chapter thirteen

527 27 6
                                    

Kinagabihan sumama pa si borj sa paglalakad pauwi nila Yuan, Roni at Boni. Pinilit pa kasi sila nila lola Seling at Lolo Miyong na maghapunan na muna bago umuwi. Samantalang nakauwi na rin si Tonsy, at magkasabay nang umuwi sila Gelai at Junjun kaya malamang nagkaayos na sila.

"O panu pareng borj... nandito na kami tutuloy ka pa ba sa loob?"tanong ni Yuan nang makarating sila sa harap ng gate ng kanilang bahay.

"Hindi na siguro pare... baka kasi napagod na kayo at kailangan nyo na magpahinga"

"Oo nga... at ikaw boni... monday na bukas may pasok ka na sa school kaya matulog ka na ha"si Roni.

"Opo mommy... tito borj pasok na po ako sa loob salamat po ah..."

"Ok boni... at wag ka mag-alala marami pang next time"

"Sige po tito borj"àt pumasok na ang mag tiyo.

Papasok na rin sana si Roni pero pinigilan sya ni Borj.

"Ah...roni... pwede bang mag-usap muna tayo?"

"Hmmm... ok pwede pa naman... tungkol saan?"

"Tungkol sana dun sa nangyari satin nung huling pagkikita natin bago ko umalis"

Nagulat si Roni sa sinabi ni Borj. Buong akala nya kasi ay nakalimutan na ito ni Borj.

"Ah... eh... borj wala na yun kalimutan na natin yun"di tuloy malaman ni Roni kung anung isasagot nya kay Borj.

"Roni... panung wala lang yon? Napakahalaga nun para sakin at hinding- hindi ko yun makakalimutan"

"Pero borj..."

"Akala ko pa naman roni totoo lahat ng ipinaramdam mo sakin non... alam mo ba na umasa ako na pagkatapos ng nangyari ay magkakaroon na ko ng pag-asa sayo pero wala pa rin si basti pa rin ang pinili mo"

"Borj kung alam mo lang ang totoo... "

"Edi sabihin mo saken yung totoo"

"Pero hindi mo kasi ako maiintindihan"

"Roni nakahanda akong intindihin ka"

"Pero borj... hindi ko pa kasi kayang pagusapan"

"Roni... hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?"

"Borj... please"mahinang sambit ni Roni.

Tumingin naman si borj dito at nang makita niyang may luhang tumulo mula sa mga mata ni Roni ay agad siyang nag-alala.

Hindi napigilan ni Borj ang sarili at niyakap si Roni. Parang dinudurog ang puso niya na makitang imiiyak ito.

"Ok roni.... I'm sorry... kung ayaw mong pag-usapan wag kang mag-alala hindi na kita pipilitin... ikaw na lang ang bahala kung kelan ka maging handa"

Sa Ngalan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon