chapter thirty five

590 32 10
                                    

"o borj.... kumusta yung pagsalin ng dugo mo kay boni.... ok ka ba?"agad napatayo si Yuan pagkakita sa palapit na kaibigan. inalalayan niya ito para maupo.

"ok na ok ako pare..... sisiw lang to..."pagbibiro pa ni borj habang itinuturo ang bahagi ng kamay na may kapirasong bulak na nakadikit pa ng tape.

"the best ka talaga borj....salamat"si Yuan na niyakap ang kaibigan.

"wala yun pare basta para kay roni at boni..... gagawin ko lahat.... tsaka parang anak na rin ang turing ko kay boni lalo na ngayon na dugo ko na ang dumadaloy sa katawan niya hehe....."patuloy na pagbibiro ni Borj.

pero dahil sa sinabi niya ay nagkatinginan naman sina Marite at Charlie dahil muling naguluhan ang isip nila sa mga nangyayari.

"pero apo kailangan mo pa rin magpahinga ha.... kasi marami-rami ding dugo ang kinuha sayo"si lolo miyong na pina-alalahanan ang apo.

tumango-tango naman si lola Seling bilang pagsang-ayon sa asawa.

"mabuti nalang po lolo, lola at nagpunta kayo dito kung hindi baka hanggang ngayon wala pa rin kaming nakikitang pwedeng magdonate ng dugo kay boni..."si Marite.

"hay naku marite.... mabuti na lang kanina saktong pagdating ni borj sa bahay tumawag si tonsy at may nangyari nga raw kay boni kaya agad na kaming magpunta dito"paliwanag ni lolo Miyong.

"salamat po lo'"si Charlie naman ang nagpasalamat.

Maya-maya pa ay lumapit si paks sa kanila.

"paks.... kumusta na ang apo namin?"

"tito charlie ok na po si boni.... nasa recovery room na siya hihintayin na lang natin sya magising pero pwede niyo na sya puntahan anytime..."

"salamat paks....."niyakap pa ito ni Charlie sa sobrang kasiyahan.

"thank you...."naiiyak naman na sambit ni Marite.

"by the way.... I have to go na po may pasyente pa na naghihintay sakin...."paalam ng doktor.

"by kuya paks...."si maffy.

"the best ka talaga kuya paks...."pagbiniro naman ni Junjun sa kapatid.

"hoy junjun si maffy ha.... bantayan mo yan"

"opo kuya...."

Nang makaalis ang doktor ay nagkaroon ng sandaling katahimikan. Sa kabila kasi ng masayang balita na sa wakas ay ligtas na sa panganib si Boni ay nagiwan naman ng malaking palaisipan sa kanila ang nangyari.

"ma..... dad..... tara na puntahan na natin si boni baka magising na yun wala siyang kasama"si Yuan ang unang nangahas magsalita.

"sandali lang yuan..... kanina pa kasi naguguluhan ang isip ko kung bakit ganon amg nangyari.... bakit iba ang type ng dugo ni boni.... bakit hindi natin sya kadugo..anung ibig sabihin non?"

Nabigla naman si Borj sa sinabi ni Charlie.

"bakit tito charlie anu po bang nangyari tsaka nasan na ba si roni bakit wala siya dito..... diba dapat nandito siya"

"hay naku borj..... si roni ayun.... sa sobrang nerbiyos nagwalk-out kanina"salo ni Yuan.

"ha? bakit naman?"muling tanong ng ngayon ay naguguluhan nang si Borj.

"wala kasi samin ang pwedeng magdonate ng dugo kay boni kanina dahil buong pamilya namin ay type O pati na rin si basti"

"bakit ganon tito charlie? panu nangyari yun"

"imposibleng mangyari yun borj kaya ibig sabihin nito posibleng hindi tunay na anak ni roni si boni"

"ha?....panu nangyari yun?"

"ikaw basti..... may alam ka ba dito?"si Marite na kanina pa pala pinagmamasdan si Basti at napansin niya na kanina pa ito balisa.

"po?...."walang maisip isagot ang nagulat na si basti.

"ikaw ang asawa ni roni at tatay ni boni kaya malamang may alam ka sa nangyayari"Patuloy na pang-uusig ni Marite sa dating manugang.

"kasi po mommy.... hinihintay ko lang naman po na si roni anagsabi sa inyo"

"magsabi ng ano basti?"

"magsabi ng totoo tungkol sa pagkatao ni boni"si Basti.

"bakit hindi na lang ikaw ang magsabi samin tutal nandito na rin naman tayo at napahamak na nga si boni nang dahil dyan sa lihim na yan....."si Charlie na hindi na napigilan ang magalit.

kaya napilitan an rin magtapat ni Basti. Tutal alam na rin ni Boni ang lahat.

"mommy.... daddy..... totoong apo niyo po si Boni dahil totoong anak siya ni roni.... pero hindi ako ang totoong ama ni boni"pag-amin ni Basti na ikinagulat ng lahat.

"panung nangyari yun basti.... diba ikaw lang naman ang naging boyfriend ni roni?"pagtatakang tanong ni Yuan.

"oo pero nangyari yun nung nag-away kami ni roni at nakipag break siya sakin....."

Dahil sa sinabi ni Basti ay dumaloy ang kaba sa dibdib ni Borj. Biglang nagbalik lahat ng alaala sa isipan niya. Nung time na sinundo niya si Roni sa bar. Sinabi ni Roni sa kanya na nakipag break ito kay Basti kaya siya naginom at nagpakalasing. Yun din ang gabi na may nangyari sa kanila.Posible ba na nagbunga ang isang gabi lang na pinagsaluhan nila ni Roni.Posible bang si Boni ang naging bunga.

"kung ganon basti.... sinong ama ni boni?"si Marite na tuluyan nang napaiyak.

"ang ama ni boni ....."si Basti na kay Borj nakatingin.

Dahil sa naging reaksyon ni Basti ay naging malinaw na ang lahat kay Borj.Tumayo siya at agad tumakbong paalis para hanapin si Roni.

"borj.... san ka pupunta....?"nalilitong tanong ni Yuan.Pero hindi na niya nagawang sundan ang kaibigan dahil mas kailangan niyang alalayan ang mga magulang para sa kung anumang magiging reaksiyon ng mga ito sa ipagtatapat ni Basti.

"si borj po ang tunay na ama ni boni"patuloy ni Basti."pero nakaalis na si borj nung nalaman ni roni na buntis siya at nakita niya na masaya na si borj sa amerika kaya mas pinili na lang niya na itago ang lahat."

"kung ganon miyong.... apo pala talaga natin si boni.... kaya pala napakagaan ng loob ko sa batang iyon at nakikita ko si borj sa kanya"sabi ni lola Seling na napahagulgol na rin ng iyak.

"pero basti bakit inilihim nyo ang lahat bakit niloko nyo kami?"panunumbat ni Charlie.

"yun po ang gusto ni roni.... sobrang mahal ko si roni noon kaya tinulungan ko siya.... kaya inako ko si boni dahil ayokong pabayaang mag-isa si roni sa problema niya..... daddy.... mommy..... Im sorry po mahal na mahal ko si roni noon"

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon