chapter twenty

504 26 2
                                    

"Hello sis kumusta ka dyan?"si Roni...

Naisipan nya tawagan ang kaibigan na si Gelai dahil may fashion show ito ngayon. Inimbitahan sya nito pero hindi sya makapunta dahil natapat naman ito sa finals ng mga bata kaya busy si Roni sa school. Kaya naisip na lang ni Roni na tawagan ang matalik na kaibigan para igoodluck ito.

"Ok naman ako sis... maya-maya magsisimula na ang show..." sagot ng kaibigan sa kabilang linya.

"Basta sis goodluck ha... galingan mo ha sigurado ako bukas laman ka na naman ng mga newspapers , magazines at trending na naman sa social media ang mga pictures mo."si Roni na sobrang proud sa kaibigan.

"Thanks roni ha....... ouchhh...." biglang may sumagi kay Gelai.

"Hello sis... ok ka lang dyan?" Nag-alalang tanong ni Roni.

"Owww... I'm sorry"

"Sis wait lang ha..."sabi ni Gelai kay Roni at nang makita niya kung sinong nakabangga sa kanya."jane?"

Fashion model na si Jane ngayon kaya isa siya sa mga rarampa sa event kasama ni Gelai.

"Oww gelai it's you pala... I'm really sorry"

"Bakit naman kasi ang laki naman ng place dito ka pa talaga sa tabi ko dumaan"iritadong sabi ni Gelai. Feeling niya kasi sinadya siyang banggain ni Jane.

"Eh bakit din kasi dito ka pa sa gitna ng hallway nakikipag-usap sa phone.... wait I'm sure si roni ang kausap mo noh?"

"So?"si Gelai na nakataas na ang isang kilay.

"Di ba bestfriend mo si roni... so bakit wala siya dito ngayon to support you... well I'm sure insecure yon"

"Insecure?kanino?"

"Sayo... kasi ikaw sikat ka"

"Ofcourse not... never nagkaroon ng ganyang issue samin ng bestfriend ko kasi magkaiba naman kami ng personality tsaka sinusuportahan namin ang bawat isa"

"You know what gelai dapat ininvite mo si roni dito para naman magkaroon siya ng idea kung ano ang fashion ngayon kasi nagmumukha na siyang manang eh ewan ko nga ba kung bakit nagugustuhan pa yan ni borj"

"Yon eh di lumabas din ang totoo... ikaw ang insecure sa bestfriend ko... alam mo kasi si roni hindi na niya kailangan magsuot ng mga usong damit at hindi niya kailangan magsuot ng mga sexy na damit o magmake-up ng makapal kagaya mo kasi sobrang ganda na niya kahit simple lang siya at yon ang nagustuhan ni borj sa kanya effortless ang beauty niya at hindi trying hard."tiningnan pa ni Gelai si Jane mula ulo hanggang paa tsaka ito binigyan ng mapang-insultong ngiti.

"So what do you mean by that?"nainis na tanong ni Jane.

"Alam mo jane... kung gugustuhin ni roni na maging model o artista pwede naman eh kayang-kaya niya yon kasi maganda siya at sexy eh ikaw kaya matatanggap ka kayamg teacher?... well I don't think so..."

"Bakit anung akala mo saken walang utak..."gusto na sanang sigawan ni Jane si Gelai pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang mageskandalo. Pero kitang-kita ni Gelai ang panginginig ng laman nito sa galit.

"Alam mo kasi jane nung nagpaulan ng kayabangan at kapal ng mukha si God sinalo mo lahat hindi mo manlang tinirhan si roni."

Lalong nainis sa galit si Jane kaya tinalikuran na lang nito si Gelai at umalis.

"Hello sis anung nangyari?"usisa ni roni sa kabilang linya.

"Hello sis... wala yon wag mo intindihin yon."natatawang sabi ni Gelai.

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon