chapter thirty-two

564 58 9
                                    

Nagmamadaling bumalik sina Roni at Nelia sa party para malaman kung nandun nga si Borj.

Sa sobrang kaba ni Roni na epekto ng idea na sinabi ni Nelia sa kanya kanina ay di na alintana ni Roni na halos hinihila na nya si Nelia sa pagmamadali.

"Hey... roni wait lang naman baka madapa na ko nito.... super taas kaya ng heels na suot ko noh..."reklamo ni Nelia.

Napahinto naman si Roni at di napigilan matawa.

"Talaga ba?.... kaya pala parang ang tangkad mo ngayon...."

"Ganon?....mang-asar ka pa talaga Roni ha? Sige wag na natin puntahan si borj"

"Hala si borj nga pala.... halika na...."

"Opppssss... roni.... relax na tayo ha wala nang takbo ok...."

"Ok fine...."si Roni.

Maya-maya pa ay natanaw na ni Roni si Borj na nagpapalinga-linga sa paligid na waring may hinahanap.

Dahil naman doon ay lumuwag na ang paghinga ni Roni at napanatag na ang kanyang kalooban.

Napansin naman yon ni Nelia kaya muli na naman biniro si Roni.

"Oh borj.... mahal ko.... kung saan-saan ka pa naghahanap eh nandito lang naman ako ang pinakamamahal mo....."

"Nelia talaga...."napangiti naman si Roni sa kaibigan.

"So pano ba yan mahal ko.... lalapit ba tayo sa kanila o matutulala ka na lang dito?"si Nelia.

"Lalapit na po"

Samantala si Borj naman ay kanina pa hinahanap si Roni.

"Yuan pare nasan na ba si roni?"

"Malay ko ba sa inyong dalawa kanina pa kayo naghahanapan"

"Gelai... san na si roni...?"si Gelai naman ang binalingan na ngayon ay nakayakap na kay Junjun at talagang lasing na.

"Di ko alam borj.... dapat kasi wag na kayong maghiwalay dalawa.... kung san pumunta si roni samahan mo tapos kung san ka magpunta isama mo si roni para di kayo nawawala hehe....tingnan mo kami ni junjun di ko na talaga to hahayaan mawala"

"Oo nga naman pareng borj wag mo na hayaang mawala pa si roni sayo..."segunda naman ni Junjun.

"Borj...."

Nabuhayan ng loob si Borj nang marinig niya ang tinig na iyon. Ang boses na sa tuwina ay gusto niyang parating naririnig.

"Roni...."

"Mahal ko"yumakap ng mahigpit si Roni pagkaharap ni Borj sa kanya.

"Mahal ko...."yumakap din si borj nang mahigpit kay Roni kahit ang totoo ay takang-taka siya kung bakit ganon si Roni makayakap na para bang ang tagal nilang di nagkita.

"Buti naman nandito ka na mahal ko...."si Roni.

"Hoy...hoy tumigil nga kayong dalawa dyan ha.... ang babaduy nyo ha Diyos ko naman sandali lang kayong naghiwalay nag cr lang si roni at ikaw naman borj may kinuha ka lang sa kotse nagkaganyan na kayo.... ang baduy nyo ha"sita ni Yuan.

Pasimple namang natawa si Nelia at bumalik na sa mesa. Naupo katabi ni Gelai.

"Roni halika na dito tikman mo tong pagkain oh ang yummy parang si borj."

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon