Chapter 11

39 2 0
                                    

(WARNING! THERE'S A MATURED SCENE IN THIS CHAPTER BUT SLIGHT LANG HEHE.)

Chapter 11

First


"Are you cold?" Tanong niya pa sa akin, basang basa narin kaming dalawa nakaupo sa dalampasigan. Hindi ko alam kung bakit doon pa niya naisipang halikan ako sa tubig. Hanggang sa makaahon na kami ay hindi parin nagsisink-in sa akin ang mga nangyari.

Naghalikan kami. Mahal ko na ba siya? Hindi ba kapag mahal mo na ay nasasaktan ka kapag nakikita mo siyang may kasamang iba? Ganon ang nararamdaman ko. Isa pa, nagawa ko nang tumugon sa mga halik niya na dati naman ay hindi ko gusto  'yon. Bakit ang mga ikinakainis ko sa kaniya noon ay ikinakatuwa ko na ngayon? Anong nangyayari sa'kin?

Umiling ako. "Sabihin mo... bakit ka ganyan? I mean... bakit mo ba ginagawa ito?" Nilingon ko na siya. Nagtama ang mapupungay naming mga mata.

Hinawakan niya ang mukha ko at hinawi ang hibla ng buhok kong nakatakip sa mata ko. Bumuntong hininga pa siya. "Hindi pa ba malinaw sa'yo na gusto kita?"

Dumagundong ng malakas ang puso ko, hindi ko inaasahan ang pag-amin niya! Bagaman obvious naman 'yon pero hindi ko parin 'yon inaasahan. Parang pakiramdam ko ay malabong magustuhan niya ako. Na 'yong mga ipinapakita o ipinaparamdam lang niya sa'kin ay intensyon niya lang makipagkaibigan. Paanong nagustuhan niya ako?

I sarcastically smirked. "Alam kong nagustuhan mo lang din ako dahil sa panlabas na anyo ko..."

"Yeah I admit it." Putol niya sa sasabihin ko. Muli niyang ihinawak ang isang kamay sa pisngi ko at nakipag eye contact siya sa akin. Basang basa ko sa kaniyang mga mata ang paghanga habang tinititigan ang mukha ko. "Yes, when I first met you... I liked you cuz you're so pretty. Pero habang nakikilala kita nang lubusan mas lalo kita nagugustuhan. Ang ugali mo na para sa iba ay hindi kaaya-aya para sa akin ay nakakatuwa. Alam kong marami kang pagkakamali pero kagaya nga lang nang sinabi mo diba? You were born to be yourself not to be perfect. Kaya tanggap ko kung ano ka. I like who you are, I like everything about you. Gusto pa kitang makilala ng lubos, Vana."

Napakasarap marinig ang mga salitang 'yon lalo na't nanggaling sa kaniya. Nakakatuwa sa pakiramdam na may isang taong gustong makilala pa ako ng lubos. May isang taong humahanga sa kung anong meron ako. May isang taong nagugustuhan kung ano ako, bilang ako.

Pero natatakot ako, natatakot ako na baka kapag sumugal ako ay ako lang din ang masasaktan sa huli. Natatakot na akong maiwan muli, lokohin muli, at masaktan muli.

"I'm afraid..." napayuko na lamang ako.

"Why? What are you afraid of?" Tanong pa niya sa akin at hinawakan ang baba ko, inangat ang tingin ko sa kaniya. "Wala kang dapat na ikatakot, I won't hurt you, trust me." Banayad ang boses niya parang hinihimas ang puso ko.

"Gusto mo lang ba ako?" Tanong ko na ikinatigil niya dahilan para mapababa siya ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang sagot niyang iyon. Yes he didn't answer but he remained quiet! And I don't like it! Uminit ang gilid ng mata ko. "Bakit? Dahil sya parin ba?" Dagdag ko pa. "Siya ba ang tinutukoy mong hihintayin mo?" I badly want to shut my mouth off but here I am I can't even control myself! Namalayan ko na lang na bumagsak na ang luha ko, napababa ako ng tingin. Confirm I'm starting to love him that's why I'm hurt.

Kailangan bang kapag gusto o mahal mo ang isang tao ay mahalin karin niya? Kailangan bang suklian ang nararamdaman mo? Hindi naman siguro required'yon pero bakit ako nasasaktan? Kanina lang masaya ako pero ganoon kabilis nagbago ang feeling ko nang marami na namang pumapasok sa isipan ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili. "Sa tingin ko ay tigilan na natin ito. Kalimutan mo ang nangyari kanina at kakalimutan ko rin 'yon, magpanggap ka na lamang na parang walang nangyari. Kung pwede ay itrato mo muli ako bilang stranger, oh no! We're still a stranger to each other, right?" Tumawa pa ako ng peke, iniiwasan kong dumapo ang tingin ko sa kaniya.


Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon