Mabilis na lumipas ang ilang bwan na punong-puno ng kilig at saya ang relasyon nila Roni at Borj.
Araw-araw silang magkasama at halos hindi na mapaghiwalay.
Umaga pa lang ay pumupunta na si Borj sa bahay ng mga Salcedo upang dito mag-almusal at para ihatid si Roni sa trabaho tapos pag hapon naman ay susunduin nya ito at magkasama na sila sa bahay hanggang hapunan. Umuuwi na lang ata si Borj sa bahay nila para matulog. Pero naiintindihan naman ito ng lolo at lola niya at masaya ang mga ito para sa apo.
Pero iba ngayong hapon na ito kasi umuwi si Roni nang mag-isa. Nagpaalam kasi si Borj sa kanya kanina na may aasikasuhin lang ito.
Ayaw namang isipin ni Roni na inaayos na ni Borj ang pag-alis nito pabalik ng states dahil ibig sabihin lang non ay magkakalayo na naman silang dalawa ni Borj kaya ipinagpalagay na lang ni Roni sa sarili na baka may inaasikaso lang si Borj tungkol sa naiwan nitong negosyo sa ibang bansa.
Pagkapasok ni Roni nang bahay ay agad niyang hinanap ang anak.
"Boni nak.... nandito na si mommy.... nasan ka?"
Narinig naman siya ng anak kaya agad itong bumaba ng hagdan.
Pero agad namang napansin ni Roni na namumugto ang mga mata ng anak na para bang kanina pa ito umiiyak.
"Boni anak... anung nangyari sayo?"nag-aalala niyang tanong.
Pero ng mapadako ang paningin ni Roni sa bagay na hawak ni Boni ay nanigas ang katawan ni Roni at para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Umagos ang kaba sa buong pagkatao ni Roni.
"Mommy.... totoo ba lahat ng nakasulat dito?"itinaas ni Boni ang hawak upang makita ito ng malinaw ni Roni.
Kitang-kita naman ito ni Roni at kilalang-kilala niya ang hawak ni Boni dahil pag-aari niya ito...
Ito ay ang diary ...
Ang kanyang diary na naglalaman ng mahahalagang pangyayari sa buhay ni Roni at maging ang totoong pagkatao ng anak na matagal niyang itinago.
"Boni.... san mo nakuha yan?"
"Hindi na mahalaga yon mommy.... yung tanong ko ang sagutin mo...."
"Nak... makinig ka muna sakin.... magpapaliwanag ako?"naluluha nang wika ni Roni.
"Mommy totoo ba.... totoo ba na hindi si daddy ang tunay kong ama....?"
"Anak.... Im sorry...."
"Mommy bakit mo ginawa yon.... bakit mo kami niloko.... pinalaki mo ko sa kasinungalingan.... all my life puro kasinungalingan lang lahat?"
"Anak makinig ka naman muna sakin please....."
"Mommy pano ko makakasigurado na totoo lahat ng sasabihin mo sakin ngayon eh buong-buhay ko lahat hindi totoo bakit mo nagawa yon mommy"
"Anak yon kasi ang alam kong tama...."
"Tama?.... mommy tama ba na lokohon mo kaming lahat.... tama ba na ipagkait mo sakin yung totoo kong daddy akala ko ba mommy mahal mo siya bakit hindi mo sinabi sa kanya yung totoo?"
"Mahal na mahal ko siya Boni...."
"Ganyan ka ba magmahal mommy.... kapag ba mahal mo sinasaktan mo.. . Niloloko mo"
"Boni hindi mo ko naiintindihan...."
"Talagang hindi kita maintindihan mommy"
Pagkasabi non ay tumalikod na si Boni sa ina at nagmamadaling lumabas ng bahay. Kinuha niya ang motorsiklo ng tiyuhin at pinaharurot ito ng alis.
"Boni.... bumalik ka dito...Boni!!!!"
Wala naman nagawa si Roni kundi humagulgol ng iyak......
"Roni.... anung nangyari...."nag-aalalang tanong ni Yuan sa kapatid.
Nagmadali siyang umuwi galing sa opisina dahil tumawag si Roni sa kanya kanina na halos hindi naman makapagsalita sa pag-iyak.
"Kuya si boni...."humihikbi pang tugon ni Roni.
"Nasan ba si boni? Wala pa ba siya.... di pa ba siya nakauwi galing school?"sunod-sunod na tanong ni Yuan.
"Kuya umalis si boni..... nagalit kasi siya sakin.... ginamit niya yung motor mo"
"Ha?.... bakit naman siya nagalit sayo"
"Kuya mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo ang mahalaga hanapin muna natin si boni baka kung anung mangyari sa kanya"
"Sige tatawagan ko si maffy baka dun lang nagpunta"
Agad tumawag si Yuan sa bahay ng mga Dela Cruz.
"Hello...."si Junjun ang nakasagot.
"Hello pare andyan ba si maffy.... pwede ko bang makausap sandali..."si Yuan.
"Oo pareng yuan nandito sandali lang tatawagin ko"
Agad naman lumapit si Maffy at kinuha ang telepono kay Junjun.
"Hello maffy.... andyan ba si boni?"agad na tanong ni Yuan ni hindi na hinintay magsalita si Maffy.
"Wala po kuya yuan pero kanina pumunta sya dito mukhang problemado tapos niyayaya ako pumunta daw kami sa bar eh kaso hindi pumayag si mommy tapos umalis na lang si boni akala ko naman umuwi na lang"
"Eh maffy pwede bang samahan mo na lang ako dun sa mga bar na alam mong pwedeng puntahan ni boni hanapin natin sya....
"Sige po...."
"Sige pupunta na ko diyan susunduin na lang kita"
"Hindi na po kuya yuan kami na lang daw ni kuya junjun ang pupunta dyan sasamahan na lang daw niya tayong maghanap kay boni..."
"O sige hintayin ko na lang kayo dito ha salamat...."
Pagkababa pa lang ng telepono ay nagmamadali nang umakyat si Yuan sa kwarto at pagkababa nito ay nakapagpalit na ng damit.
"Kuya sasama ko maghanap kay boni"si Roni.
"Roni wag na kami na lang ni junjun at maffy...."
"Pero kuya mamamatay lang ako sa pag-aalala dito".
"Roni kailangan mag stay ka lang dito sa bahay para kung sakaling umuwi si boni na wala pa kami tawagan mo ko agad."
"Pero kuya kinakabahan ako.... natatakot ako"
"Sige roni tatawagan ko na lang si gelai para may kasama ka dito ha"