Vanya/ Aerea pov
Hindi dapat ako mabuking sa mission kong ito. Nangako ako sa kanya na gagawin ko lahat basta ibabalik niya kinuha nya saakin.
Artemis Eira Apolinar pero tawag sa akin ni mama Aerea ( a-rey-ya)
Ang ibang nasa biodata ko ay totoo ,at pinapatrabaho ako ni papa sa club ng bago niyang asawa.
Ibinenta ako kay Bullet . Hindi ko parin alam kung bakit ginagawa nya ang lahat ng ito.
Totoong kasama siya sa mission ko. Nang nalaman ko kung saan ito nakatira ay sinundan ko ito at naging kapitbahay pa nya ako. Ginawa ko lahat para mapansin niya ako.
Pero hindi sa mapamahal siya sa akin. Mababait ang angkan niya. Tama ang nalaman ko, laking probinsya ang angkan nila. Matulungin sa kapwa pero napaka delikado silang kaaway.
Alam ko kakayahan nila dahil sinabi niya saakin bago ibigay ang mission ko.
Wala akong choice kundi tanggapin ito.
Pinag nanakawan ko ang mga range nila ng mga weapon. Magaling ako mag hack ng mga account, makipaglaban at magpanggap bilang ibang tao.
" asawa ko , birthday ni Mama bukas."
Bumalik ang ulirat ko ng banggitin niya na bday ni Mama Katana bukas.
" magluluto ako ng specialty ko asawa ko."
Ngumiti siya.
Bakit napakalaki ng pagmamahal saakin ni Bullet?
bakit hindi ko ito kayang saktan?
" you know what asawa ko. May malaking shipment bukas ng gabi galing Russia. Idedeliver nila ate Sad at ate Happy yung magagamit sa ibang range.,nawawala kasi ang ibang weapon ni lola Male . "
Russia? Umaabot talaga sila doon?
" ilang bansa ba ang nasasakop niyo asawa ko?"
" marami asawa ko, sina lolo Andy kasi ang mga namuno noon sa ibang bansa. Nakikipag negotiate sila sa iba't ibang bansa para maging legal ang pagiging mafia ng angkan."
"legal?"
" yes...legal mafia ang buong bansa. At dahil sa katalinuhan ni Midnight Skull at sina lola'lolo Achilles ay nakagawa sila ng isang weapon gaya sa demonic dagger ni lola Dua at kay lolo Uno."
Nanonood kami ng movie ni Bullet. Pagdating kasi niya kanina napagod kaya hinilot ko at nagbalak na manood ng tv.
Naka higa ito sa hita ko.
" nabasa ko na yan noon, naging trending noon dahil sila naka tuklas sa wax face clone ba yun?"
" yap at doon nalaman kung anong kakayahan ng dugong dumadaloy sa kanila. Lalo na kay lolo Kean at lola Maliyah, naging experiment pa sila sa mga drugs na kapantay sa lakas ni lola Dua."
" ang ganda ng storya nila hindi ba.. nung nag aaral pa lang ako sa college nababalita na ang pag iibigan nilang dalawa. "
" Totoo kasi ang pagmamahalan nila..hindi one sided love lang. Si lolo Kean ay ang kauna unahang torpe sa angkan...pangalawa lang si lolo Uno. Hahaha pero sobrang pagprotekta niya kay lola Maliyah noon, halos nalalaman niya kung may sugat at naaaksidente nito."
Nagtaka ako.
" how come? Nalaman niya kung nasa ibang bansa ito."
Tinignan niya ako sa mga mata.
" technologies asawa ko. May mga device sila na connected to satellite namin."
Tsk may sarili silang Satellite ?