Chapter 1

441 16 2
                                    

DISCLAIMER:

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains of matured scenes. Please be matured don't report this story. Read at your own risk...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang chapter na ito ay edited. Baka maguluhan kayo kung may mga nagbago. Nilinis ko lang po. At gusto ko lang sabihin na if naghahanap kayo ng babasahin I'm recommending my story entitled "I Need You" it was already posted! Thank you! Have a nice day!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 01

Island

KAGATKAGAT ko ang hintuturo habang naghihintay sa reply ng kaibigan ko. Inaya ko siyang mag-shopping bukas since wala na rin namang klase. Pero dahil isineen naman niya ako ay naiinis na naman ako! Napaka-seener talaga ng lalaking ito!

Bakit ba kasi ang insensitive niya? Hindi ba niya alam na napakasensitive ko sa mga ganitong bagay? Nakakainis siya, kanina ko pa hinihintay ang reply niya pero ignore lang nakuha ko.

Baka busy lang 'yon Vana. I just heavily sighed and faced my laptop. Ipinagpatuloy ko ang dino-drawing kong gown. Si Mama kasi nagustuhan niya ang gown na design ko last time kaya gusto niyang gumawa pa ako.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko narin 'yon. Muli kong tiningnan ang phone ko pero wala parin siyang reply. Ngayon na nga lang ako magyaya mag-shopping tapos isi-seen lang niya? How dare him! Ang kapal ng mukha niya para hindi ako pansinin.

Ako to si Everleigh Vana Go Beaumont.

"VANA!" Halos mapatalon pa ako nang bigla-bigla na lang pumasok si Mama sa kwarto ko at nagsisigaw pa. Napahawak tuloy ako sa dibdib dahil sa gulat.

"Ma, naman! Bakit ka ba sumisigaw? Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako sa ginagawa niyo e!" Nasapo ko ang noo saka umiling-iling.

"Sorry ka na lang wala kang heart disease." Tumawa pa siya, akala siguro ay nakikipagbiruan ako sa kaniya. "E kasi ang tita Paulina mo nag-message!" Napangiwi pa ako nang bigla siyang tumalontalon.

"Ano ba, Ma!" Napahalukipkip ako at napailing-iling ulit at muling hinarap ang laptop ko.

"Ano ka ba!" Hinampas pa niya ang braso ko kaya halos masubsob pa ako sa laptop ko! "Masaya lang ako tapos sisigawsigawan mo ako dyan?"

"Ano ba kasi yun?" Halos mabaliktad pa ang mata ko sa walang tigil na pag-irap ko. Sadyang wala lang talaga ako sa mood ngayon dahil kay Jackson.

"E kasi tumawag ang Papii mo na uuwi sya mamaya! Tapos may dala pa siyang good news!" Sumayawsayaw pa siya, halatang tuwangtuwa. Minsan talaga iniisip ko. 'Kaninong magulang 'to? Hindi ko naman pinagmanahan ang ka-daldalera nya.

"Then?" Taas kilay na tanong ko.

"Then wha— ikaw talagang bata ka!" Hinampas ulit ako ni Mama kaya napadaing naman ako.

"Mama, I'm not in a good mood para sumigawsigaw ka dyan." Umirap pa ako, ganito lang talaga kami parang magkapatid. Close na close kami sa isa't isa. Parang tingin ng iba sa amin ay magkapatid. Dahil medyo magkamukha kami at pati narin ang height naming pareho. Tapos ang treatment pa naming parang magkapatid.

"Kaya nga 'di ba? Para mawala 'yang pagkabad mood mo! Bakit ka na naman kasi bigla nalang nagiging mainitin ulo? May period ka ba ngayon?" Umupo siya sa kama ko.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon