chapter twenty three

564 31 10
                                    

Nabigla si Borj nang humarap siya kay Jane.

Nakapagpalit na ito ng damit. Kanina lang ay nakapajama at naka t-shirt ang babae pero ngayon ay nakasuot na lang ito ng maiksing bestida na kulay puti. Na sa sobrang nipis ay naaaninag na ni borj ang nasa loob.

Nakapanty ito na kulay itim na sa sobrang igsi ng bestida ay makikita na rin. Nang mapadako naman ang tingin nya sa bandang dibdib nito ay nahulaan nya na wala na itong bra.

"Jane... anung ibig sabihin nito? Akala ko ba may sakit ka?"

"Kanina yon borj.... pero ngayon ikaw na ang paiinitin ko"si Jane na unti-unti nang lumakad palapit kay borj.

"Teka lang niloko mo lang ba ko?"si Borj na parang ipinako sa pagkakatayo sa kabiglaan.

"Bakit... hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko sayo?"binigyan sya ng mapang-akit na ngiti ng babae.

Nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya ay kinuha ang dalawang kamay niya at ipinulupot sa baywang nito.

Idinikit pa ni Jane ang kanyang katawan kay Borj na noon ay hindi malaman kung anung gagawin sa sobrang kaba.

Lalo na nang ikinawit ni Jane ang dalawang kamay niya sa batok ni Borj at naramdaman nito ang pagdikit ng dibdib ni jane sa dibdib niya.

Agad namang inalis ni Borj ang mga kamay niya sa baywang ni Jane. Oo nga at nakakaramdam na siya ng init dahil sa ginagawang pang-aakit sa kanya ni Jane pero nasa katinuan pa rin ang kanyang isip.

Pilit niyang inalis ang mga kamay nito na nakakawit sa batok niya at dahan -dahan siyang humahakbang paatras hanggang sa di na niya namalayan na nasa gilid na pala siya ng kama at tuluyan na siyang napaupo dito.

Sinamantala naman ito ni Jane. Itinulak niya si Borj dahilan para mapahiga ito sa kama at sinamantala na ni Jane at pumaibabaw siya napahigang lalaki.

"Jane ano bang ginagawa mo tumigil ka na...."saway ni Borj dito.

Pero parang walang narinig si Jane at hinalikan si Borj sa labi.

Hindi naman agad naka react si Borj dahil nabigla siya sa ginawa ni Jane.

Ipinasok pa ni Jane ang kamay sa loob ng t-shirt ni Borj at hinaplos ang dibdib nito. Marahas at mariin ang paraan ng paghalik ni Jane na para bang sanay na sanay na ito sa ginagawa.

Samantalang si Roni ay banayad lang kung humalik na para bang nahihiya pa pero labis ang kiliti na hatid kay borj ng mga halik na iyon ni Roni.

Tama si Roni ang mahal ko at mali itong mga nangyayari.... sigaw ng isip ni Borj na tuluyang nagbigay ng dahilan para itulak niya si Jane.
Napahiga naman ito sa tabi niya kaya nagkaroon ng pagkakataon na makatayo si Borj.

"Ano ba jane... ano bang ginagawa mo?"

"Bakit borj... hindi ka ba nag-eenjoy?"

"Jane?.... hindi mo dapat ginagawa 'to.... babae ka... wala ka bang respeto sa sarili mo?"

"Alam mo borj... kunwari ka pa... alam ko namang nagiinit ka na... wag ka mag-alala kayang-kaya kitang paligayahin at sigurado akong hahanap-hanapin mo ang gagawin ko sayo"muling tumayo si jane at lumapit kay Borj.

Hinaplos-haplos nito ang dibdib ni Borj hanggang sa muling hinapit nito ang batok ng lalaki at nang aktong muling hahalikan ito ay agad nang umiwas.

"Pwede ba jane... tumigil ka na... nagpunta ako dito kasi humingi ka ng tulong.... at natural kaibigan kita kaya agad akong pumunta dito dahil nag-alala ako sa'yo pero ano?... niloko mo lang ako"napataas na ang tono ng pag-sasalita ni Borj.

"Pero borj.... mahal kita"

"Alam mo jane.... tama na 'to... I have to go"

"Borj please.... wag mo kong iwan"pagmamakaawa nito at niyakap ng mahigpit si Borj.

Pilit naman niyang inalis ang kamay nito at bahagyang inilayo ang sarili dito.

"No jane....may sakit ka di ba.... so I think doktor ang kailangan mo at hindi ako"pagkasabi non ay naglakad na si Borj palabas ng kwarto ni Jane.

"Borj.... please.... stay with me"habol pa nito.

"No jane.... don't worry papupuntahin ko dito ang doktor na tumitingin kay lola para gamutin ka" at tuluyan nang umalis si Borj.

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon