chapter nineteen

584 31 15
                                    

Kagaya nga nang inaasahan ni Roni pagkauwi niya ng bahay ay naabutan niya si Borj doon na kasama si Boni.

"Hi ma..."sinalubong ni Boni si Roni at humalik sa pisngi ng ina.

"Hi roni good evening"bati din ni Borj.

"Hi borj" malamig na tugon naman ni Roni dito.

"Bakit nga pala ngayon ka lang roni?"tanong ni Borj.

"Medyo marami kasi kaming ginawa sa school tsaka biglang nagpatawag ng faculty meeting kanina"pagkakaila niya.

"Ganon ba..."

"Ah sige borj... akyat na ko sa taas ha... pagod na kasi ko"

"Pero roni... kakarating mo lang ah... magkwentuhan muna tayo kahit saglit lang."

"Bukas na lang borj"

"Sige kung yan ang gusto mo"matamlay na sagot ni Borj.

"Boni... ikaw na muna bahala sa tito borj mo ha"bilin niya sa anak.

"Opo mommy"

At umakyat na si Roni sa taas. Wala namang nagawa si Borj kundi sundan ng tingin si Roni habang umaakyat ng hagdan.

"Ano kayang nangyari sa mommy mo boni?"

"Di ko rin alam tito borj.... mukhang may sumpong"kibit-balikat na tugon ng binatilyo.

Kinagabihan hindi makatulog si Roni kakaisip... kaya naisipan niya na magpahangin muna sa labas.

Hindi talaga mawaksi sa isipan niya ang mga sinabi ni jane kanina.

Maya-maya pa ay napansin niyang may naghagis ng maliit na bato sa labas. Lumakad sya palapit ng gate upang tingnan kung may tao ba sa labas.

Nang makalapit siya ay may nakita siyang isang lalaki na nakaupo sa tabi ng gate ng bahay nila. Sinilip niya ito at nagulat pa siya nang mapagtanto kung sino ang taong 'yon.

"Borj?"

Agad naman itong napatayo nang marinig ang boses nya.

"roni..."

"Anung ginagawa mo dyan borj?"

"Wala naman roni nagbabakasakali lang ako na lumabas ka at eto swerte nga na nandito ka"

"Pero borj...gabing-gabi na ah..."

"Ok lang yun roni ang mahalaga makita kita.... nagwoworry kasi ko sayo kanina may problema ba roni?"

Naalala na naman niya ang mga sinabi ni Jane.

"Wala naman borj... napagod lang talaga ko"muling pagsisinungaling niya. Hindi naman niya kayang sabihin kay Borj na pinuntahan siya ni Jane kanina sa school.

"Kung ganon roni... eto para sa'yo"iniabot ni Borj ang dala niyang bulaklak at tsokolate kay Roni.

"borj hindi mo naman na ko kailangan pang bigyan nito."

"Pero roni nag-alala nga ko sayo kanina paguwi ko kaya nagmadali akong maghanap niyan kasi sabi nang mommy ko ang bulaklak daw nakakapagpagaan ng kalooban ng babae at ang chocolate naman ay nakakapag- patanggal ng stress"

"Salamat borj"

"Roni... bakit hindi ka ngumingiti.... alam ko may dinaramdam ka"pag-aalala pa rin ni Borj.

"Borj... sa tingin mo ba karapat-dapat pa rin ako na mahalin mo.?"

"Roni... ano bang klaseng tanong yan?"

"Borj... gusto ko lang kasi malaman"

Hinawakan ni borj ang mga kamay ni Roni na nakapatong sa gate at dinala ito da dibdib niya.

"Roni damhin mo ang pintig ng puso ko.... alam mo ba na ikaw na lang ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko."

"Pano borj kung masaktan na naman kita?"

"Hindi ko na iniisip yon roni... kasi ang mahalaga lang saken ngayon nandito ka kung alam mo lang roni kung gaano ako kasaya ngayon na wala nang puwang sa puso ko yong pag-aalala kung ano bamg pwedeng mangyari bukas"

"Pero borj... pano kung may iba pang mas karapat-dapat para sa'yo... yung kaya kang mahalin ng sobra-sobra.... yung hindi ka kayang saktan kagaya nang ginawa ko noon"

"Roni wala na saken yon... kalimutan na natin lahat ng nangyari noon... roni wala naman makakapagsabi kung karapat-dapat ka ba para sakin o ako para sayo... si God lang ang nakakaalam nun kung sino ang itinakda niya para satin pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita at gusto kong paniwalaan na ikaw ang para sakin"

Muli hindi na naman napigilan ni Roni ang pagtulo ng luha niya. Mahal na mahal niya si Borj at kung totoo man ang sinabi ni Jane na mas kaya niyang mahalin si Borj ng sobra pa sa kaya niyang ibigay ay handa naman siyang magparaya. Pero hindi niya kayang pigilin ang sarili niya na hangarin na sana sila talaga ni Borj ang para sa isat-isa.

"Roni wag ka na umiyak... tsaka wag ka na mag-isip nang kung anu-ano pa"lumapit si Borj at niyakap si Roni."roni hindi mo ko kailangan mahalin ng sobra kasi sapat na sakin yong alam ko na akin ka na at makakasama kita palage"

"Salamat borj... mahal na mahal kita at palagi mo lang tandaan na kahit anu pang mangyari mahal na mahal kita at kung anuman ang mga nagawa ko noon patawarin mo ko borj."

Bumitiw si Borj sa pagkakayakap kay Roni at tumingin sa mga mata nito.

"Roni kahit isang saglit sa buhay ko never akong nagalit sayo... wala kang dapat ihingi ng tawad sakin"

"Borj marami akong kasalanan sayo..."

Tinakpan ng daliri ni Borj ang mga labi ni Roni upang huminto ito sa sinasabi.

Nang hinto na si Roni sa pagsasalita ay inalis ni Borj ang mga daliri at dinampian ng halik ang labi ni Roni.

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon