Chapter 44

31 3 0
                                    

Chapter 44

Surprised

KINABUKASAN ay nagising ako ng maaga. Nagluto ako ng mga agahan. Pagkatapos ay nilagay ko sa Tupperware. Gumawa din ako ng pancake at nagsaing. Sinabi niya sa aking nagustuhan niya ang pancake na ginawa ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas ako ng bahay dala-dala ang pagkaing niluto ko. Tinahak ko na ang daan papunta hotel. Pagkarating ko sa pangatlong palapag ay hindi ko pa inaasahang makita roon si Kelly at Jackson na nag-uusap. Natigil lang din sila nang makita ako.

"Zyaire!" Nakangiting tawag sa akin ni Kelly.

"Are you going to hospital?" Tanong ko nang makalapit na nang tuluyan sa kanila. Sinulyapan ko pa si Jackson ngunit nakatingin ito ngayon sa pintuan ng suite nina Vana.

Umiling si Kelly, "no. Magkikita kami ni Monica."

"What? Have you already talked? What did she say? Where is she?" Sunodsunod na tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Babalik siya rito sa Isla at mag-uusap kami."

"Ayos lang ba siya?" I asked.

"Probably not. I'll tell you soon what happened. But for now, focus on my cousin and the hospital. I think I should go." She smiled at me.

Tumango lamang ako sa kaniya. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay ibinaling ko na ang tingin kay Jackson. Ano pang ginagawa nito? Nakatayo pa dyan?

"Kayo na pala ni Vana?" Panimula niya, nakangisi ngunit nakataas ang kilay.

Naglakad na ako papalapit sa pinto. "Oo," kumatok na ako dito.

"Take care of her."

Napalingon naman ako sa kaniya, nakababa siya ng tingin. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Kahit papaano ay nararamdaman ko naman ang nararamdaman niya. I feel what he feel.

I know he's hurt right now but he need to accept the fact. I feel bad for him. I know he can understand the situation. That's why he's reminding me to take care of Vana.

Naisip kong dapat akong magpasalamat sa kaniya sa pag-alaga kay Vana ng mabuti nang wala ako sa tabi nito. Kailangan kong mag pasalamat sa kaniya dahil sa pagiging mabuti niyang kaibigan sa babaeng mahal ko. Hindi niya pinabayaan si Vana.

Napabuntong hininga ako, "salamat." Tanging lumabas sa bibig ko. Lumapit ako sa kaniya. "Someday you will find a better woman for you. The woman who can return your love, a woman who will not be neglected. A woman will love you better. And a woman you will bring to the aisle." Tinapik tapik ko ang balikat niya.

Sabay kaming napalingon sa pintong bumukas, niluwa nito si Tita Eva. "Oh kayo pala!" Magiliw niyang sabi. "Hijo, Zyaire hinahanap mo ba si Vana? Pumasok ka dahil gising na siya." Nakangiti paring sabi niya at saka nilingon si Jackson. "Ikaw hijo? Pumasok ka na rin."

"Hindi na po, kasama ko pong mag-agahan si Daddy." Ngumiti ng tipid si Jackson.

"Ganon ba, sige sasabihin ko na lang kay Vana na hindi ka makakasabay."

"Sige po, aalis na po ako." Paalam ni Jackson.

Nang makaalis na si Jackson ay saka na ako bumaling kay Tita Eva. Ngumiti siya sa akin saka nilahad ang loob. Ngumiti din ako sa kanya saka pumasok. Nilapag ko sa mesa ang dala ko.

"Maghintay ka dito hijo, tatawagin ko si Vana. Naliligo pa ata 'yon."

"Sige po."

Pagkaalis naman ni Tita ay dumating si Tito. Agad akong napatayo. "Good morning po."

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon