalaking nakapila.. May dala dalang mga bulaklak at chocolate at kung ano ano pang dala dala...
May isang sumagot...
" ah umaakyat po kami ng ligaw kay thalia"
O_O
Agad kaming pumasok at hinarap ang anak ko.
"Aeal!" sigaw ko..
" Pa... My eardrum... so sakit sa tenga your sigaw why ba?"
😡 Nakita ko na may kaharap siyang lalaki na may dala dalang teddy bear.
" hoy bata...sino nagsabing ligawan mo anak ko ha?!"
" hoy Bullet... wag mo nga takutin ang mga manliligaw ni Aeal ikaw talaga dalaga na nga siya eh" Audrey
" true nga Pa.. Why your so rude to them?.. I'm dalaga na nga eh.. Mamita say na magtanggap na daw ako ng suitors.."
Anak kresna!
" Hello po... Ako po si Wil-"
"hindi kita kinakausap.... Hoy bata... Halika dito..."
Hinatak ko ito palabas ng bahy ko..
" kayo... Mag si-uwi na kayo.. Dahil hindi ko pinapaligawan ang anak ko... Kaya magsilayas kayong lahat kung ayaw niyo pasabugin mga batuta niyo dyan... Alis!"
Dahil sa pinalayas ko ang mga manliligaw ng anak ko sermon ang inabot ko kay Mama.. Paano nagsumbong ang conyo kong anak.
" Ma naman... Magdedebut palang siya pinayagan niyo na siyang magpaligaw... "