Chapter 13

43 4 2
                                    

Chapter 13

Stay


MASAYA kong kinukuhanan ng mga larawan ang mga batang naglalaro dito sa park. Nakaupo lamang kami sa bench. Alam kong sa mga oras na ito ay nakatitig siya sa akin. Okupado ang tingin ko sa mga batang naroon.

"I really like kids..." Sambit ko habang kinukuhanan parin sila ng mga pictures. Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko.

"We can also make our own kid." Banat naman niya dahilan para matigil ako sa ginagawa at mabilisang lumingon sa kaniya. He's smirking again!

I felt my face heated up! Muli ko na naman naalala ang nangyari kagabi kung saan ay doon sana yun papunta! O my ghad! Bakit ba di ako nag-iisip!

"Pervert!" Inismiran ko naman siya at tinalikuran. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko pero hindi na naman nawala pa sa pandinig ko ang sinabi niya.

Ang manyak niya! Bwisit! Gusto ko nga ng mga bata pero hindi pa ako ready gumawa ng sarili ko! Hindi pa nga ako tapos sa pag-aaral bata na ang aatupagin ko.

Nagulat pa ako nang ipulupot niya ang mga palad sa aking magkabilang balikat at pilit na pinaharap ako sa kaniya. "What did you say?" Nakanguso naman niyang tanong,  damn he's cuteness ackkk!

"Pervert!" Deretso ko namang tugon.

"Say it again." Kunot noo naman niyang sabi. "I said say it again!" Kunwari ay iritadong sambit niya.

Ngumisi naman ako. "I said... you perve—" nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mabilis niyang dinampian ng labi niya ang labi ko! PDA!

Hula ko pulang pula na ang mukha ko dahil sa ginawa niya! Hinampas ko siya na ikinatawa naman niya. "May mga bata!" Kunwari ay naiinis kong sabi pero ang laki naman ng ngiti ko. Agad kong naitakip ang camera sa mukha ko. Bumungisngis naman siya na mas lalong nagpainit sa mukha ko. Bwisit!

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. "Bwisit ka! Bahala ka dyan!" Padabog dabog ko pa syang tinalikuran. Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon! Ginigigil ako!

"Hey!" Hinuli na naman niya pulsuhan ko at ipinaharap sa kaniya. "Where are you going?" Natatawa pa niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay, "uuwi na lang!" Humalukipkip pa ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Uuwi ka? E saan ka pupunta? Hindi dyan ang daan." Pinigilan pa niyang huwag matawa.

"Edi uuwi ako nang dito dadaan, tsk."

Hinuli niya ang kamay ko at pinagsalikop ang aming daliri. "Uuwi tayo sa bahay ko." Napangiwi pa ako sa sinabi niya. "Gusto kitang dalhin sa aking kaharian, aking binibini."  Biro pa niya. Kunware pa ay maginoo ang amp, kinindatan niya ako.

Magsasalita pa sana ako kaso hinila na niya ako. Hindi naman nawala ang mata ko sa kanya. Sa twing natatamaan ng hangin ang buhok niya at lumilipad ito ay napakagwapo niya! Paano po bang hindi mahulog sa lalaking ito?


Sa tingin ko nga ay napaka-perpekto niya e. Feeling ko siya ang definition ng perfect. Feeling ko ni katiting ay walang mali sa kaniya.

"Wait dito tayo sasakay?" Tanong ko sa kaniya nang huminto kami sa harap ng mga tricycles sabay turo pa doon. Promise I never experienced riding a trycicle!


Nakangisi pa siyang tumango. "Magcocommute tayo." Kumindat pa ang isa niyang kilay, napangiwi naman ako. "It's ok I'm with you." Hinawakan niya ang magkabila kong balikat, alam niya ang reaksyon kong iyon.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon