Kinabukasan maaga pa ay naghanda na si Borj papunta kila roni. Yung totoo kasi hindi nakatulog si Borj sa naganap na eksena nila ni roni kagabi. Hayyy... hindi talaga maalis ang ngiti sa mga labi ni Borj simula nang maganap ang panandaliang paglapat ng mga labi nila ni Roni....
"Hayyyy...roni..."sambit pa nya sa sarili.
Tuloy-tuloy lang sya sa paglalakad ng tawagin sya ni Yuan.
"Hoy borj... san ang punta mo?"sita nito sa kanya. Nasa harap na ito ng gate ng kanilang bahay at pasakay na ng kotse para pumasok sa opisina.
"Sa bahay nyo....sana..."pero huli na ng mapansin ni Borj na nakalagpas na pala sya sa bahay ng mga salcedo. Pano naman kasi lutang ang isip ang puso pati na yata kalululuwa nya habang naglalakad at iniisip si Roni.
"Ano yun borj joke?eh nandito yung bahay namin lagpas ka na oh... nagpapatawa ka ba pare... anyway hahahaha... nakakatawa"
"Yuan naman..."napakamot na lang ng ulo si Borj at lumapit na sa kaibigan.
"Eh bakit nga ba ang aga mo?"
"Manliligaw ako kay roni"
"Ano? Ang aga-aga manliligaw ka?"napakamot din tuloy ng ulo si Yuan.
"Eh pano kasi pare kagabi sana ako manliligaw eh kaso nakiusap si roni na kung pwede bukas na lang kasi pagod na sya kaya eto inagahan ko na para sigurado"paliwanag ni Borj na umakbay pa kay Yuan.
"Ayos din kayo eh no?"
"Eh pare nasan nga ba si Roni?"tanong ni Borj.
"Andun pasukin mo na"
"Talaga?... pasukin ko na sa kwarto?... ayos lang sayo?...bayaw?"pagbibiro ni Borj.
Agad naman pinulupot ni Yuan ang braso sa leeg ni Borj.
"Anung sinabi mo?"
"Joke lang pare... eto naman di na mabiro"
Agad din naman binitiwan ni Yuan si Borj.
"Sige na pumasok ka na sa loob nandun si roni at boni nag-aalmusal"
"Sige pare ingat ka ha"paalam ni Borj kay Yuan na sumakay na ng kotse.
"Sige borj pare alis na ko ikaw na muna bahala dyan ha... galingan mo panliligaw para di ka na ulit maunahan ha"kantyaw pa nya sa matalik na kaibigan.
Pagkaalis ni Yuan ay pumasok na si Borj sa loob ng bahay. Inabutan nga nya doon na kumakain ang mag-ina.
"Goodmorning"wika ni Borj para makuha ang atensyon ng mag-ina.
"Goodmorning po tito borj... halika po samahan nyo kami kumain"bati naman ni Boni dito at agad tumayo ang binatilyo para ikuha ng plato at kubyertos ang bagong dating"tito borj ipagtitimpla po kita ng kape"
"Salamat boni"ani Borj.
Namamangha naman si Roni sa nakikitang sobrang pagaasikaso ng anak kay Borj. Pero sa kabilang banda ay natutuwa sya na sobrang magkasundo ang dalawa.
"Goodmorning roni"baling naman nya sa babae.
"Goodmorning borj... aga mo ata ngayon ah"
"Di kasi ko masyadong nakatulog eh"
"Talaga tito borj... baliktad pala kayo ni mommy.... kasi si mommy ko pag tinanghali ibig sabihin di sya makatulog"singit naman ni Boni na ibinigay na kay Borj ang tinimplang kape bago bumalik na ng inuupuan."kagaya ngayon tinanghali bumaba si mommy kaya malamang di sya nakatulog kagabi"
"Talaga ba roni hindi ka rin nakatulog.....eh bakit naman"si borj na kuntodo pa ang ngiti kay Roni.
Naconscious naman tuloy si Roni kaya iniwasan nya ang mga tingin nito at sinaway ang anak.
"Boni tigilan mo ko ha ang aga-aga"at pinandilatan ang anak.
Tawa lang naman ang iginanti nito sa kanya.
At habang kumakain sila ay patuloy lang ang kwentuhan at tawanan nila.
"Alam mo mommy... sana ganito na lang tayo palage"maya-maya ay komento ni Boni.
Kumunot naman ang noo ni Roni. Nagtataka sya sa sinabi ng anak.
"Nak anong ibig mong sabihin?... anung ganito palage?"
"Yung ganito magkasama tayong tatlo... ang saya kasi parang nagkaroon ulit tayo ng kumpletong pamilya"nakangiting sagot ng anak.
Parang piniga ang puso ni Roni sa sinabi ng anak. Oo nga alam niya na tanggap ni boni at lubos nitong naintindihan ang nangyari sa kanilang dalawa ni basti pero sino ba namang tao ang di nangangarap na magkaroon ng buo at masayang pamilya.
"Mukhang malabo yatang mangyari yan anak kasi nagbabakasyon lang naman ang tito borj mo dito babalik din yan ng states"wika ni Roni na may konting pasaring kay Borj.
"Pwede ko naman kayo isama ni boni pagbalik ko ng states"
"Talaga tito borj"lalong natuwa si boni.
Si Borj naman ang pinandilatan ni Roni. Ayaw kasi nyang paasahin agad si Boni.
Parang naintindihan naman ni Borj ang iniisip ni Roni.
"Pero boni ayaw ko naman isipin ng mommy mo na pinipressure ko sya. Diba pangit naman kung sasagutin ako ng mommy mo nang dahil lang sa napilitan sya para lang maibigay nya ang gusto mo... mas maganda kung sasagutin ako ng mommy mo dahil mahal nya ko para pare-pareho tayong masaya"
"Salamat borj"nakangiti na ulit si Roni sa wakas.
Napatango-tango din si Boni bilang senyales na naintindihan nya yung sinabi ni Borj.
"Pero sana talaga sagutin mo ko roni ha"hirit pa ulit ni Borj.
"Borj?"
"Hehe... joke lang.... alam mo namang hindi ako mainipin kagaya nang parati kong sinasabi noon... handa akong maghintay"
"Talaga?"
"Oo naman roni pero sana yung may hihintayin ako ha di kagaya noon naunahan pa ko"
"Ah ganon? Parang sinusumbatan mo pa ko ha?!"si Roni
"Joke lang naman"si Borj.
"Pero alam mo tito borj... pag sinagot ka ni mommy ako ang magiging pinakamasayang tao sa mundo"si Boni.
"Mas masaya ko syempre"wika ni Borj."eh ikaw roni?...masaya ka rin?"
"Pwede ba... wag nyo ko pinagkakaisahan dyan ha"
"Nga pala tito borj"biglang may naalala si Boni."may gagawin ka po ba mamaya?"
"Wala naman... bakit?"
"Yon ayos.... mommy isama natin si tito borj mamaya"napatingin si Borj kay Roni.
"Ah... kasi borj ininvite kami ni basty mamaya.... engagement party nila nung bagong gf nya eh tutal annulled na yung kasal namin nagproposed na sya sa gf nya"
"Talaga... eh pwede ba ko sumama dun hindi naman ako invited"
"Syempre naman pwede ka pumunta dun diba friends din naman kayo ni basti. Tsaka kasama mo naman kami"
"Sige ba...masaya yun atleast magkakasama tayo buong araw"wika ni Borj.
Sobra namang natuwa si Boni.