2 am. Tumunog ang cp ni Roni.
"Hello... borj?"
"Hello roni... nagising ba kita?"
"Hindi naman borj.... actually di nga ako makatulog eh... bakit ka napatawag?"
"Di rin kasi ako makatulog"
"Bakit naman borj.... may problema ba?"
Nag-isip saglit si Borj na nasa kabilang linya. Hindi alam ni borj kung ipagtatapat ba niya kay Roni ang nangyari... nag-aalala kasi si Borj na baka magalit sa kanya si Roni.
Pero dahil sa mahal niya si roni ay hindi niya kayang maglihim dito.
"Roni si jane kasi...."
"Ano si jane?"
"kanina kasi roni may nangyari..."
"What?...may nangyari sa inyo ni jane?"gulat pero parang OA na reaksyon ni Roni.
"Roni wait lang ha.... please let me explain.... kasi roni.... may nangyari pero it's not exactly what you think"pero kinakabahan si Borj.
"Ok borj...I will listen..."
Napabuntong-hininga muna si Borj bago sinimulang magkwento.
"Kanina kasi roni... pagkauwi ko galing dyan sa inyo... tumawag saken si jane asking my help, masama daw kasi pakiramdam niya sobrang sakit daw ng ulo niya at hindi makakilos dahil nahihilo daw siya, eh mag-isa lang daw siya sa bahay kaya walang tumulong sa kanya."
"Then?"si Roni.
"And then pinuntahan ko siya kasi naawa naman ako at isa pa friends naman kasi kami noon pa at parang ako lang din ang kaibigan niya"
"So... anu nga nangyari? Pwede ba borj wag mo ko bitinin sa kwento mo"naiinip na wika ni Roni.
"Tapos pagdating ko dun... nalaman ko na niloko lang pala ko ni jane nagkunwari lang siya na maysakit upang puntahan ko siya at makasama niya ko."
"Tapos may nangyari nga sa inyo borj"Biglang kumirot ang puso ni Roni.
"Roni kung anuman ang nasa isip mo hindi yon nangyari."paliwanag ni Borj.
"Pero sabi mo mag-isa lang si jane sa bahay.... so anung ginawa nyo ni jane borj?"
"Ok roni... the truth is... jane try to seduce me...."mahinang sabi ni Borj pero sapat upang marinig ng malinaw ni Roni."pero roni maniwala ka walang nangyari.... hindi nagtagumpay si jane sa pang-aakit nya saken"
Natahimik si Roni. Hindi niya alam kung anung magiging reaksyon niya sa sinabi ni Borj. Totoo kaya na hindi nito pinatulan ang pang-aakit ni Jane.
Maganda at sexy si Jane kaya naman mahirap paniwalaan na kayang tumanggi ng isang lalaki dito.
At isa pa ganun pala talaga kamahal ni Jane si Borj na kaya nitong ibaba ang sarili at gumawa ng ganung bagay para makuha niya lang si Borj.
Sabagay kahit siya rin naman noon, hindi ba't nagawa niya ring akitin si Borj kaya may nangyari sa kanila at nabuo si Boni.
At kung siya nga noon hindi natanggihan ni Borj si Jane pa kaya na sobrang ganda at super sexy.
"Hello roni bakit di ka na nagsalita.... please roni wag ka magalit sakin ha..... pero alam ko naman magagalit ka kaso di ko talaga kayang maglihim sa'yo kaya sinabi ko yung totoo"