"Roni wait... what's happening?"tanong ni Nelia at pinigilan sa pagtakbo si Roni.
"Nelia..."huminto si Roni sa pagtakbo pero hindi ang pag-iyak nito.
"Anung nangyari... tsaka sino yung babaeng kasama ni borj kanina?"lingid sa kaalaman ni Roni ay nakita rin ni Nelia ang mga nangyari kanina dahil kasalukuyang nasa parking lot din ito at may kinuha sa kotse.
"Wala yon nelia... kaibigan ni borj yon si jane"
"Kaibigan?... hello roni... tayo pa bang dalawa ang maglolokohan dito pareho tayong teacher at alam kong pareho din tayo ng kaalaman kaya roni alam nating pareho na hindi ganon ang magkaibigan lang... roni kitang-kita ng dalawang mata ko na hinalikan nung babaeng yon si borj" naimbyernang sabi ni Nelia.
"Kaibigan talaga ni borj yun nelia pero malaki ang pagkakagusto nun kay borj. Mahal niya si borj. Pero ayaw naman sa kanya ni borj eh."paliwanag ni Roni.
"Kung talagang sigurado kang hindi gusto ni borj ang babaeng yun eh bakit ka umiiyak dyan?"
"Tama naman kasi lahat ng sinabi ni jane... hindi ako karapat-dapat mahalin ni borj kasi sinaktan ko sya noon ng sobra... mahal na mahal ako ni borj at alam kong ginagawa niya ang lahat para sakin pero si basti pa rin ang pinili ko. Baka tama si jane na ginagamit ko lang si borj kasi alam kong sobra niya kong mahal at kahit anong gawin ko hindi nya ko iiwan"paliwanag ni Roni.
"Gaga... tumigil ka nga dyan... alam namin lahat kung gaano mo kamahal si borj kaya nga nagtyaga kang hintayin sya ng sobrang tagal at mabuti nga lang bumalik na sya kasi kung hindi eh malamang hanggang ngayon nangangarap ka pa rin ng gising... laging tulaala... at iniimagine si borj eh si borj nga lang di nakakaalam nun eh."
"Pero nelia... pano kung this time eh nakumbinse na ni Jane si borj na siya na lang ang mahalin nya."nag-aalalang sabi ni Roni.
"Hala ka... pano nga kung nasarapan si borj sa halik nung jane na yun... kasi naman dapat hindi muna tayo umalis kanina dapat umeksena din tayo sa kanila baka sumama na si borj sa jane na yun at kung saan na sila nakarating... hay naku roni... sayang si borj..."
"Nelia naman eh... wag ka magsalita ng ganyan"bigla tuloy nakaramdam ng kaba si Roni.
"Hay roni... sayang talaga si borj... mukha pa naman syang yummy sigurado hindi na yon pakakawalan nung jane"
"Nelia naman eh.."
"Hala sya... joke lang naman yon..."natatawang sabi ni Nelia.
"Pero pano kung ganon nga mangyari?"si roni.
"Eh di bumalik na tayo sa party para malaman natin kung andun pa ang mahal mo"si Nelia na natatawa pa rin.
"Halika na nga..."at hinila na ito ni Roni.