Chapter 20

36 3 0
                                    

[SPG ALERT!]

Chapter 20

I love you

"Emergency? What do you mean Papii?" I asked full of confusion.

"We have to hurry back to Manila, Vana." Parang gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang mga kamay ko at nagsisimulang manginig ang binti ko. I really didn't expect Mama and Papii to tell me this. Ano nang mangyayari?

Ayaw ko siyang iwan!

"W-Why? Hindi ba't hindi pa tapos bakasyon mo Papii? Bakit ganun?" Sunod-sunod ko namang tanong parang nagsisimulang magpanic.

"Airline needs your Papii, since siya lang din ang nacocontact at free sa lahat ay kinakailangan nating umuwi as much as possible." Seryosong tugon naman ni Mama.

"Pero Ma—"

"Isa pa, tumawag si Jackson. He said na nagsimula na ang enrolment at hanggang makalawa na lang din ang deadline. Hindi niya sinabi noong ilang araw dahil ayaw niyang gambalahin ang bakasyon mo. Naurong daw kasi ang enrolment niyo." Lahad ni Mama nasapo pa niya ang noo at napamaywang, problemadong problemado.

Napailing naman ako, I felt my eyes begin to narrow and I felt in just a second that my tears would fall on my face. Nagsimulang sumakit ang lalamunan ko at mabilis akong napahawak sa damit ko. I never thought it would be this painful.

Ayaw kong umalis!

Ayoko siyang iwan!

"Kailan po ba alis niyo?" Tanong ni Shoky kay Papii. Napalingon naman ako sa kaniya, nakatingin narin siya sa akin. Ngumiti siya sa akin at tumango. Sa ginawa niyang 'yon ay mas nakaramdam ako ng kirot.

Papii sighed, "tomorrow."

"What!" I exclaimed. Fvck! I'm not ready to leave!

"We have to, Vana." Si Mama.

"What time?" I asked.

"Three or Four AM. We need to arrive about eight o'clock in the morning." Seryosong tugon ni Papii.

"It's ok, may oras pa naman." Ngumiti si Mama at saka hinagod ang likod ko. "Spend your time with your cousin and your boyfriend, ako na lang bahala sa mga gamit mo, Vana." Tinapik pa ni Mama ang likod ko.

Suminghap ako at inangat tingin sa kanila. "Hindi na po ba magbabago desisyon niyo?" Umaasa namang tanong ko. Paano naman kasi? Nasa gitna pa lang ng bakasyon si Papii ay ipinatatawag na siya? Isn't it so unfair? Bakit siya pa kung pwede naman yung iba? Minsan nga lang magbakasyon itong si Papii tapos mapuputol pa? Psh!

Lumungkot naman ang mukha ni Mama at saka ito umiling. "Sige na Vana, tatawagin ka na lang namin kapag aalis na tayo. Spend your time with Zyaire, okay?" Tinapik pa ni Mama ulit ang balikat ko.

"Hijo, we hope you understand." Ganon din si Papii, tinapik niya ang balikat ni Shoky.

Shoky smiled and slightly nodded. "I understand po, Tito."

"Thank you, we have to go." Paalam ni Papii, nagtanguan pa muli sila ni Zyaire saka narin silang tumalikod ni Mama.

Nang makaalis na sina Mama at Papii ay naiwan kaming tatlo nina Tita ditong nakatayo.

"Vana?"

"Tita?" Harap ko naman sa kaniya.

"Kausapin mo ang pinsan mo huh?"

"Of course Tita."

"Maiwan ko na kayo." Paalam pa niya.

We just nodded. Pagkaalis naman ni Tita ay hinarap ko na si Shoky. Hindi ko napigilang maging emosyonal. I hugged him tightly. Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Alam ko at ineexpect ko nang talagang aalis kami. Pero hindi ko ineexpect ang mararamdaman ko. Isa pa, biglaan itong pag-alis namin.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon