Chapter 39

32 3 2
                                    

Chapter 39

Destiny

Sa sobrang pagiisip ko nung pinagusapan namin ay nakatulog ako, dagdag narin ng pagod ko. Hindi ko pa namalayan na tinanghali na ako ng gising. Mabuti naman at walang missed calls, ibig sabihin walang emergency.

Ilang minuto pa akong nagbabad sa bathtub dahil pakiramdam ko napakabaho ko at napakarumi ko kahit wala naman akong naaamoy o nakikita sa katawan ko and I also found it refreshing.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang polka dots na polo shirt ko pati ang dark blue jeans ko. I even put some skincare on my face. Inayos ko ang buhok ko at nag spray ng perfume sa wrist, neck at sa damit ko.

Isinuot ko ang white coat at saka na lumabas ng suite ko. Hindi ko pa inaasahan tumambad sa akin ang mukha ni Kelly! Halos mapatalon pa ako sa pagkagulat.

"Exactly!" Iyon ang magiliw niyang tinig na nagpatalon sa akin.

Napahawak na lamang ako ng dibdib saka inayos ang sarili. "You startled me, Doctora." Umiling ako at nilagpasan siya.

"Hey! Hey! Wait!" Habol niya sa akin, napalingon ako sa kaniya nang huliin niya ang pulsuhan ko. "I brought you this, take it!" Inabot niya sa akin ang isang box na mukhang pagkain ang laman.

"Ano 'to?" My brows furrowed as I looked at it.

"Pancake, I made that!" Todo ngiti pa niya, bahagya pang naningkit ang mga mata kong tinitigan siya dahil mukhang kakaiba siya. Yung tipong may kailangan siya sa akin. "But I have something want to know." She smiled nervously.

My brows furrowed again but I just let out a heavy sigh. "Sa office na lang tayo mag-usap."

"Ok!"

Sumakay kami sa lift pababa sa floor kung nasaan ang office ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at saka narin naman siya pumasok, ako rin nagsarado nito. Dumeretso ako sa table at nilapag iyong box.

"So anong napag-usapan ninyo?" Tanong niya, umigtim ang panga kong napalingon sa kaniya. "I'm curious Zyaire, nakita ko kayong pumasok ng staff room at lumabas siyang umiiyak! What happened?"

Natigil ako at biglang napaisip, wala akong natatandaang umiyak siya noong mag-usap kami, umiyak siya? Bakit? I thought she doesn't care about me?

"What did you do?" She arched her brow.

"Kinausap ko lang siya, sinabi ko sa kaniya na mahal ko parin siya—"

"What! You confessed!" Hindi makapaniwalang tanong niya, nagulat.

Nakagat ko ang labi at tumango, binuksan ko ang box at ganun na lang ang pagngiti ko nang makitang pancake ito. Chocolate pancake na merong strawberry at nagmemelt na chocolate! Natatakam tuloy ako, hitsura pa lang ang sarap na!

"What's her answer, then?" Tanong naman niya.

Umiling ako, "she just walked out. I guess she got pissed off."

"Pfft, don't mind her. Just continue chasing her. Make her feel what you really feel for her. Maybe now she's still bothered but trust me she'll find out soon her real feelings. I'm here for you, i can help you if you need my help and I don't think you can stand it alone." She chuckled.

Napaisip naman ako, gusto kong kausapin si Vana mamaya, kung ako ang makikipagkita kay Vana o kung tatanungin ko siya ay baka hindi ako nito sulpotin! Baka galit parin 'yon sa akin. So kailangan ko ngayon si Kelly. No choice, desperado na akong maghabol. I want her back so I don't care being disparate this time.

Sinabi ko sa kaniya ang request ko at mas marami pa siyang naging suhestiyon sa akin. Napapansin kong maayos na siya at hindi ko na nakikita ang mga reaksyon niyang noon na mapait. Ngayon kasi ay siya pa ang nagsusuhestiyon. Siya pa ang nagbabalak ng lahat.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon