Samantala sa chapel ng ospital humantong ang magkaibigang Roni at Gelai.
"sis bakit ka umalis dun..... dapat nandun tayo.... kelangan ka ni boni dun"sita ni Gelai sa kaibigan.
"yun na nga sis.... sobrang naiinis ako sa sarili ko..... kailangan ako ni boni pero wala naman ako magawa para sa kanya.... yung pagsalin ng dugo yun na nga lang sana ang pwede ko maitulong para sa kaligtasan ng anak ko pero wala pa rin eh...."
"pero roni bakit nga ba nagkaganon? alam mo imposible kasi na ni isa sa inyo ni basti eh walang kaparehas ng blood type si boni.... sis dont tell me hindi nyo anak si boni...."
"gelai anak ko si boni at ikaw mismo alam mo yan kasi kasama kita simula pa nung ipinagbuntis ko si boni hanggang sa ipinanganak ko s'ya nandun ka di'ba"si roni.
"eh kung ganon bakit ganito ang nangyayari....meron pa ba akong hindi alam?"
"yung totoo kasi gelai.... hindi si basti ang ama ni boni"
"what? kung gano'n bakit hindi ko alam.... akala ko ba bestfriend mo 'ko akala ko ba wala tayong secret sa isa't-isa...."
"eh kasi naisip ko na mas safe siguro kung wala nang ibang makakaalam.... kaming dalawa lang ni basti ang may alam nun"
"ah.... so you mean to say na wala kang tiwala sakin gano'n ba yun ha roni?"may himig pagtatampong wika ni Gelai.
"hindi sa gano'n kaya lang naunahan lang ako ng takot and I'm sorry sis..... tsaka please naman sis wag ka na magalit sakin kasi hindi ko na kakayanin kung pati ikaw magagalit sakin ikaw na lang ang natitirang sandalan ko ngayon eh"
Parang hinaplos naman ang puso ni Gelai sa pakiusap ng kaibigan kaya niyakap na lang niya ito.
"wag ka mag-alala sis hindi naman kita iiwan eh nandito lang ako para sa'yo"
"salamat sis...."sabi ni Roni sa gitna ng pag-iyak.
"pero sis.... sabihin mo sakin yung totoo... sinung tunay na ama ni boni?"bumitiw muna sa pagkakayakap sa kaibigan.
"si.... borj...."nakatungong sagot ni Roni.
"what???!!.... panu nangyari yun roni..... di ba si basti lang ang naging bf mo.... naging kayo ba ni borj?... kelan???.... bakit di ko alam?"sunod-sunod na tanong ni Gelai.
"hindi naman naging kami ni borj"
"eh... so... panu nga nangyari yon? naguguluhan na talaga ko roni"
"nung huling araw bago umalis si borj papuntang amerika.... naalala mo ba sis nung nakiusap ako sayo na sabihin mo kila mommy na sa inyo ako matutulog pero ang totoo niyan kila borj ako natulog..... at may nangyari samin"
"what?.... ganon lang yon? ....at nabuntis ka na agad?"
"oo sis..... pero ginusto ko naman ang nangyari....."
"eh bakit di mo sinabi kay borj?"
"kasi mahal na mahal ko si borj"
"kaya nga sis alam ko na mahal mo si borj..... so bakit kailangan mo pa ilihim ang lahat sa kanya?"
Muling tumulo ang luha ni Roni.
Bakit nga ba kailangan pa niya ilihim ang lahat kay Borj.
kasabay nun ang muling pagbalik sa kanya ng mga alaala na naganap nung gabing 'yon.
mag-aala sais na ng umaga kaya nagmamadali nang umalis si Roni. Hindi na niya ginising si Borj na mahimbing pang natutulog at laking pasalamat na rin niya na hindi nito namalayan ang kanyang pag-alis dahil sa totoo lang hindi niya alam kung panu niya ito pakikiharapan dahil sa nangyari.