Chapter 23

33 3 0
                                    

Chapter 23

Surprise


MAHIRAP ang relasyong malayo kayo sa isa't isa, bawat minuto namimiss niyo ang isa't isa. Hindi alam kung kailan pa kayo magkikita. Pero dahil nananatili kayo at nagmamahalan ay kinakaya ang lahat, tinitiis dahil naniniwala kayong malalagpasan din ninyo ang lahat ng ito. Na naniniwala kayong magtatapos din ang love story ninyo sa happy ending.


Ganun kami ni Shoky, madalas mawalan ng oras sa bawat isa dahil sa sunod sunod na kinakaharap na problema sa pag-aaral. Ngunit minsan ay nagkakaroon din naman kami ng oras na makapag-usap kahit hindi gaano katagal.

Minsan mga madaling oras na siya nakakatawag sa akin, tulog na ako pero nagigising ako para kausapin siya. Minsan ako rin ang tumatawag sa kaniya kapag may time ako.

"Are you drowsy, or are you asleep and I woke you up?" Tanong niya sa kabilang linya, medyo napapaos pa ang kaniyang boses.

Napabangon ako, nagising ako sa tawag niya. Actually kanina ko pa nga siya hinihintay na tumawag kaya napaidlip lang. "are you tired?" I pouted. Humarap ako sa salamin at pinanood ang sarili kong nakaupo lang sa kama habang nakatapat ang phone sa aking tainga.

"In what? In our relationship? Of course I'm not, sorry I were just—"

I chuckled so he was stunned. "You jerk! I am not upset with you. I did not ask you if you are tired of our relationship. OA ka. I understand you are busy and we are just the same, Shoky."

"Sorry, I'm just afraid you'd break up with me and leave. I don't want us to be separated, I can't afford it." His voice was so cute.

Ang salita niyang iyon na parang humahaplos sa puso ko. Hindi niya raw kakayaning mawala ako sa kaniya. Ganun na ba kabaliw sa akin ang lalaking ito? I bit my lips when I realized my eyes were filled of tears. I'm getting emotional damn.

Suminghot ako, "you should rest."

"Are you crying baby?" He asked worriedly.

I chuckled a bit to hid my emotions. "I'm not, you see... uh I miss you."

"Baby, please don't cry you're making me worry."

"Sorry." I wiped my tears off.

"I miss you."

"I guess you're tired you should rest,"

"No, don't mind me. Nakatulog ka ba sa paghihintay? Sorry kakatapos ko lang din gumawa ng projects at study ko."

I sighed, "stress ka na and you have to take a rest first." I worriedly said.

"You're my rest, baby." He almost whispered. "Please don't get tired of me?" He was begging now.

"I promised I won't get tired of you, of us. Okay? Don't think too much. You should take a sleep to rest. You still have a class tomorrow." I told him.

Ganoon lang ang takbo ng aming relasyon. Madalas busy, at every hating gabi na kami nakakapagusap. Hindi narin naman ako nagooverthink dahil palagi rin niya ako binibigyan ng assurance. At minsan ay si Vinous or si Shin ay sinesendan nila ako ng videos or pics niya na madalas ay natutulog. Mayron pa ngang video na sinend sa akin ni Vinous na hinalikan niya si Accius at tinatawag niya itong ako. Sobrang laughtrip non, I even teased him about it.

Minsan ang nagiging date routine namin ay study date through video call. He's more busy than me, siyempre medicine siya e. I took business management, major in marketing management.

I didn't expect na aabot kami sa isang taon! At ngayon ang first anniversary namin. Ang strong at gusto kong maiyak! Ginawa ko siyang inspiration sa mga bagay na kinakaharap ko. Napakaworth-it naman ng relasyon namin even we're apart.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon