chapter seven

610 26 4
                                    

Nang makatapos kumain amg lahat ay tumulong ang magkaibigang Roni at Gelai sa pagligpit ng kinainan nila.

Nang matapos sila maglinis ng kusina ay nagpaalam si Gelai kay Roni na kakausapin muna si Junjun, malamang maguusisa ito sa nobyo tungkol sa kung sinumang kate yung tamawag sa cp nito.

Kaya nagpasya nalang si Roni na makihalubilo sa ibang mga kaibigan. Nakita nya si Boni na nakikipaglaro ng basketball kasama si maffy, si kuya Paks nito, si kuya Yuan nya at si Tonsy.

Bakit kaya wala si Borj. Naitanong ni Roni sa sarili. Nagpalinga-linga sya pero wala ang hinahanap sa paligid.

"Roni..."tawag ni Tonsy sa kanya. Pagtingin nya ay tumatakbo ito papalapit sa kinaroroonan nya.

"O tonsy..."

"May ibabalita lang sana ko sayo roni"

"Tungkol saan"

"Tungkol sa annulment ng kasal nyo ni basti. Finally na grant na ng korte. Malaya na kayo pareho ni basti."

"Talaga tonsy... salamat."

Sa sobrang tuwa ay nayakap ni roni ang kaibigan. Masayang-masaya sya dahil sa wakas ay malaya na sila,pero higit ang kasiyahan nya para kay Basti,dahil sa wakas ay maibabalik na nya ang kalayaan nito. Malaya na ito magmahal at mahalin din. Mararanasan na rin nito sa wakas kung paano mahalin ng totoo, yung pagmamahal na hindi nya kayang ibigay dito.

"Nga pala tonsy... asan si borj?"naisipan nya itanong kay tonsy.

"Ah si borj...nag cr lang yata eh"

"Ganon ba..."

"Teka nga roni... bakit mo hinahanap si borj ha...tanong ni tonsy na binigyan pa si Roni ng makahulugang ngiti.

Nakuha naman ni Roni ang ibig sabihin ng ngiti na"yon ni Tonsy. Alam din kasi nito ang nararamdaman nya para kay borj. Kung si Gelai kasi ang bestfriend nya si Tonsy naman ang boy bestfriend nya.

"Eh syempre naman nandito kasi kayo lahat si Borj lang ang wala."

"Sige lang roni ituloy mo pa ang pagkukunwari mo, saken pa talaga ha, para namang hindi ko alam kung ano at sino ang nilalaman ng puso mo"

"Tonsy naman..."

"Roni naman..."

"O sige na nga basta wag ka maingay ha nakakahiya"

"Ano naman nakakahiya dun Eh mahal ka rin naman ni borj ah"

"Tonsy... dati yun at malamang hindi na ngayon"

"Asus... halika na nga..."

Lumapit na ang dalawa sa mga kasama. Nakipaglaro na ulit si Tonsy ng basketball kahit na nga hindi naman talaga sya marunong magbasketball.

Samantalang naupo nalang si Roni at nakuntento na lang manood sa mga lalaking naglalaro.

Nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa rin bumalik si Borj ay waring nainip si Roni kaya napagpasyahan nya na hanapin na lang si Borj sa loob ng kabahayan nila Junjun.

Inabutan nya si Borj sa kusina na masayang nakikipag-kwentuhan sa ama at ina ni Junjun.

"Hey roni come here iha join us"anyaya ni Roger sa kanya.

Lumapit naman si Roni.

Pero saktong pagkaupo nya sa sofa ay sya namang pagtayo ni Borj.

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon