chapter sixteen

615 31 14
                                    

Kinabukasan maagang nagpunta si Borj sa bahay ng mga salcedo. Hindi talaga siya nakatulog dahil sa sinabi ni Roni kaya naman sinadya niya talaga na puntahan ito ng maaga para tanungin kung totoo ba ang sinabi nito sa kanya nang tumawag kagabi.

Inabutan niya ang magtiyuhin na Yuan at Boni na pasakay na ng sasakyan na nakaparada sa harap ng gate ng bahay nila.

"Yuan sandali..."tawag ni Borj.

"O pareng borj... ang aga mo ah"si Yuan.

"Good morning tito borj"bati naman dito ni Boni.

"Si roni?"tanong ni Borj.

"Wala eh kanina pa nakaalis...  lunes kasi ngayon may flag ceremony at program sa school na pinagtuturuan niya kaya maaga sya umalis kanina"paliwanag ni Yuan.

"Ganon ba... sayang nahuli pala ko"

"Bakit mo ba siya hinahanap nang ganito kaaga... iba ka talaga pareng borj... ang aga mong manligaw ganyan ba sa states ha?"pagbibiro pa ni Yuan.

"Hindi kasi pare... may sinabi kasi siya saken kagabi tapos bigla naman naputol yung tawag niya kaya ako nandito ngayon para linawin kung totoo ba o kung tama ba yung narinig ko... baka kasi mali lang yung narinig ko"

"Bakit anu bang sinabi sayo ni roni?"nagtatakang tanong ni Yuan.

"I love you"

"Ha?... teka borj wala naman ganyanan... di tayo talo... magbestfriend lang tayo at hanggang dun lang ang kaya kong ibigay sayo pare"si Yuan.

Natawa naman si Boni sa biro ng tiyuhin.

"Pare naman yun ang sinabi saken ni roni...  tumawag siya saken kagabi tapos nag-goodnight...tapos sinabihan niya ko ng I love you"

"Talaga tito borj eh di kayo na ni mommy?"

"Hindi ko nga alam eh"napakamot pa ng ulo si Borj.

"Eh ano bang sinabi mo"si Yuan na todo ang ngiti. Sinunod pala ni Roni ang sinabi niya dito kagabi.

"Wala nga eh... kasi naman pare nabigla ako... tapos biglang nag-end call na"

"Pano yan borj nakaalis na si roni.... at isa pa kailangan na rin namin umalis ni boni dahil male-late na rin kami.... so good luck na lang bayaw?"si Yuan.

"Bayaw..."napangiti na lang si Borj habang pinamamasdan na sumakay ang magtiyo sa kotse.

Kumaway pa ang dalawa sa kanya bago tuluyang umalis.

Nang matapos ang klase ni Roni ay agad na siyang lumabas ng paaralan. Naupo siya sa waiting shed na nasa tabi lang ng gate ng school. Tumawag kasi si Gelai sa kanya kaninang umaga bago siya pumasok sa trabaho at nagyaya ito na lumabas sila para pag-usapan ang gaganapin na reunion nila at para makapamili na rin ng isusuot nila kaya hindi na rin siya nagdala ng sasakyan kanina at sumabay na lang din kay Gelai pagpasok.

Ang usapan nila ni Gelai ay susunduin na lamang siya nito dahil hindi na nga siya nagdala ng sasakyan.

Pero kalahating oras na siyang naghihintay ay wala pa ang kaibigan na ipinagtataka niya dahil simula pa noon ay never naman nalate si Gelai sa mga usapan nila.

Maya-maya pa ay may huminto nang kotse sa harap niya pero sigurado siyang hindi ito pag-aari ni Gelai kaya hinintay niya kung sino ang bababa sa sasakyan.

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon