Aerea pov
" Aerea...."
Si Mama Katana pala.
Nilingon ko ang katabi ko na si EJ pero wala na ito.
Saan kaya nagtago ang loko.
" hindi ka pa ba nakabihis?"
" pabihis na Ma... kabababa palang nila Bullet... Bakit Ma? "
" well sabi ni Lupin ay magsisimula na daw... kaya tinawag kita."
" sige po Ma... Magbibihis lang ako."
Kumunot noo si Mama
" are you ok anak?"
" ok lang ako Ma..."
Nilibot ni mama ang paningin sa loob ng kwarto.
" ok.. you say so... Mukhang matatagalan ka pa magbihis kaya mauuna na ako sa baba... "
Nginitian lang ako ni Mama.
Pagkalabas ni Mama ay siyang pag litaw ni EJ.
" EJ please... Wag naman sa araw na ito. Mahal ko ang asawa ko lalo na ang anak ko..."
" Artemis hindi ito ang mundo mo. Akala ko ba ginagawa mo ito para sa Mama mo? "
Sinampal ko ulit siya.
" Nabulag ako sa mga sinasabi niyo na sila ang dahilan kung bakit naghirap si Mama... Pero kayo pala ang dahilan kung bakit lumayo ang mama ko. Hawak nila Bullet ang mama ko at inaalagaan mula sa pagmamalupit niyo sakanya noon. Bakit EJ? Nagulat ka dahil alam ko na ang lahat? Kaya hindi na ako bumalik sainyo dahil sinungaling kayo. Ginawa niyo akong uto uto para lang masira ang pamilyang pinaghihigantian niyo. Sila ang nagligtas sa Mama ko pati na rin ako. Kaya wag na wag niyong sasaktan ang anak ko EJ dahil magkakamatayan tayo. "
" Artemis wala akong alam sa Mama mo... wala ako sa planong yun.. Ni ako akala ko sila ang dahilan,.. maniwala ka Aerea wala akong kaalam alam sa Mama mo. Yun din kasi ang sinasabi nila saakin. Kilala mo ako... mula't sapol tayo ang magkakampi sa grupo. Bakit ako magiging traidor sayo kung pamilya na din ang turing ko kay Tita. "
" umalis ka na EJ... wag mong sirain ang party ng asawa ko at sa anak ko. "
Pagkaalis nito ay hinanap ko ang swipe knife ko at nilagay ko sa hita ko. Mahirap na dahil alam kong nakapasok na sila. Hindi ko sinabi kina Bullet dahil ayokong magkasakitan sila ni EJ.
Sa baba:
Hinanap ko ang mag ama ko.
Nakita ko sa paligid ang mga member ng grupo... Tama ang hinala ko.. Nakapasok na nga sila.
" asawa ko halika..."
Lumapit ako sa stage kung saan nakatayo ang mga Grazeter Family.
" Welcome to our happiest party ever I Silver Bullet Grazeter to welcome my Daughter ALThalia Azael Apolinar - Grazeter to Our world... Specially to my lovely wife Artemis Eira Apolinar Grazeter who gave birth to our child..."
Nagpalakpakan ang mga bisita.
Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko ng makita ang isang lalaking kakaiba...
Nagkatinginan kami ni Bullet.
" relax asawa ko... " bulong niya saakin.
" sa mga baguhan sa party na ito just has some fun... Feel free to do what you want... your service is on"