Nang matapos na silang sumayaw ay nagsibalikan na ang barkada sa kanilang mesa.
Masaya nilang binalikan ang mga alaala ng kabataan nila nung nasa high school pa sila, syempre habang nag- iinuman.
"Roni... bakit hindi ka umiinom?"puna ni Borj sa kasintahan.
"Hay naku borj... hindi talaga umiinom yang si roni"si gelai ang sumagot sa tanong ni Borj. Marami-rami na ring nainom si Gelai pero hindi mo mahahalata na lasing na ito. Siguro kasi nasanay na ito sa dami nang parties na napuntahan nito dahil nga sa kanyang propesyon.
"Talaga.... pero diba dati..."hindi makapaniwala si Borj sa sinabi ni Gelai. Panung hindi umiinom si Roni eh samantalang nung huling pagkikita namin bago ako umalis ng bansa ay lasing na lasing si Roni. Sabi pa ni Borj sa sarili.
"Ah... eh... kasi borj medyo traumatic kasi yung na- experience ko nung first time na nalasing ako... so ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ko iinom ng alak".paliwanag ni Roni.
"Talaga ba?"binigyan ng pilyong ngiti ni Borj si Roni.
"Oo.... kaya never na ko malalasing ulit"
"Ako rin roni nag promise na ko sa sarili ko na never na rin ako lalapit sa babaeng lasing"
"Talaga ba?"si Roni.
"Bukod sayo... syempre"bulong ni Borj kay Roni na nagpapula sa pisngi nito.
"Hoy... hoy... anung pinagbubulungan nyo dyan ha?"sita ni Yuan sa dalawa.
"Wala po kuya"tanggi ni Roni.
"Mahal ko punta muna ko sa kotse ha kukunin ko lang yung power bank ko lowbat na kasi phone ko eh baka pag tumawag si lola at hindi ako makontak eh magalala pa yun"paalam ni Borj kay Roni.
"Sige ikaw ang bahala.... pupunta din muna ako ng cr"si Roni
"Sige mahal ko saglit lang ako" at umalis na si Borj.
"Sis... gusto mo bang samahan na kita"habol ni Gelai kay Roni.
"Hindi na sis ako na lang... baka nandun din si nelia sa cr sabay na lang kami"
"Ok sige... ikaw balaha"
Nakatapos nang mag cr si roni pero hindi nya nakita si Nelia. Siguro pinuntahan nito ang mga dating kabarkada nung high school para makipag- kumustahan.
Nang makabalik na siya sa pwesto nila ay nagtaka si Roni kung bakit wala pa si Borj.
"Kuya nasan na si borj" tanong ni Roni sa kapatid.
"Di ba sabi niya kanina kukunin niya lang yung powerbank nya sa kotse"
"Hindi pa ba sya nakabalik?"
"Hindi pa.."
Nagpalinga-linga muna si Roni baka sakaling pabalik na si Borj o kaya naman ay nasa paligid lang.
Nang makalipas ang ilang sandali at wala pa si Borj ay nagpasya na lang si Roni na sundan ito sa parking lot.
Samantala sa parking lot....
"Hi borj..."
Nagulat si Borj ng biglang may yumakap sa likuran nya habang isinasara niya ang pinto ng kanyang kotse.
Alam nyang hindi si Roni yun dahil alam na alam niya ang boses ng babaeng minamahal. Inalis nya ang kamay ng babae sa pagkakayakap sa likod nya at nang humarap sya dito ay tsaka nya nakilala ang babae.
"Jane?..anung ginagawa mo dito?"
"Borj please mag-usap naman tayo"
"Bakit jane... ano bang tawag mo sa ginagawa natin ngayon di ba nag uusap na tayo"
"Pero borj hindi naman tayo makakapag-usap ng maayos dito"
"I'm sorry jane... kasama ko si Roni at hindi ko sya pwedeng iwan"
"Borj please..."
"I'm sorry jane hinihintay na ko ni roni sa loob"at lumakad na ito palayo pero hinabol pa din ng babae.
"Borj wait lang.... borj nagmamakaawa ako sayo borj bigyan mo naman ako ng chance para patunayan sayo na mas karapat-dapat mo kong mahalin".
"Jane imposible yang sinasabi mo si roni ang mahal ko at alam mo yan... mahal na mahal ko si roni mula pa noon"
"Oo alam ko borj at alam na alam ko rin na sinaktan ka ng sobra ni roni noon. Di ba si basti ang pinili nya, si basti ang pinakasalan nya... may anak na si Roni at ngayon ano? Porke iniwanan na sya ni basti pinag-tyagaan ka na lang nya"
"Hindi totoo yan jane"
"Alam kong alam mo na totoo yan borj.... second choice ka lang ni roni... look... naghiwalay sila ni basti... then pumasok ka sa eksena syempre alam ni roni na patay na patay ka sa kanya kaya yan... pinatos ka nya kahit pa hindi ka naman talaga nya mahal..."
"Jane... you shut up.... enough ok.."medyo tumaas na ang boses ni Borj.
"Bakit borj... masakit ba marinig ang katotohanan...."
"Jane... I said enough ok"
Tumalikod na si Borj at aktong aalis na pero hinabol pa rin ito ni Jane at biglang hinalikan sa labi.
Hindi naman alam ni Borj na kanina pa sila pinapanood ni Roni at narinig nitong lahat ang sinabi ni Jane.
Pero hindi kinaya ni Roni na makitang hinahalikan si Borj ng ibang babae kaya nagmamadali na syang umalis."
Nabigla si Borj pero agad ding pinigilan ang babae at inilayo ang sarili dito.
Pero muli pa ring lumapit si Jane at hinalikan si Borj.
Sa pagkakataong ito ay nainis na talaga si Borj kay Jane.
"Jane... ano ba tumigil ka na nga magkaroon ka naman ng kahihiyan... igalang mo naman kahit konti yung sarili mo."
"Borj mahal na mahal kita.... bakit kasi hindi na lang ako ang mahalin mo."tuluyan nang tumulo ang luha ni Jane. "ano bang meron si roni na wala ako.."
"Jane makinig ka sakin ha.... siguro nga may mga katangian si roni na wala ka pero may mga katangian ka rin naman na wala si roni... siguro nga mas higit ka pa kesa kay roni kaya sigurado ako jane makakatagpo ka rin ng lalaking magmamahal sayo na mas higit pa kesa sakin...kung pwede lang sana natin turuan ang puso na magmahal o kung sino ang dapat nating mahalin eh di sana ginawa ko na yon noon pa kaso hindi talaga... kasi hanggang ngayon si roni pa rin ang mahal ko at si roni lang talaga ang kayang mahalin ng puso ko."mahabang paliwanag ni Borj.
"Pero borj..."
"Sorry talaga jane..."
At tuluyan nang umalis si Borj pabalik sa kinaroroonan ng buong barkada.
Sa pagkakataon na yon ay hindi na humabol pa sa kanya si Jane.
Nahihirapan ang kalooban nya para kay Jane. Alam ng Diyos na mahalaga din si Jane para sa kanya at hindi nya gusto na siya pa ang nagiging dahilan para masaktan ito ng sobra. Pero si Roni ang mahal niya at ayaw naman niyang maging unfair kay Jane. Ayaw niyang paasahin pa ito.