chapter eighteen

521 23 2
                                    

Kinabukasan pagkatapos ng huling klase ni Roni ay nagmamadali na siyang umuwi.

Tinawagan siya ni Borj kaninang lunchtime upang tanungin kung kumain na ba siya. At sinabi pa nito na susunduin daw siya pag-uwi pero tinanggihan niya kasi may dala naman siyang sasakyan.

Sinabihan na lang niya ito na puntahan na lang siya sa kanilang bahay kaya di na nagpumilit pa si Borj.

Pagdating sa parking ay may dinatnàn si Roni na nakasandal sa kotse niya.

"Hi roni..."malamig na bati nito sa kanya. Ni hindi manlang ngumingiti.

"Jane?..."wika ni Roni.

"Ako nga..."

"Anung ginagawa mo dito... naligaw ka ata..."

"Hindi ako naligaw... dito talaga ang punta ko... at ikaw talaga ang sadya ko"mataray na sagot ni jane.

"So anung kailangan mo saken"

"Kayo na ba ni borj?"

"Ano naman ngayon sayo kung kami na ni borj?"

"Ang kapal naman nang mukha mo roni... pagkatapos mong saktan si borj noon lalandi ka sa kanya ngayon... alam mo ba kung anung naramdaman ni borj noon nung naging kayo ni basti? Well pano mo nga pala malalaman eh wala ka naman pakialam sa kanya dahil sobrang saya mo sa boyfriend mo samantalang sobrang sakit yung nararamdaman ni borj tuwing nakikita niya kayong magkasama ni basti"mahabang lintanya ni jane.

"Anung ibig mong sabihin?"

"Ngayon maang-maangan ka pa... halos sirain na nga ni borj ang buhay niya noon dahil sayo.... pakiramdam niya itsapwera na siya sa barkada nyo... kaya nga siya pumunta sa ibang bansa kasi mas pinili na lang niya na lumayo para kalimutan ka tapos ngayon... ano? Porke hiwalay na kayo ni basti pinagsisiksikan mo na ang sarili mo sa kanya"

"Hindi totoo yan jane... hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko kay borj" sa wakas ay nakapagsalita na si Roni.

"Eh anu sa tingin mo ginagawa mo ngayon? Pinaglalaruan mo na naman si borj.. paaasahin? Tapos sa huli sasaktan mo lang din pag nakakita ka na naman ng bago... di ba ganyan din ang ginawa mo noon... pinakita at pinaramdam mo kay borj na may gusto ka rin sa kanya tapos dumating lang si basti itinapon mo na si borj na parang basura"

"Hindi totoo yan jane.... wala kang alam kaya wag ka magsalita nang ganyan"

"Anung walang alam... ako ang kasama ni borj noon tuwing nasasaktan siya nang dahil sayo... ako ang naging karamay niya"

"Pwede ba jane... umalis ka na lang dyan sa kotse ko nagmamadali ako"tinaasan na lang ng kilay ni Roni ang babae.

Umalis naman ito sa pagkakasandal sa kotse niya.

"Mahal ko si borj, roni... at mas kaya ko siyang mahalin nang higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa kanya..."sabi ni jane bago tumalikod kay Roni at umalis.

Pagkapasok ni Roni sa kotse ay natigilan siya.

Tumulo ang luha niya nang mapagtanto ang mga sinabi ni Jane. Oo alam niya na nasaktan niya si Borj noon pero hindi niya inasahan na ganon pala ang naging epekto nito sa kanya.

Buong akala niya ay maluwag sa puso na tinanggap ni Borj ang nangyari sa kanila at akala niya ay masaya ito para sa kanila ni Basti pero gaya nga nang sinabi ni jane ay siya pala ang dahilan kung bakit napalayo ang loob ni Borj noon sa barkada at sumama sa iba na naging masamang impluwensiya noon sa kanya.

Nang dahil sa hindi malaman ni Roni kung anung dapat gawin ay naisipan niyang tawagan si Gelai.

"Hello roni" wika ni Gelai sa kabilang linya.

"Hello gelai... busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman bakit roni?...teka lang sis... umiiyak ka ba?"biglang nag-alala si Gelai.

"Nasan ka ngayon sis... pwede ba tayong magkita?"

"Oo naman roni nandito lang ako sa bahay ngayon"

Pagkatapos magpaalam ay pinaandar na ni Roni ang sasakyan papunta sa bahay nila Gelai nasa iisang subdivision lang sila pero hindi na muna tumuloy si Roni sa bahay nila dahil alam niya na siguradong nandun na si Borj at naghihintay sa kanya.

"O roni uminom ka muna"inabutan ni yaya medel si Roni ng isang basong tubig.

"Salamat po yaya"at iniabot na ulit ang baso matapos niya itong inumin.

"O sige na gelai maiwan ko na kayo dito ha magluluto pa ko sa kusina eh. Ikaw na muna bahala kay roni ha"paalam ni yaya medel.

"Sige po yaya"

Binalingan ni Gelai ang kaibigan.

"Roni may problema ka ba?"

"Gelai kasi... pinuntahan ako ni jane kanina sa school"

"Ha? Ano naman kailangan sayo nang babaeng yon"

"Tinanong niya ko kung kami na raw ba ni borj"

"O eh ano naman ngayon sa kanya kung kayo na ni borj"mataray na tanong ng kaibigan .

Kinuwento ni Roni kay Gelai ang mga sinabi ni jane sa kanya kanina.

"Roni... ano naman karapatan ni jane na magsalita nang ganon para kay borj?"komento ni Gelai.

"Mahal daw niya si borj higit pa sa pagmamahal ko"

"Ganon? Pano naman niya nasabi yon... alam ba niya na sobrangahal mo si borj."

"Pero gelai nasaktan ko ng sobra si borj."Muli na naman tumulo ang luha ni Roni.

"Pero hindi mo naman sinadya yon.... mga bata pa tayo noon kaya hindi pa natin alam kung ano ba ang totoong pagmamahal... hindi pa natin alam kung anung pagkakaiba ng infatuation sa love.... hindi mo sinadya na magkamaling sagutin si basti dahil akala mo siya yung mahal mo at huli na nang narealize mo na si borj pala ang true love mo"

"Pero nasaktan ko pa rin si borj"

"Eh yung sakit na naramdaman mo noon wala lang ba yun"

"Gelai hindi naman alam ni borj na nasaktan niya ko eh"

"That's exactly my point roni... hindi ka sinadyang saktan ni borj.... just the same na hindi mo siya sinadyang saktan"

"Pero pano kung si jane talaga yung makakapagpasaya kay borj... pano kung mas deserving siya sa pagmamahal ni borj?"

"Roni si borj lang ang nakakaalam nang sagot diyan at hindi tayo ang magpapasya niyan kundi si borj lang."

"Pero gelai... sobrang mahal ko si borj"

Nilapitan ni Gelai si Roni at niyakap.

"Alam ko yun sis...."

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon