"sis... eto uminom ka muna ng tubig"si Gelai na inabutan ng isang basong tubig si Roni."kumalma ka na sis.... tumahan ka na...."Pang-aalo pa nito sa kaibigan.
"gelai.... di ko naman alam kung pano ko kakalma.... baka kung anu na nangyari sa anak ko...."
"eh sis.... wala naman tayo magagawa kundi maghintay at magdasal"
"yun na nga eh.... wala ko magawa and I hate my self for that idea"
"eh roni... bakit ba kayo nag-away ni boni?"
"nagalit sya sakin sis kasi...."di na naituloy ni Roni ang sasabihin dahil dumating na si Yuan kasama ang magkapatid na Junjun at Maffy.
"roni..... gelai...." tanging nasambit ni Yuan bago naupo sa sofa.
"kuya anung nangyari? nasaan na si boni?"si roni.
"roni halos napuntahan na namin lahat ng bar na alam namin pero hindi talaga namin nakita si boni"si Yuan.
"san na kaya napunta si boni?"si Roni na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Maya-maya pa ay tumunog ang telepono ng mga Salcedo.
"hello... salcedo's residence who's this please...."si Gelai ang sumagot tutal sya naman ang malapit sa telepono."roni.... sa ospital daw"
kinakabahan man ay lumapit si Roni at kinuha ang reciever ng telepono kay Gelai.
"hello...."
"hello.... is this miss ronalisa salcedo?"
"yes po..."
pagkatapos magsalita ng nasa kabilang linya ay nabitawan ni Roni ang telepono at tuluyan nang napahagulgol.
"roni anung nangyari?"si Yuan na napatayo at mabilis lumapit kay Roni.
"kuya.... si boni....."
Sa Ospital......
Hindi mapakali si Yuan sa pag-aalala sa pamangkin, pabalik-balik ito sa paglalakad sa harap ng pinto ng operating room tapos uupo, maya-maya tatayo pagkalipas ng ilang sandali tatayo na naman at magpapalakad-lakad.
"yuan pare.... tama na nga yan.... gusto mo ba samahan na lang muna kita sa cr? para kang pusang di maihi nyan eh"si Junjun na sinubukang magbiro para pagaanin kahit papano ang kalooban ng mga kasama.
"pare kinakabahan ako...."si Yuan.
"ate roni anu na kaya nangyayari kay boni.... dapat kasi talaga sinamahan ko na lang sya kanina eh para hindi nangyari to...."si Maffy na nag-aalala na rin sa kaibigan.
"maffy wala kang kasalanan ako ang may kasalanan nang lahat....ako lang ang dapat sisihin dito"si Roni na patuloy pa rin ang pag-iyak.
"sis anu ba yang sinasabi mo.... wag mong sisihin ang sarili mo"si Gelai na hindi umaalis sa tabi ni Roni para alalayan ang kaibigan.
"roni anu ba talagang nangyari sa inyo ni boni bakit nya ginawa to?"tanong ni Yuan sa kapatid.
"nagalit kasi sya sakin kuya kasi nalaman nya ang totoo."
"anung totoo?....anung nalaman nya?"
Subalit bago pa man masagot ni Roni ang tanong ni Yuan ay siya namang pagdating ng kanilang magulang na si Marite at Charlie.
"mommy.... daddy...."agad yumakap ang magkapatid na Roni at Yuan sa mga magulang.
"mga anak nagmamadali kaming umuwi ng pilipinas nung tumawag si yaya medel samin at sinabing nawawala si boni.... tamang-tama naman at naka-schedule na talaga kaming umuwi hindi lang talaga namin sinabi para masurprise kayo.... yun pala kami pa ang masu-surprise."si Marite.
"roni.... yuan.... anung nangyari kay boni?"tanong ng humahangos na si Charlie.
"anung nangyari sa apo ko bakit nandito sya sa ospital?"si marite na umiiyak na rin.
"nagalit kasi si boni sakin mommy.... kaya umalis sya ng bahay....."si Roni na hirap magsalita sa kakaiyak.
"so anu ngang nangyari?"si Charlie.
"ang sabi ng mga pulis.... pauwi na si boni galing sa bar ng may humarang sa kanyang mga lalaki hinold-up si boni eh since lasing na lasing si boni nanlaban sya hanggang sa masaksak sya tapos nung nakuha na ang mga gamit nya cellphone at wallet iniwan na lang sya.... eh dad medyo madilim dun sa lugar at hindi masyadong dinadaanan ng tao kaya natagalan bago may nakakita kay boni para irescue sya"si Yuan ang nagpaliwanag.
"roni.... kumusta si boni?"si basti naman ang dumating kasama ang noon ay asawa na nyang si Aiza,si tonsy at si yaya Medel.
"inooperahan pa rin sya ni kuya paks"si Roni na mugtong-mugto na ang mata sa kakaiyak.
"wag ka mag-alala roni may awa ang Diyos at walang magyayaring masama kay boni."si yaya Medel.
Maya-maya pa ay bumukas na ang operating room at iniluwal non si Paks na syang doktor na nag-asikaso at nag-opera kay Boni.
"kuya paks... kumusta na ang anak ko?"
"roni ok na sya... he's out of danger now mabuti na lang at hindi masyadong malalim ang saksak sa kanya at walang tinamaan o naapektuhan na organ nya"
"thank God.... salamat kuya paks...."kahit papano ay naibsan ang pag-aalala ni Roni.
"pero Roni.... since natagalan sya bago nadala ng ospital maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan masalinan sya ng dugo as soon as possible...."paliwanag pa ng doktor.
"kuya paks magdodonate ako ng dugo sa anak ko..."salo ni Basti.
"that's good basti.... anyway boni is type B"
"type O ako kuya paks"nanlumong sabi ni Basti.
"how about you roni I'm sure type B ka"baling ni Paks kay Roni.
Muli na namang bumalot ang kaba sa pagkatao ni Roni nagmistulan syang istatwa na di nakakilos at ni hindi na makapagsalita.
"type O din si roni kuya paks"si Yuan ang sumagot."ako din type O kasi parehong type O si mommy at daddy"dugtong pa ni Yuan.
"panu nangyari yun yuan imposibleng magkaanak ng ibang blood type ang parehong type O na magulang kung puro kayo type O pati si basti imposibleng type B si boni"singit ni Gelai.
"oo nga kuya paks baka naman nagkamali ka lang ng blood typing kay boni"segunda naman ni Junjun sa sinabi ni Gelai.
"hindi ako nagkamali sigurado akong type B si boni pero may point din kayo both parents with type O blood can only bear a child na type O din, kagaya ni tito charlie at tita marite parehong type O din si Yuan at ron"paliwanag ni Paks.
Hindi na alam ni Roni kung anung mararamdaman nya at anung gagawin nya kaya pinilit niyang ikilos ang katawan at tumakbong palayo sa mga kasama.
"roni... san ka pupunta?"si Gelai na sinundan si Roni.
"kung ganon anu nang gagawin natin?"pag-aalala ni Charlie.
Wala kasi ni isa sa kanilang lahat na magkakasama ngayon ang may ka-tipo ng dugo ni Boni.
"tama dad...."si Yuan na nabuhayan ng loob.
"anung tama?"
"dad nag-iisa lang ang kakilala kong may type B na dugo"
"sino naman anak?"
"si...."
"yuan pare anung nangyari.... anung nangyari kay boni ..... nasan si roni?"
"si borj!!"ntion a user