chapter thirty seven

1.5K 56 84
                                    

Samantala dumiretso na si Borj sa kwarto ni Boni para tingnan ang kalagayan ng anak.

Inabutan niya ang mga kaibigan,mga magulang ni Roni pati na ang lolo at lola niya sa kwarto pero agad ding nagpaalam ang mga ito na lalabas na muna para kumain. Kaya naiwan silang dalawa ni Basti na sinadya naman nang una para makausap niya si Borj.

"nung unang nalaman namin na buntis si roni nabigla ako ng sobra....magagalit sana ko kasi pano mabubuntis si roni eh wala naman nangyari samin.....pero mas nangibabaw ang galit ni tito charlie at ni yuan "panimula ni basti."pero nung nalaman ko na ikaw pala ang nakabuntis kay roni at wala siyang balak na maghabol sa'yo.... aaminin ko borj natuwa ako at sinamantala ko ang pagkakataon kaya ginusto kong pakasalan si roni.Pero mas nangibabaw yung awa ko kay roni, kasi mag-isa lang niyang haharapin ang problema wala siyang ibang gustong pagsabihan ng pinagdadaanan niya kahit ang bestfriend niyang si Gelai o kahit si Tonsy kasi natatakot sya na baka makarating sa'yo.Naisip ko na pa'no kung husgahan siya ng mga tao at paratangang malandi at disgrasyada.... hindi naman ata bagay kay roni yun di'ba"napangiti si basti sa sinabi pero agad ding sumeryoso at nagpatuloy."kaya pinakasalan ko si roni.... nagsama kami sa iisang bubong,sa iisang kwarto,at nagtabi sa kama pero hindi bilang mag-asawa....kundi bilang magkaibigan at sa maniwala ka man o hindi walang nangyari samin"pag-amin ni Basti.

Tahimik lang namang nakikinig si Borj.

"mahirap.... oo aaminin ko mahirap labanan ang tukso lalo na at mahal ko si roni....maraming beses na gusto ko siyang yakapin.   halikan at higit pa dun bilang mag-asawa naman kami pero alam ko naman na may ibang laman ang puso at isip niya....  alam ko na may iba siyang mahal at alam ko na ikaw 'yon borj.... ni isang saglit hindi ka nawala sa isip niya... kahit ako ang kasama niya ang katabi niya alam ko ikaw pa rin ang iniisip niya"

"pero bakit niya ginawa yun basti kung totoo ang sinasabi mo na ako talaga ang mahal niya noon bakit hindi niya sinabi sakin.... kung alam ko lang na ako ang ama ng ipinag-bubuntis niya pananagutan ko naman siya.... ako sana ang pinakasalan niya kung ako talaga ang mahal niya bakit ginawa pa niyang kumplikado ang lahat"

"hindi ko rin alam borj.... siguradong may dahilan si roni pero siya lang ang nakaka-alam nun eh"wika ni basti.

"daddy...."mahinang usal ni Boni.

Agad namang lumapit si Basti.

"nak.... kumusta na ang pakiramdam mo"

"ok naman dad..."aktong uupo ito pero maagap na pinigilan ni Basti.

"nak.... wag ka munang kumilos baka magdugo ang sugat mo"

"anu po bang nangyari sakin dad....."

Parang kumirot ang puso ni Borj sa nakikitang tagpo ni Boni at Basti. Siya ang dapat na nasa katayuan ni Basti sa buhay ni Boni.Siya ang daddy nito, kaya dapat siya ang nag-aalaga dito, at nag-aasikaso, pero yun ang ipinagkait ni Roni sa kanya.... ang maging tatay sa anak niya.

Tumalikod na at aktong lalabas si Borj nang marinig niyang magsalita si Boni.

"daddy san ka pupunta?"napahinto saglit si Borj. Umaasa na siya ang tinutukoy ni Boni.Pero nang maisip niya na si Basti ang kausap ni Boni ay halos lumaglag ang balikat nya na muling humakbang palabas.

"daddy borj.... wag kang umalis...  daddy please....."

Muling napahinto sa paghakbang si Borj. Pero sa pagkakataong iyon ay tumulo na ang kanyang luha. Totoo na ang narinig niya at sigurado na siyang tinawag siyang daddy ni Boni.

Dahil doon ay halos lumipad sya palapit sa anak na noon ay nagpilit umupo.

"boni.... tinawag mo kong daddy?"

"opo... diba daddy naman talaga kita?"

Tuluyan nang napaiyak si Borj bago yumakap sa anak.

"boni.... anak I'm sorry.... hindi ko naman alam na anak pala kita....."

"wag ka mag-alala dad.... naiintindihan ko naman...."

"kung alam ko lang na anak kita hindi sana ako umalis.... hindi kita iiwan kung alam ko lang na ako ang daddy mo ipaglalaban kita"

"dad... alam ko ang lahat nabasa ko sa diary ni mommy.... wala kang kasalanan sakin dad.... pareho lang tayong walang alam"

Samantala.....

Pagkatapos mahimasmasan ni Roni ay hinanap na niya ang kwartong pinaglipatan sa anak.

Nadatnan niyang nakaupo sa labas ng silid ang mga kaibigan at magulang.

"roni anak.... san ka ba galing?"si Marite ang agad sumalubomg sa anak.

"ma.... kumusta na po si boni?"

"ligtas na ang anak mo roni.... ok na siya"

"panu po mommy?...sinung nagdonate ng dugo sa kanya?"

"eh di yung tunay niyang ama"Si Yuan ang sumagot ng tanong ni Roni.

"si borj?"sambit ni Roni.

"eh di inamin mo rin kung sinung tunay na ama ni boni".Salo na naman ni Yuan.

"kuya.... mommy.... daddy....I'm sorry po"

"hay naku roni.... may magagawa pa ba tayo.... tapos na... nangyari na ang lahat kaya wala na tayong choice kundi tanggapin ang katotohanan kung magalit man kami.... may magbabago pa ba? wala na.... ang mahalaga na lang ngayon ligtas na ang apo ko"pahayag ni charlie.

Maya-maya pa ay lumabas si Borj ng kwarto.

"roni... mabuti naman at nandito ka na.... hinahanap ka ni boni"walang emosyong wika ni Borj.

"mabuti naman gising na boni"masayang sambit ni Marite.

"la....lo tara na po"yaya ni borj sa lolo Miyong at lola Seling niya.

Agad namang tumayo ang dalawang matanda.

"ah...borj san kayo pupunta?"habol ni roni.

"uuwi na muna kami tutal maayos na si boni.... babalik na lang siguro kami pag lalabas na si boni."kaswal lang na sagot ni Borj na labis na pinagdamdam ni Roni.

At tuluyan nang lumakad paalis ang mga ito.

Nang tuluyan nang nawala sa paningin ni Roni si Borj ay nagpasya na siyang pumasok sa kwarto para makita si Boni.

Pagkapasok ni Roni ay nakita niyang nakaupo na sa kama ang anak. Muli na naman syang napaluha sa tuwa na sa wakas ay ligtas na ang anak.

"mommy.... I'm sorry po"si Boni.

"shhhh.... ok na nak...."at yumakap na nang mahigpit si Roni sa anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon