Kinaumagahan nagmamadaling bumaba si roni ng hagdan tinanghali na kasi sya ng gising hindi na nya matandaan kung anung oras na sya nakatulog kagabi.
"O,,roni aalis ka na?"
"Kuya yuan good morning...oo eh aalis na ko malalate na kasi ko kuya maaga kasi pasok ko ngayon may faculty meeting kasi kami ngayon kuya.... tsaka favor naman kuya pwede ikaw na muna magluto ng breakfast nyo ni boni ngayon di kasi ko nakapag luto kanina medyo na late kasi ko ng gising eh please kuya"
"Hay naku sige na nga medyo maaga pa naman." Sagot ni Yuan habang napapakamot sa ulo
"Good morning mommy." Bati ng binatilyo sabay halik sa pisngi ng ina.Inabutan nya itong kausap ang kapatid sa baba ng hagdan."good morning tito"
"Good morning anak gising ka na pala"Bati naman ni roni sa anak.
"May pasok ka ngayon mom?diba sabado ngayon."
"Oo anak,may faculty meeting kasi kami ngayon actually malalate na nga ko eh"
"O sya sige na roni magluluto na ko,"Paalam ni Yuan.
"Nga pala mommy,"habol ni boni sa paalis na ina may naalala itong sabihin.
"Bakit anak may ipapabili kang pasalubong"
"Hindi po,nakalimutan ko po sabihin sayo kagabi na nagkita kami ni daddy kahapon"
"Ha?anung nangyari?"
"Kahapon sinundo nya ko sa school, tapos kumain kami sa labas may ipinakilala sya saken na girl si tita aiza... girlfriend ni daddy"
Nagulat si roni sa sinabi ng anak. Pinagmasdan nya ang reaksyon ng mukha nito pero napanatag naman ang kalooban nya ng makitang maaliwalas naman ang mukha ng anak.
Maging si Yuan ay natigilan sa pagluluto sa kusina ng marinig ang sinabi ni Boni at sinilip ang mag-ina.
Nagtama ang paningin nila ni Roni. Nagkibit ng balikat ang huli kaya napatango na lang si Yuan.
Matagal na nyang naihanda ang sarili sa ganitong sitwasyon kung sabagay mutual naman ang naging desisyon nila ng dating asawang si basti na maghiwalay.kaya alam nya sa sarili nya na darating talaga ang panahon na magkakaron na sila ng kanya-kanyang bagong buhay at buhay pag-ibig.At sa totoo lang masaya sya para kay Basti kasi deserve nito na magkaron ng babaeng totoong magmamahal sa kanya.
"pero alam mo mom... sobrang bait ni tita Aiza and she's nice to me."nakangiting sabi pa ni Boni.
"Really anak... well that's good to know." Napangiti na rin si Roni sa sinabi ng anak.Talagang napakasaya nya at nauunawaan ng anak ang sitwasyon nila ng daddy nito.Laking pasalamat din nya kay Basti dahil naging mabuting ama ito kay Boni at napalaki nila ng maayos ang anak kung kaya naman naging bukas ang isip nito sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.
Lumapit na sya sa anak at mahigpit itong niyakap.Ilang sandali pa ay hinalikan na ang anak.
"Sige na anak... i really have to go na... ingat ka ha wag ka lalaboy ha..."biro pa nya sa anak at tuluyan na umalis.
"Tito tulungan ko na po kayo dyan" Pinuntahan na ni Boni si Yuan sa kusina.
Tinulungan na nya itong maghanda ng alamusal nila at nang matapos ay sabay na sila kumain.Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain at syempre nag-usisa pa si yuan tungkol sa pagkikita ni basti at boni.