Chapter 16

43 3 0
                                    

Chapter 16

Helped

"I'm curious. Ano bang ginagawa mo sa mga manliligaw mo at hindi ka natatagalan? Bakit ka nila inaayawan?" Nanliliit ang mga mata ni Shoky.

Nilingon ko si Mama at umiling sa kaniya. Ngunit nasapo ko na lamang ang noo ko nang tumawa siya ng tumawa.

"Alam mo kasi hijo itong si Vana, ang iinit sa mga lalaki. I mean hindi lang sa lalaki kundi sa lahat. Meron pa nga siya noong manliligaw na napaka-effort! Akalain mo dinalhan pa niya si Vana ng Bouquet of Flowers and chocolates!"


Nilingon ako ni Shoky at tinaasan pa ako ng kilay, I just pouted. "Kaya ko naman po 'yon." Wika naman niya, mukhang hindi magpapatalo. "Anyway, ano pong ginawa niya sa 'maliligaw' niyang 'yon?" Diniinan pa ni Shoky ang salitang manliligaw.


"Nasayang ang bouquets, itinapon mismo ni Vana sa mukha ng lalaking 'yon ang chocolates at flowers." Tugon ni Mama.

Tumawa ng malakas si Shoky kaya napakunot ang noo kong nilingon siya. "Buti nga sa kaniya." Dinig ko pang bulong niya, napangiwi naman ako.

"Tapos yung isang manliligaw niya ay napaiyak ni Vana." Seryoso akong tiningnan ni Mama, umiwas lamang ako ng tingin.


"Po?" Talagang interesadong tanong ni Shoky.

"Oo, ang batang 'yon? Pumunta ng bahay para manligaw at si Vana naman ay binuhusan niya ng tubig ang batang iyon para makaalis. She's such a brat!"

"You did that?" Hindi makapaniwalang baling sa akin ni Shoky, I just pouted. "Mabuti at sampal lang inabot ko sa'yo." Ngisi niya, uminit ang pisngi ko nang lingunin ako ni Mama, ngunit hindi na siya nagtanong pa.


PAGKATAPOS naming magkwentuhan nina Shoky at Mama ay niyaya kami ni Mama na pumunta sa bahay ni Shoky. Alam ni Mama na may bahay si Shoky dito sa resort, tsismosa nga naman, tsk.

"Bahay mo ito, hijo?" Namamangha pang tanong ni Mama, bahagya pang napatakip sa kaniyang labi. Nakangiti namang tumango si Shoky.

Ang bahay niya na ito ay hindi kasing laki nung future family house niya. Pero hindi maitatagong maganda din ito. May kalakihan din naman. Maganda at mukhang maganda sa loob!

Medyo tago din itong bahay niya, nasa kabila ng reception hall, ang reception hall naman ay nasa kabila ng restaurant. Kaya kapag pumunta dito ay madadaanan ang resto at ang hall. Sa unahan naman ng resto ay ang resort garden.

Napapaligiran din ng mga punong kahoy ang bahay niya. Pero nakakamangha lang dahil sa bawat punong kahoy ay napapaligiran ng led lights. Siguro ay napakaganda nito sa gabi.

"Halina po kayo." Pinagbuksan naman kami ni Shoky ng pinto. Nagulat pa ako nang akmang huhubarin ko ang sandal ko ay agad siyang lumuhod sa harapan ko at siya na ang humubad ng sandal ko.

Nakangiti ko naman siyang pinanood, kahit kailan ay wala pang nakagawa sa akin nito. Para tuloy akong timang na ngiting ngiti na nakatingin sa kaniya.

"Ehem! ehem!" Napangiwi pa ako sa paguubo ni Mama. Nawala pala siya sa paningin ko! Hindi ko pala alam na nakatingin siya sa amin! Kaya ganon na lang din ang hiya ko nang makita ang nanunukso niyang tingin.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa bahay niya ay hindi ganon ang paghanga ko nung makita ang future house niya. Ang bahay niyang ito ay kasing laki lang ng bahay namin.

"Napakalinis huh?" Tatango-tango pang sabi ni Mama. "As in ikaw lang mag-isa dito hijo?" Tanong pa niya habang patuloy lang sa pag-ikot-ikot dito sa sala.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon