Tatlong oras na ang nakalipas buhat ng makauwi si Borj pero hindi pa rin talaga dalawin ng antok si Roni.
Nang di na makatiis ay bumaba na siya sa kusina upang uminom ng gatas.
Pagkatapos magtimpla ng gatas ay naupo si Roni sa dining table.
Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha nang maalala ang nangyari nung huling gabi bago umalis si Borj papuntang amerika.
Mahigit labing-pitong taon na ang nakaraan.
"hello... roni... nasan ka ba tumawag sakin si tonsy, kanina ka pa hinahanap ng mommy at daddy mo pati si yuan".
"Ah gelai pwede ba ko humingi ng favor sayo pakisabi naman sa mommy ko na kasama mo ko ngayon at dyan ako sa inyo matutulog ngayong gabi"
"What?... pero roni bakit ko naman gagawin yon?"
"Gelai please... kahit ngayon lang... gusto ko lang makapag-isip"
"Pero roni..."
"Please gelai... tsaka wag ka mag-alala ok lang naman ako eh"
"Are you sure... kasi roni pag may nangyaring masama sayo lagot talaga ko"
"Oo gelai sigurado ko"
"Ok may magagawa pa ba ko"
"Thanks... gelai"
Yung totoo nasa bar si Roni ngayon at nagpapakalasing. Sumama siya sa ibang classmates nila na sina Rhian. Nagkataon kasi na birthday nito at ininvite sya.
Seventeen pa lang sina Roni noon pero since tita ni Rhian ang may-ari ng bar ay pinapasok sila dito.
"Pero roni ok ka lang ba talaga... bakit ba kayo nagbreak ni basti gusto mo puntahan kita dyan pagusapan natin makikinig naman ako eh"wika pa ni Gelai kausap pa rin ito ni Roni sa celfone.
"Ewan ko ba gelai... naguguluhan kasi ko eh... hindi lang naman si basti ang issue ko pati si borj"
"Si borj? Bakit pati si borj?"
"Gelai... di ko kasi alam kung naiinggit ako kay jane kapag kasama nya si borj di ko alam kung nagseselos ba ko o ano... kaya tuloy ang dami kong hinahanap kay basti na wala naman sa kanya... tulad nang pagiging sobrang sweet, caring, thoughtful at kung anu-ano pa yung kagaya nung ginagawa sakin ni borj noon na ginagawa na niya kay jane ngayon"
"Ang gulo naman non roni"
"Kaya nga kelangan ko muna mag-isip"
Matapos nilang mag-usap ni Gelai ay nagpatuloy sa pag-inom ng alak si Roni at dahil first time nya lang ay agad din siyang nakaramdam ng pagkahilo dulot ng kalasingan.
Hindi nya alam kung bakit sa dinami-rami ng tao ay si Borj ang naisip niyang tawagan.
"Hello..."sabi ni Borj na nasa kabilang linya.
"Hello... borj"
"Hello roni? Ikaw ba yan bakit napatawag ka alas dos na ng hatinggabi ah"
"Borj.... pwede mo ba ko puntahan dito?"
"Nasan ka ba ngayon roni?... tsaka teka lang lasing ka ba?"
"Borj... nandito ako sa bar ngayon at nahihilo na ko"
"Bar?!... bakit nasa bar ka at anung ginagawa mo sa bar?"
"Basta borj... mamaya ko na sasabihin sayo"
"O sige-sige pupuntahan kita ngayon dyan wag kang aalis dyan ha hintayin mo lang ako"