Isang hapon pag uwi ni Roni galing trabaho, pagbukas pa lang niya ng pinto ng kanilang bahay ay sinalubong na siya ng napakabangong amoy ng nilulutong ulam.
"Ang aga naman ni kuyang umuwi ngayon ah"nagtatakang sambit niya sa sarili.
Pagkapasok niya ng bahay ay tumuloy siya sa kusina.
Inabutan niya doon si Borj at Boni na magkatulong na nagluluto.
Tumaba ang puso ni Roni sa sobrang kasiyahan sa kanyang nakita. Kumakanta pa ang dalawa habang nagluluto.
Napakagandang tingnan ng mag-ama sabi ng isip ni Roni. Siguro kapag nabuo na ang pamilya nila ay si Roni na ang pinakamasayang tao sa mundo.
"Mommy nandyan ka na pala.."si Boni ang unang nakapansin sa kanya.
Nilapitan siya nito at hinalikan sa pisngi.
"Ehemmm... panu naman ako....?"wika naman ni Borj.
"Anung pano ka?"nagtatakang tanong ni Roni.
"Pano yung kiss ko...."pumikit pa ito at ngumuso kaya naman natawa si Roni.
"Borj naman nakakahiya kay boni"
"Sus ok lang yon sakin mommy alam mo naman na botong-boto ako kay tito borj eh"kumindat pa ito kay Borj.
"Naku... kayo talagang dalawa lagi nyo na lang ako pinagkakaisahan"reklamo ni Roni.
"Sige na kasi mahal ko... please...."
Kinilig naman si Roni sa sinabi ni borj. Lumapit siya dito at dinampian ng mabilis na halik sa labi si Borj.
"Hayyy ang sarap naman non mahal...."
"Talaga? Kasingsarap ba niyang niluluto mo?"
"Ay syempre naman... gusto mo tikman mo"
Kumuha ng kutsara si Borj,nilagyan ng kaunting ulam na niluluto niya. Hinipan muna niya ito bago isinubo kay Roni.
"O ano? Kumusta masarap ba?"excited na tanong ni Borj.
"Hmmm.... sobra...."
"Ehemm...."si Boni."tito borj baka tumamis yang niluluto mo ha sa sobrang sweet niyo ni mommy hehe"
"Boni..."saway ni Roni sa anak.
"Mommy natutuwa nga ako kasi para na talaga tayong one happy family para ngang gusto ko nang tawaging daddy si tito borj eh."
"Pwede naman boni ah.... anytime hehe very much willing ako na maging daddy mo kaso baka magselos ang daddy basti mo"si Borj.
"Hindi naman po siguro tito borj"
natameme na naman si Roni sa usapan ng dalawa. Basta pag ganito na ang tinatakbo ng usapan nila ay ninenerbiyos na si Roni.
Pano nga ba niya sasabihin sa mag-ama ang katotohanan.
Pagkatapos magluto ni Borj ay naisip ni Boni na manood muna sila ng movie habang hinihintay si Yuan.
Nang makauwi si Yuan ay pinagsaluhan na nila ang niluto ni Borj at Boni.
Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan pa si Borj at Yuan bago ito tuluyang nagpaalam sa kanila.
Pagkaalis ni Borj ay umakyat na si Roni sa kwarto. Naisipan niyang tawagan si basti dahil ito lang naman ang tanging mapagsasabihan niya ng nararamdaman tungkol sa pagiging mag-ama ni Borj at Boni.
"Hello roni... napatawag ka.... may problema ba?"wika ni basti sa kabilang linya.
"Basti... kinakabahan na ko.... sobrang close na ni boni kay borj imagine lagi na lang silang magkasama at take note gusto nang tawagin ni boni na daddy si borj."
Natawa naman si basti sa kabilang linya.
"Roni... relax ka lang... wala naman tayong magagawa... epekto yan nang malakas na lukso ng dugo nilang dalawa."
"Basti... ang problema ko nga pano ko sasabihin kay borj ang totoo.... nagiguilty na kasi ko."
"You know what roni para saken dapat mo na talaga sabihin kay borj ang totoo.... imagine more than seventeen years mo nang itinago sa kanya yung katotohanan"
"Yun na nga ang point ko basti... siguradong magagalit sakin si borj.... baka yun pa ang maging dahilan para mawala yung pagmamahal niya sakin.... basti pano kung hiwalayan ako ni borj kapag nalaman niya yung totoo na pinagkait ko sa kanya yung karapatan na maging tatay ng anak namin."
"Roni... kung anuman ang maging resulta kailangan natin tanggapin kasi hindi naman pwedeng itago na lang natin ang katotohanan habangbuhay diba tsaka malay mo yan pa ang maging dahilan para magkaroon na finally ng buo at masayang pamilya si boni.... diba yun ang pangarap ng bata"
"Natatakot kasi ko basti"
"Don't worry roni... kahit anung mangyari susuportahan kita"
"Pero basti mag-iipon muna ako nang marami-raming lakas ng loob... salamat basti ha"