chapter nine

600 31 4
                                    

Kinagabihan ay dinatnan ni Yuan na balisang-balisa si Roni at hindi mapakali. Binusinahan nya ito ng matagal para makuha ang atensyon ng kapatid.Bago bumaba na sya ng sasakyan.

"Kuya ano ka ba... kung makabusina ka naman dyan wagas".sita ni Roni sa kapatid.

"Eh pano kasi nakapasok na ng gate ang sasakyan ko, di mo pa rin ako napansin. Di mo manlang ako pinagbuksan ng gate".

"pano naman kasi kuya si boni...gabi na hindi pa rin umuuwi".

"Baka naman nandun lang kila junjun... sinubukan mo na ba tawagan si maffy?".suhestiyon ni Yuan.

"Tinawagan ko na si tita elsie kanina...wala naman daw dun si boni,tapos sabi pa ni maffy kanina pa raw sila tanghali umuwi..tsaka sigurado daw sya na umuwi si boni kasi magkasabay naman sila sa school bus".

"Eh kung ganon nga... nasan na si boni, si maffy lang naman ang kaibigan nya diba. Si maffy lang ang lagi nyang pinupuntahan".

"Yun na nga kuya at ang isa pa sa ipinag-aalala ko talaga eh tingnan mo wala na naman ang motor mo"wika pa ni Roni.

"Baka ginamit na naman ni boni".

"Yun na nga kuya eh alam mo namang hindi pa masyadong marunong gumamit ng motor ang batang 'yon at wala syang lisensya".

"Bakit naman kasi hindi mo tinatago ang susi di ba sabi ko sayo itago mo".si Yuan na nag-alala na rin.

"Tinatago ko naman yun kaso kanina naiwan ko sa drawer ko".

Tinawagan na rin ni Roni isa-isa ang mga kaklase ni Boni. Pero lahat sila ay hindi alam kung nasan ito.

Hanggang sa maya-maya pa ay may humintong motor sa tapat ng gate nila.

Sabay silang napalingon ni Yuan. Nang makilala nila kung sinong dumating ay tumakbo na si Yuan palapit sa mga ito. Samantalang si Roni ay saglit pang natigilan. Halos mapaiyak pa sya sa tuwa na sa wakas ay ligtas at walang masamang nangyari sa kanyang anak.

"O borj...ikaw pala kasama nyang si boni?"sabi ni Yuan sa mga bagong dating.

"Oo pare... namasyal lang kami"

At bumaba na ang dalawa sa motor. Magkasunod na ring pumasok ang dalawa sa loob ng bakuran.

Nagmano naman si Boni sa tito Yuan nya.

"Hoy boni... alam mo ba na maloloka na ang mommy mo sa sobrang pag-alala sa'yo"

"Sorry po tito yuan nakalimutan ko po pala magtxt kay mommy"

"Hay naku... roni nandito na si boni"sigaw ni Yuan.

Tsaka lang parang nahimasmasan si Roni at lumapit sa tatlong lalake.

"Boni ano ka bang bata ka san ka ba nanggaling?"sita ni Roni sa anak.

Kinakabahan itong lumapit at humalik sa ina.

"Eh mommy kasi po nainip po ako kanina kaya pinuntahan ko si tito borj sa bahay nila tapos nagkayayaan kaming mamasyal eh masyado po kaming nalibang kaya nakalimutan ko na ang oras, nakalimutan ko na rin po magtxt sa inyo".

"Ah ganon... eh kanina pa nga ako tumatawag sayo di ko manlang makontak ang cp mo".

"Nalowbat na po pala mommy".

"Ikaw talagang bata ka... at isa pa di ba sabi ko sayo wag na wag mo pakikialaman ang motor ng tito yuan mo, pano kung madisgrasya ka dyan ni wala ka ngang lisensya".

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon