Pagkatapos magligpit ng kusina ay napagpasyahan ni Roni na magpahangin muna sa labas ng bahay nila.
Napadako ang tingin nya sa bahay na nasa tapat nya . Ito ang dating tinirhan ng pamilya nila Junjun. Pero makalipas lang ang ilang taon ay lumipat na rin ng bahay ng magkaron ng problema sa pera ang pamilya nito.
Ganundin naman si Tonsy, lumipat din sya ng bahay matapos ibenta ng daddy nito ang dating tirahan nila.
Kaya naman naiwan na lang na kapitbahay nila sa subdivision na yon ay sila Gelai at Borj.
Pero pagkalipas din naman ilang taon ay inabandona din ang bahay nila Borj sa naturang subdivision nang magpasya itong lumipat na sa amerika kasama ang lolo at lola nito.
Natigil lamang ang pagiisip ni Roni ng maramdaman niya na bumukas ang pinto ng bahay nila at iniluwa non ang magkaibigang Yuan at Borj.
"O pano borj...kita na lang ulit tayo bukas ha pare"ani Yuan.
"Sige pare... tsaka nga pala kung pwede sabay na lang ako sa inyo bukas papunta kila junjun ha"
"O sige ba hintayin ka namin dito"si Yuan na napansin naman si Roni na nakatayo sa gate.
"Hoy roni anung ginagawa mo dyan?"tanong nito sa kapatid.
"O sya sige... pero pumasok ka na rin maya-maya ha, wag mo rin kalimutan isara ang pinto."
"Opo kuya"sagot ni Roni.
"O pano borj... pasok na ko sa loob ha."
"Sige pare bukas na lang ha."sagot ni Borj na noon ay nasa labas na ng bahay nila Yuan at Roni.
Nang pumasok na si Yuan ng bahay ay isinara na ni Roni ang gate. Pero napansin niya na hindi pa rin umaalis si Borj. Nanatili lang itong nakatayo sa labas ng gate nila.
"Hoy borj... akala ko ba uuwi ka na?tanong ni Roni dito.
"Oo sana kanina uuwi na ko... kaso ngayon parang nagbago na isip ko, para kasing namiss ko ng sobra itong gate ng bahay nyo"pero ang totoo si Roni talaga ang namiss nya ng sobra.
"Ha?!! Di ko naman maintindihan ang sinabi mo borj. Biro ba yon?"
"Hindi roni,totoo yon... namiss ko talaga ang gate na 'to..eh panu naman ang dami nating alaala dito. Eh diba dito tayo madalas maglambingan noon."kinindatan pa nito ang babae.
Kinilig tuloy si Roni at pakiramdam nya ay namula ang mukha nya.
"Hoy ang kapal mo borj ha... never tayo naglambingan dito noh... nag uusap lang kaya tayo noon."depensa nya dito para kahit papano ay maitago nya sa lalaki ang kilig na nararamdaman nya ng mga sandaling iyon.
"Talaga lang ha?"tukso pa nito sa kanya.
"Talagang-talaga"sagot ni Roni.
"Eh pero ikaw roni bakit nandito ka pa sa labas?totoo ba na nagpapahangin ka lang o hinihintay mo umuwi ang asawa mo. Bakit late na ba sya sa oras ng pag-uwi nya? Baka natraffic lang yon o kaya nag overtime sa work nya"mahaba at tuloy-tuloy na tanong ni Borj.
Natawa naman si Roni dito.
"Ano bang sinasabi mo dyan borj?"
"di ba wala pa ang asawa mo, hindi pa sya umuuwi.. eh kung di ako nagkakamali 10 pm na..."
"Alam mo kasi borj wala naman talaga ko hinihintay, kasi wala naman ako asawa."
"Panong wala eh diba kinasal kayo noon ni basti? So asawa mo sya"