Chapter 15

47 3 2
                                    

Chapter 15

Patient

"You both happy, hmm?"

My lips parted as I saw Kelly's emotional expression. I felt guilty.

"K-Kelly..." tanging usal ko, bigla ay hindi ko magawang lumunok dahil parang may biglang nakabara sa lalamunan ko. Ito na nga yung sinasabi ko. Ayaw ko siyang masaktan pero nasasaktan ko parin siya. Alam kong dadating talaga ang time na ito e.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko o ano ang gagawin ko. Naestatwa na lamang ako habang paulit ulit na lumulunok.

"You liar!" She screamed out of frustration. Nakita ko ang mabilis na pagbuhos ng luha sa kaniyang pisngi. Namumula narin ang mukha niya.

Ano na ang gagawin ko, alam kong mangyayari ito pero hindi ko alam na hindi pala ako handa para dito. Hanggat maaari ay ayaw kong baliin ang taling namamagitan sa amin. But I think I messed it.


Napabitaw ako kay Shoky at akmang lalapit sa kaniya pero agad niyang isinenyas ang palad niyang 'wag akong lalapit. "I trusted you..." she emotionally shook her head.


"Kelly..." wala akong magawa kundi ang tawagin ang pangalan niya. Kahit mageexplain naman ako sa kaniya ay hindi parin 'yon mababago ang nararamdaman niya. I'm so rude!

"KELLY!"  Sigaw na tawag ng mga kaibigan ni Kelly na papalapit na sa amin.

Hinawakan ni Zyaire ang kamay ko. Pinapahiwatig niya sa aking kumalma lang ako dahil nasa tabi ko lang siya na kahit anong mangyari basta magkasama kami ay kakayanin namin ito. Pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Kelly. I know what's her feeling now. She's hurting and it's because of me.

"O my ghad!"

"Acc!"

"What did you do!" Pasigaw na asik ni Kelly kay Accius nang suntukin niya si Zyaire. Matutumba na sana si Zyaire pero agad akong napaalalay sa kaniya.

"You asshole!" Duro naman ni Acc kay Zyaire.

Hinawakan ko ang mukha ni Shoky at sinuri ito. Ganun na lang ang pagtaas ng dugo ko nang makita kong duguan ang labi niya.

Inis ko namang hinarap si Accius. Walang alanganin ko naman syang sinugod. Dinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Shoky. Pipigilan pa sana niya ako pero huli na dahil buong pwersa kong sinampal ang pagmumukha ng lalaking 'yan.

"O my ghad!" Tili naman ng mga kaibigan niya.

"Hey, stop it guys!"

"Wala kang karapatan para saktan si Zyaire!" Inis pang duro ko sa kaniya. Hawak hawak niya ang kanyang pisngi na namimilipit sa sakit.

Ang pinaka-ayaw ko ay nakikisabat na lang bigla bigla. Pwede naman siyang makisabat na awatin kami dito pero kasi 'yon ay sinalubong talaga niya ng suntok si Shoky! Ano sa tingin niya palalampasin ko iyon? Anong problema niya?

"Vana..." pabulong na pigil sa akin ni Zyaire, mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.


"We're so disappointed to you Zyaire." Iling iling naman ni Monica, hindi narin maipinta ang hitsura niya. "Bakit siya pa? Alam mong magpinsan sila? Alam mo naman sigurong may gusto sayo si Kelly diba? At ikaw!" Itinuro pa niya ako. "Napakalandi mo!" Sigaw niya pa sa akin! Napakuyom ang palad ko sa inis! Hahakbang sana ako pero hinawakan ng mahigpit ni Zyaire ang kamay ko.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon