Chapter 9

57 4 7
                                    

CHAPTER 9

Feeling

NAGLALAKAD na kami ngayon dito sa hallway. Panay naman ang kuha ni Mama ng mga litrato habang ako ay nakahalukipkip lang at deretsong naglalakad.

"Doon sa itaas ay may overview, taking picture doon. You can take a picture there for free." Inilahad pa sa amin ni tita ang mataas na building doon sa malapit sa park area. Hindi naman ito nalalayo sa hotel.

"Mamaya ay may misa, gusto ninyo bang sumama sa akin mamaya?" Tanong pa ni Tita, papalapit na kaming naglalakad sa building na itinuro niya sa amin.

"Yeah!" Magiliw namang tugon ni Mama. "Vana sasama ka?" Lingon ni Mama sa akin, nakangiti naman akong tumango.

"1! 2! 3!" Nakailang shots narin ang photographer sa amin. Sa huli ay ibinigay niya ang mga pics namin. Nang makababa na kami ay sunod naman naming pinuntahan ang Park nitong resort. May mga statues at may benches na naroon. Lumapit kami doon sa isang malaking statue na nasa gitna ng park.

"Ito ang rebulto ni Mr. Zoren Bernardo, ang lolo ni Zyaire sa talampakan na tunay na nagmamay-ari ng isla." Lahad naman ni Tita Paulina, kinuhanan naman namin iyon ng litrato. Marami ding mga bata ang nandirito, iyong iba ay naglalaro.

"Ito ang Garden Resort." Nakangiti namang sambit ni Tita nang makarating kami sa isang parang lublob na lugar. Pumasok kami sa loob niyon, ganoon na lang din ang tili ni Mama nang makakita ng napakaraming halaman na may magkakaibang hitsura. Alam niyo naman ang mga nanay mahilig sa mga halaman.

"Sis! Pahingi ako dito hah! Iuuwi ko." Masaya pang sambit ni Mama.

Tumango naman si Tita. "Oo naman."

Naglinga-linga ako rito at natigil lang ang paningin ko sa isang purok na naroon. Hanggang sa bubong niyon ay napapaligiran ng dahon na hindi ko matukoy kung anong tawag doon.

"Nakikita niyo ba ang purok na iyon?" Itinuro ni Tita 'yon. "Marami nang kababalaghan ang nangyari dyan." Humalakhak pa siya sumali naman sina Mama at Papii.

"Kababalaghan? You mean aswang?" Kunot noo ko namang tanong.

Tumatawa pa siyang umiling. "You're innocent huh?"

"Ano ba kasi?" Iritado ko pang tanong.

"Ang sabisabi ay gabi-gabi... maraming pumupunta dito. Mga mag-on dito sila nagdedate. Dahil syempre masyadong tago dito ay dito sila gumagawa ng kababalaghan." Natawa pa si tita.

Ngayon gets ko na, so cheap! Sa purok seriously? Wala bang mas magandang lugar? I think I prefer sa kama. Isa pa napaka uncomfortable gawin 'yon dito. Bagaman mukhang luma na ito pero napapanatili parin ang kalinisan ng loob.

"Ito naman ang wishing tree." Inilahad sa amin ni Tita ang malaking kahoy nang makarating kami sa Resort forest. May forest forest pa huh? Pero totoo talaga napakaganda! "Dati ay ipapaalis ko sana ang mga punong ito para magpagawa pa ng negosyo. Pero hindi ako pinayagan ni Zyaire dahil mahalaga daw ang mga punong ito. Lalo na itong wishing tree." Tinapik tapik pa ni Tita ang wishing tree.

Napansin kong may nakasulat sa puno kaya lumapit ako doon. "Puno ng pag-ibig?" Basa ko at nilingon si Tita. Tumango lang siya sa akin. "So cheap! Diba wishing tree tapos bakit puno ng pag-ibig?"

"Pinapaniwalaan nilang wishing tree iyan. Kaya natawag na puno ng pag-ibig dahil maraming nadevelope dito. Saksi ang punong ito sa pangako ng dalawang nag-iibigan dito. Sinasabi pa nilang humiling ka lang dito para sa taong mahal mo ay matutupad."

Napatango naman ako. "May ganon pala? Hindi kasi ako naniniwala sa mga ganyan eh."

"Hindi rin naman kasi ako naniniwala dati kaso nga lang napatunayan din ng punong ito na totoo talaga."

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon