Chapter 17

42 2 0
                                    

Chapter 17

Close


"Ang sweet mo hijo!" Impit pa ni Mama. "Hayaan mo dahil darating kayo dyan haha. Support na support ako sa'yo para sa anak ko! 'Wag kang mag-alala dahil hahayaan ko talagang mangyari 'yang gusto niyo hehe."

"Sa'yo lang namin nakitang nagkaganito itong anak namin. Ang swerte nga ng anak ko dahil sa'yo sya napunta. Sa tingin ko naman ay hindi mo rin siya sasaktan. Malaki ang tiwala namin sa'yo." Si Papii.

Ang sarap pala sa pakiramdam yung suportado kayo ng magulang niyo. Yung relasyong wala ng hadlang, wala ng tutol. Iyong relasyong malaya kayo sa lahat. Walang iniindang sakit. Natatakot ako dating pumasok sa relasyon dahil sa mga issue na minsan ko ng napapanood sa mga dramas. Like yung hindi suportado ng magulang ang relasyon ninyo.

Mabuti na lang at lahat ng gusto ko ay suportado ni Mama at Papii. Ako lang naman kasi ang nag-iisa nilang anak, at saka alam nila ang ugali ko kung kaya't siguro ay hinahayaan na lamang nila ako, ayaw nilang magtampo ako o mapoot sa kanila.

"Thank you for trust Tito, I promise I'll never hurt her." Bahagya pa niyang itinaas ang kamay niya. Napangiti naman akong sumubo na lang.

Pagkatapos ng kainan na iyon ay nagpahinga na muna kami sa sala. Pumasok na lang din ng kwarto si Mama at Papii samantalang kami eto nakaupo sa couch habang nanonood ng movie.

"Babe, 'wag mo naman akong iwan oh. Nakikiusap ako b-babehuhuhu." Pakikiusap ng babae sa lalaki. Nakaluhod ang babae sa harap ng lalaki habang patuloy lang din sa pagluha.

"Tumayo ka nga dyan! Tigilan mo na ito! Hindi pa ba malinaw sa'yo na ayaw ko na? Hah! Wala nang tayo kaya tigilan mo na ito!" Sigaw pa nung lalaki sa babae habang pilit na pinapatayo niya ang babae. Pero tuluyan nang nanghina ang babae at nawalan ito ng malay.

"May mga ugali ang mga lalaking ganyan e! Pagkatapos pagsawaan ay iiwan!" Di ko na napigilan ang sarili ko sa inis sa lalaki.

"Chill baby..." tatawa-tawa namang pagpapakalma sa akin ni Shoky. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin na ikinagitla pa niya. "What?" Tanong pa niya, nagpipigil tawa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?" Nanghahamon ko pang tanong sa kaniya at humalukipkip.


Nakangisi naman niya akong inakbayan. He held my chin and face me to him."Don't worry I'll never do that to you. Hinding hindi ko gagawin ang magmakaawa ka sa akin. Hinding hindi ko gagawin ang lumuhod ka sa akin. Hindi ako ganoon lalaki, baby..." napakalambing ng boses niya.

Napanguso naman ako nang panggigilan niya ang pisngi ko. "Promise?" Nakangusong tanong ko pa at itinaas bahagya ang kamay.

"Emm," nakangiting tango pa nya.

"Let's just watch." Aniko at saka na itinuon ang paningin sa TV.

Ang naging takbo ng kwento, ay sa simula ay masaya pa ang relasyon ng dalawang bida sa kwento, tapos biglang nagbago ang lalaki dahil may iba itong babae. Nagmakaawa na ang babaeng huwag siyang iwan. After mahimatay nung babae ay dinala siya nung lalaki sa hospital. Hindi alam ng lalaki na may sakit sa puso ang babae kaya sya nagkaganun. Sisingsisi naman ang lalaki dahil sa ginawa niya. Nagcheat na nga siya at nakipaghiwalay pa sa girlfriend niya without knowing na may sakit itong si girl. Ilang araw pa ang nakalipas ay naging mas malala ang sakit ni girl. Lagi naring nasa tabi niya si Boy. Kahit ganun ay gumagaan ang loob ni girl dahil kasama niya si boy. Kahit sa kabila ng panloloko sa kaniya nito. Isang araw ay umuwi ang lalaki para maligo but suddenly sumulpot yung babaeng kabit niya. Pero ipinaliwanag niya sa babaeng 'yon na kailangan siya nung bida. Na yung bida parin pala ang mahal niya at hindi niya ito kayang iwan. Walang nagawa yung kabit kundi ang umiyak ng umiyak.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon