chapter four

707 31 2
                                    

Pagkapasok ni Roni ng kwarto ay nahiga sya para kasing nanghina ang katawan nya sa hindi maintindihan na nararamdaman.Muli na naman sumagi sa alaala nya ang nangyari nung huling gabi bago umalis si Borj papunta sa states.Yun ang huling pagkikita at paguusap nilang dalawa.Yun din ang gabi na hindi nya inakala na magpapabago ng buhay nya.

Pero bakit parang si Borj ang dali-daling nakalimutan ang lahat.Hindi manlang ba yon mahalaga sa kanya.Bakit ba ganon si Borj.

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan...Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman...Kahit matapos ang magpakailanpaman..Akoy maghihintay sa ngalan ng pagibig....

Lalong tumindi ang bugso ng damdamin nya ng marinig ang musika na yun pero agad din syang napabalikwas ng tayo ng maalalang ringtone nga pala ng cp nya yun.

"Hello jelai.."alam nyang si jelai ang nasa kabilang linya ayon na rin sa nakaregister sa cp nya.

"Hello roni hindi ka makakapaniwala sa sasabihin ko..."si Gelai na excited sa kabilang linya.Siguro magbabalita ito sa kanya tungkol sa bagong update sa kasal nito at ni Junjun.

Tinawagan nya kasi ito kanina para sana magkita sila para makapagusisa sya tungkol sa kasal nito pero may pictorial pala ang kaibigan para sa nalalapit na fashion show na kung saan ay isa sya sa mga special guests.

Malayo na rin ang narating ng kanyang kaibigan bilang isang artista at di na mabilang ang mga product endorsement  nito.

"Bakit gelai anu bang sasabihin mo?"

"Roni nandito na raw si Borj... umuwi na sya ng pilipinas."

"Hay naku gelai akala ko naman kung anu nang sasabihin mo na di ako makakapaniwala"

"Teka-teka roni... bakit naman ganyan ang reaksyon mo"

"Eh panu po kasi,huli ka na sa balita... nandito nga si borj samin ngayon."

"What?? Talaga roni??eh kumusta naman ?"

"Ang alin."takang tanong ni roni.

"Kumusta ang alin???"

"Ang pagkikita nyo syempre... nag-usap na ba kayo?ano roni may asawa na raw ba si Borj o kaya may girlfriend o wala?nanliligaw na ba sya ulit sayo?"

"Gelai kalma!!!"awat nya sa walang prenong paguusisa ng kaibigan.

Oo nga pala ni hindi manlang sila nakapagusap ni Borj. Kumusta na kaya ito,may sarili na kaya itong pamilya o kung wala siguradong may girlfriend na to. Pero sa isang sulok ng puso nya ay hinihiling nya na sana wala pa. Na sanaay pag-asa pa na mahalin pa syan muli ni Borj tulad nung mga bata pa sila. Pero napakatagal na ng panahon ang lumipas parang naka move-on na si Borj sa kanya. Pero sana talaga hindi pa. Sana mahal pa sya ni Borj. Napabuntong hininga na lang sya sa mga iniisip.

"Hello roni... anu na may kausap pa ba ko."

"Ha??...ah..eh...oo naman anu nga pala sinabi mo?"si Roni.

"Hay naku roni... I knew it... lutang ka na at this moment... tinatanung ko po kung nagusap ba kayo ni borj."

"Eh hindi pa..."

"Bakit hindi pa don't tell me andyan si yuan...tsaka hindi na kayo pagbabawalan nun matanda na kayo noh..."

"Eh hindi naman si kuya yuan ang kasama ni borj ngayon"

"Eh sino?"tanong ni gelai.

"Eh di si boni.."

Napahagalpak ng tawa si gelai sa kabilang linya.

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon