chapter twenty five

519 30 6
                                    

"Hello mahal ko.." nagulat pa si Roni ng pagkapasok nya ng pinto ay biglang sumalubong sa kanya si Borj. Kakauwi nya lang nun galing trabaho.

"Borj.... ginulat mo naman ako"

"Sorry mahal ko.... na excite lang ako hehe..."si Borj bago hinawakan ang dalawang pisngi ni Roni at hinalikan sa labi.

Pagkatapos ay niyakap ng mahigpit ang nobya.

"Borj.... papasukin mo kaya muna ako noh.... kasi nandito po tayo sa pinto"si Roni na napangiti sa ginawang paglalambing ni Borj.

Bumitiw naman sa pagkakayakap si Borj . At pumasok sila sa loob ng bahay.

"Nga pala borj nasan si Boni?"tanong ni Roni nang hindi makita sa loob ng bahay ang anak.

"Pinuntahan niya ko sa bahay kanina, nakiusap siya sakin na ihatid ko raw siya kila junjun kasi may usapan ata sila ni maffy eh. Kaya nga nandito ako para sabihin ko raw sayo pag-uwi mo kasi baka daw hanapin mo siya"paliwanag ni Borj.

"Ganon ba... talaga naman si boni... sobrang pang-aabala na ginagawa sayo."

"Ok lang yun kesa naman pakialaman na naman ang motor ni yuan eh di mag-aalala ka na naman sa kanya kaya naisip ko na ihatid na lang tapos sabi ni pareng junjun siya na raw bahalang maghatid kay boni mamaya"

"Sabagay tama ka.... pero salamat ha..."

"Ok lang yun alam mo naman parang anak ko na si boni"

Natigilan na naman si Roni. Lalo na siguro kung malaman ni Borj na anak niya talaga si Boni. Kaso hindi pa kayang harapin ni Roni ang galit at panunumbat na gagawin sa kanya ni Borj kung sakaling malaman nito na ipinagkait niya ang anak nila ng napakatagal na panahon.

"Sige na mahal ko magbihis ka na para makapagmeryenda tayo may ibinigay kasi sakin si tita elsie na baked macaroni niluto niya kanina ipinagmamalaki niya kasi na special daw to di ko lang alam kung bakit naging special hehe..."

"Ah sige akyat muna ako ha saglit lang..."

"Gusto mo samahan kita...."bulong ni Borj kay Roni. As if naman may makakarinig sa kanya eh sila lang dalawa ni Roni ang tao sa bahay.

"Umayos ka nga dyan borj ha...."bakit masama ba?

"Masama talaga kasi hindi pa ako ready.... virgin pa ko noh..."pagbibiro ni Roni.

Napahagalpak tuloy ng tawa si Borj.

"Anung nakakatawa?"

"Kung virgin ka pa?... anung tawag mo kay Boni... himala?" Napalitan naman ng pilyong ngiti ang tawa ni Borj sa naalala."tsaka nakalimutan mo na ba miss. Ronalisa Salcedo ako ang nakakuha ng kapital V. ni roni na sinasabi mo"

Namula naman si Roni ng sobra sa sinabi ni Borj. At bumalik din sa isip niya ang matamis na alaala na pinagsaluhan nila ni Borj noon.

"Ang sabihin mo.... Mr. Benjamin Jimenez baka ako ang nakauna kay borj"

Si Borj naman ang namula sa sinabi ni Roni. May kasama pang pawis na malamig.

"At pano ka naman nakasigurado sa bagay na yan ha.... mahal ko"

"Ah ganon? Sige break na tayo"

"Oi... joke lang yon ha...."si Borj na agad kinabahan.

"Joke lang din yun mahal ko"bawi ni Roni.

Muli naman ngumiti ng pagkatamis-tamis si Borj.

"Para saan naman yang ngiti na yan?"

"Wala naman roni... ang sarap pala pakinggan kapag tinawag mo ko nang mahal ko"

"Asus.... kinikilig naman siya"

"Roni naman..."

"Sige na borj... magbibihis na ko... nagugutom na rin kasi ko"at umakyat na si Roni ng hagdan.

"Ayaw mo talagang samahan kita?"pahabol na sabi ni Borj.

"Tumigil ka dyan.... mahal ko"si roni.

Pagkatapos magbihis ni Roni ay pinagsaluhan nila ang dalang pagkain ni Borj galing kay tita Elsie. Totoo nga ang ipinagmamalaki ng mommy ni Junjun dahil sobrang sarap nga ng niluto nito.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta si Borj na siya na lang ang magliligpit ng kinainan nila. Kahit nagpumilit si Roni na siya na lang ay hindi pumayag si Borj dahil alam niya na kahit papano ay napagod si Roni sa trabaho.

Nang makatapos si Borj ay nakita niyang nakaupo sa sala si Roni at nagbabasa ng libro.

Nilapitan niya ito at muling naglambing.

Nahiga siya sa sofa na kinauupuan ni Roni at ginawang unan ang kandungan ng nobya.

Nagulat si Roni pero napangiti lang siya sa ginawa ng nobyo.

Itinigil niya ang pagbabasa at hinaplos ang buhok ni Borj.

Parang nasarapan naman at narelax si Borj sa ginawa ni Roni kaya napapikit na lang siya.

"Alam mo roni.... napakasaya ko.... sana ganito na lang tayo palage"

Nalungkot naman si Roni sa sinabi ni Borj. Panong mangyayari ang gusto ni Borj eh aalis din naman ito at babalik sa amerika.

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon