Chapter 27

36 2 1
                                    

Chapter 27

Leave


PAGMULAT ko ay tumambad sa akin ang kisame. Ilang beses pa akong kumurap-kurap para mas luminaw ang paningin ko. Naglinga-linga ako at napagtanto kong nasa unit na pala ako. Pagbangon ko at akma pang tatayo ay halos matumba pa ako sa panghihina, nanginginig ang katawan ko!

Mabilis akong umupo at kinapa ang sariling noo, mabilis bumaba ang palad ko sa aking leeg nang maramdaman kong napakainit ko pala! Huling pagkakatanda ko ay nandilim ang paningin ko at wala na, ibig sabihin nawalan na ako ng malay at umaga na?

Napababa ang paningin ko sa kasuotan ko, at ganun na lang din ang paglaglag ng panga ko nang iba na ang suot ko! Sino nagpalit sa akin? The hell?

"Oh gising ka na pala?" Halos mapatalon pa ako nang biglang may nagsalita.

"JACKSON!" Sigaw ko na halos umalingangaw sa buong unit, narinig ko pa ang ilang kalabog ng yapak ng mga paa sa labas?

"Anong nangyari?" Aligagang tanong naman ni Tita, noon ko lang din napagtantong marami na pala silang nandirito sa unit ko. "Vana bakit ka sumisigaw?" Lumapit sa akin si Tita at umupo sa tabi ko.

Nagpalinga-linga ako, umaasang makita si Shoky pero nabigo ako dahil ni anino ni Shoky ay wala akong makita. Kung gaano kainit ang mata ko ay mas uminit pa ito dahil muling namuo ang luha ko.

"Tita" pagharap ko kay Tita ay...

"O my ghad! Everleigh!"

"Shandy! Call Zyaire, hurry!"

"Vana! Vana!"

Bagaman nanginginig na ako at pakiramdam ko ay nilalamig ako kahit mainit naman katawan ko, pakiramdam ko ay napakahina ko na at hindi maramdaman ang sariling katawan. Nahihirapang huminga at nandidilim paningin ko!

My vision darkened and I quickly lost consciousness...




PAGDILAT ng mga mata ko ay parang umalon ang puso ko at muli kong narinig ng malakas ang pagtibok ng puso ko. Wala ako sa sariling napangiti, kahit papaano ay masaya akong paggising ko ay muli ko siyang nasilayan. Gusto ko na lamang isawalang bahala iyong mga nangyari kagabi at kalimutan na lang 'yon alang-alang sa amin.

Ang ngiti ko ay napawi nang mapagtanto ko ang hindi paring nag-iiba niyang reaksyon. Seryoso at iyong paraan ng tingin niya sa akin ay parang muling tinutusok nito ang puso ko at unti unting dinudurog. Nanatiling seryoso at walang mababasang emosyon sa kaniyang mata. Napaka kaswal lang at animo'y isa lang akong pasyenteng hindi niya kilala.

Ang dating mga tingin niya na nagpapatibok at nagpapalakas ng puso ko ay hindi ko na makita sa mata nya ngayon. Ang dating tingin niya na nagpapaalab sa puso ko ngayon ay nagiging dahilan ng pagsikip nito. Ang nagkikislapan niyang mata sa tuwing nakatingin sa mata ko o mukha ko ay wala na...

'It hides the truth and rips me apart. It pierces me, It sucks me, I'm going crazy, I hate this.'

Napaungol pa ako nang subukan kong bumangon, inalalayan niya ako pero iyong paraang paghawak man lang niya sa akin ay napaka-kaswal lang ni parang nag-aalanganin pa siyang hawakan ako. Gusto kong maiyak pero ayaw kong ipakita sa kaniya.

"S-Shoky..." naglakas loob na akong tawagin siya dahil hindi na mapakali pa ang kamay ko, sarili ko.

"Hmmm?" Tanging ungol lang ang isinagot niya sa akin. Hindi siya lumingon sa akin at mukhang umiiwas pa. Umupo siya doon sa couch at kinuha ang isang book na naroon sa mesa.

"Bakit ka nagkakaganyan?"

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sisigawan niya ako, o magagalit siya sa akin. Napasinghap pa ako ng matalim niya akong nilingon!

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon