Chapter 34

38 3 1
                                    

Chapter 34

The fact

NAGLALAKAD ako sa hallway ng tulala lang sa daan at hindi na alam kung saan pupunta basta hinayaan ko na lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi nawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Kelly.

Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang ipagpatuloy iyong nararamdaman ko, kailangan ko pa bang ipaglaban itong nararamdaman ko? May pag-asa pa ba?

Maraming katanungan ang nabubuo sa aking isipan. At lahat nito ay akin ding nasasagot. Una sa lahat ako ang nang-iwan. I know that and I regretted it! Noon pa man ay pinagsisihan ko na, pero ngayon mas pinagsisihan ko pa. Nakikita ko sa mga mata niyang wala na siyang pake sa presensya ko. Nakikita ko sa kanyang wala na ako para sa kaniya.

The way she looked could be read in her eyes as nothing strange. It is not the same as before.

Sa kanta pa lamang niya kagabi ay ipinapahiwatig niya na sa aking wala na talaga ako sa buhay niya. Wala na talagang ni katiting na pag-asa dahil meron ng itinitibok ang puso niya at hindi na ako.

Kailangan ko pa bang ipaglaban ang nararamdaman ko kung alam ko namang wala na akong pag-asa? Bakit ko pa siya guguluhin ulit kung ako naman ang sumira sa kaniya?

I hate myself for being rude! Akala ko kaya ko siyang kalimutan! Akala ko kaya ko siyang harapin! Akala ko nawala na ang pagmamahal ko sa kaniya dahil ilang taon na ang nakalipas. But I was wrong.

Is it possible to fall again? Is it still possible to remember how you feel even a decade after? Can one temporarily forget their feelings? By the time that individual gets there, the sensation of temporarily losing oneself in attempting to forget will resurface.

Kelly's right, hindi talaga ako nakalimot, hindi talaga ako naka moved on. Dahil hanggang ngayon mahal ko parin si Vana!

I don't know what to do, nasa harap ko na siya, malapit na lang kami sa isa't isa at paano pa ako makakalimot? Iyon ngang hindi ko siya nakikita ay hindi ko nagawang makalimot? Ngayon pa kayang malapit lang din kami? Nasa iisang lugar lang.

Namalayan ko na palang nasa rooftop na pala ako ng hospital. Hindi ko namalayan na sa haba ng pagiisip ko ay makakarating ako dito.

I'm hurt, and I couldn't help myself but just feel the pain. Mabuti na sigurong nasa rooftop ako ngayon. Gusto kong mapag-isa at dito ilabas ang lahat ng nararamdaman ko.

Tiningnan ko ang pulsuhan ko, napangiti ako nang makita ang bracelet na bigay niya sa akin noong nagmarket kami na may naka-ukit na Shoky. I kept this thing for a long time. Napakatagal ng panahon ang nagdaan ngunit sariwa parin sa akin ang lahat. Ang lahat tungkol sa kaniya.

"I hope you will let me love you again." Wika ko nang nasa bracelet lang ang tingin.

LUMIPAS ang dalawang araw ay hindi ko na siya nasisilayan. Siguro ay mas mabuti na 'yon, muli naman kasi akong naabala sa sunod-sunod na operation nitong dalawang araw, mga pasyenteng nagmula pa sa ibang lugar.

Napahinga ako ng maluwag nang mahubad ko ang mask ko at saka na hinubad ang gloves. Pumunta ako ng room ko at dumeretso ng banyo. Naligo ako.

Nagpadeliver na lamang ako ng pagkain, may kinakailangan pa akong tapusin ngayon. Ilang minuto pa at dumating din ang pagkain na ipinadeliver ko. Ilang oras pa akong nakatutok sa loptop ko. After, I checked my email.

Natigil ang paningin ko nang mabasa ang pamilyar na pangalan sa akin.

"Luis Zamora Laurent"

Agad kong isinarado ang loptop ko at napatayong naitakip ang palad sa bibig. Bumalik ako ng banyo at naghilamos. Napapansin ko ang pamamayat ko, pero kahit ganoon ay napapanatili ko parin namang maganda ang katawan ko.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon