"Hello guys...."
Sabay-sabay silang napatingin sa bagong dating.
"Nelia?"si roni.
Alerto naman si Borj at agad binalaan si Nelia.
"Hoy nelia... kung nagpunta ka rito para asarin lang si roni pwede ba wag na wag mo tangkaing sirain ang gabi namin ha"
"Borj ano ka ba... kalma ka lang ha.... wag mo pagsalitaan ng ganyan si nelia nakakahiya"saway ni roni.
"Bakit naman roni wala naman talagang alam gawin yan kundi asarin ka.... awayin"
"Borj dati yun at hindi na ngayon"natatawang sabi ni nelia na naupo na kasama nila roni.
"Anung ibig nyong?"
"Borj.... friends na kami ni nelia ngayon... borj mahabang panahon na ang nagdaan at kasabay noon ay ang pagbabago nating lahat... isa na dun yung pagiging matured.... hindi na kami bata ngayon kaya pinalipas na namin lahat ng di magandang bagay na nangyari samin nung high school."
"Actually borj.. super friends na kami ni Roni ngayon."
"Talaga ba?"
Tumango lang si Roni kay Borj.
"Kumusta nelia.... long time no see ah..."wika naman ni Gelai.
"Oo nga eh... kakarating ko lang kasi galing hongkong dun kasi ko nag-stay ng ilang taon."
"Oo nga eh noh.... di ka manlang nagpasabi na bumalik ka na pala ng pilipinas"may himig pagtatampong sabi ni Roni.
Actually super close na talaga sina Nelia at Roni ngayon dahil pareho silang guro at dating co-teacher ito ni Roni sa school na pinagtuturuan niya. Kaya naging mas madalas silang magkasama nito.
Pero two years ago ay nagkaroon ng offer si Nelia na makapagturo abroad at sinubukan naman niya ito kaya matagal silang di nagkita.
"Sori naman roni may nangyari lang kasi pero saka ko na lang ikukwento sayo"sagot ni Nelia habang nakatingin kay Yuan na labis namang ipinagtaka ng mga kasama.
"Yuan.... pwede ba tayong magusap?"tanong ni Nelia kay Yuan.
"Sure..."sagot naman ni Yuan at nauna na ring tumayo.
"Excuse lang guys..."paalam ni Nelia sa mga kasama bago tumayo na rin at sumunod kay Yuan.
"Sis... mukhang may something sa kanila ah...."bulong ni Gelai kay Roni pero dinig naman ng buong barkada.
"Oo nga sis... ano kayang nangyayari?"tugon naman ni Roni.
"Ang laki na nang ipinagbago ni Nelia... sexy na siya at gumanda bagay na tuloy sila ni Yuan."wika naman ni Borj.
Nasamid naman si Sabel sa sinabi ni Borj.
"Ok ka lang sabel?"tanong ni Tonsy habang hinahagod ni Geline ang likod ng nasamid na si Sabel.
Tumango naman ito at tinanong si Roni.
"Mam roni sino ba yong babaeng nagyayaya kay sir yuan?"usisa nito habang nagpalinga-linga na parang may hinahanap.
"Si nelia yun.... clasmate namin ni gelai nung high school dating patay na patay kay kuya yon".
"Talaga ba? Eh bakit maguusap lang sila kailangan pa nilang lumayo satin?"usisa pa rin ni Sabel.
Nagkibit-balikat lang naman si Roni bilang sagot.
Maya-maya pa ay tumayo na rin si Sabel.
"O san ka pupunta?"
"Magpupunta lang ako sa cr."
"Gusto mo samahan na kita?"
"Hindi na mam roni ako na lang"
"Sigurado ka?"
Tumango lang si Sabel at tuluyan nang umalis.
"Ang weird naman nila roni"sambit ni Gelai.
"Oo nga sis"sang-ayon naman ni Roni.
"Oi ikaw naman dyan junjun... abalang-abala ka dyan sa pagkain wala kang pakialam sa mundo baka naman gusto mo kong isayaw"sita ni Gelai sa kasintahan.
"Maya-maya na lang.... kumain na lang muna tayo"
"Ay bahala ka basta tara na"tumayo na rin ito at hinila si Junjun kaya wala nang nagawa kundi sumama kay Gelai.
Pagka-alis nila Junjun at Gelai ay niyaya na rin ni Tonsy na sumayaw si Geline kaya naiwan na lang sina Roni at Borj.
"Roni... mahal ko.... naalala mo pa ba yung first dance natin?"
"Oo naman... pano ko naman makakalimutan yun eh nagpanggap ka pang babae para lang makapunta dun sa prom nila basty"
"Oo pero worth-it naman kasi nakasama kita at nabantayan"
"At naisayaw..."
"Oo pero saglit lang kasi alam mo na ..... nandun sila mommy at daddy mo pati si yuan"
"Pero ngayon wala sila"
"Meaning?"hindi nagets ni Borj ang sinabi ni Roni.
"Meaning... pwede na tayong magsayaw kahit buong magdamag"
Napangiti si Borj sa sinabi ni Roni.
Hanggang sa umalingawngaw ang isang napakapamilyar na kanta para kay Roni.
Actually ito nga ang ring tone ng celfone niya.
Please play the music...👇👇👇
Maya-maya pa ay tumayo na si Borj at inilahad ang kamay kay Roni.
Napangiti naman ng pagkatamis-tmis si Roni at iniabot ang kamay kay Borj. Magkahawak kamay silang pumunta sa gitna kasama ng iba pang sumasayaw.
Inilagay ni Borj ang dalawang kamay ni Roni sa kanyang balikat bago hinapit ang bewang nito at sumayaw sila sa saliw ng musika.
"Alam mo roni kahit hindi man natupad ang pangarap ko na maging prom date kita sana matupad pa rin ang pangarap ko na makasama kita habang- buhay"seryosong sambit ni Borj.
"Borj... ikaw ang mahal ko at kahit hindi man ikaw ang naging first dance ko.... pangako ikaw ang magiging last.... at kung may hihigit pa sa habang-buhay mamahalin pa rin kita"
"Pangako?"
"Promise ko yan sayo.... mahal ko"
At niyakap ni Borj si Roni.