EPILOGUE

55 1 0
                                    

Parang ayaw kong tigilan ang story kong ito huhu, ito lang naman ang unang minahal kong story ko kahit hindi rin masyadong maganda. Ito na ang huli at special chapter! Ayaw ko sanang gawaan kaso namimiss ko e, tsaka gusto ko ding may pahabol pa.

Salamat sa pagsuporta sa akin hanggang sa dulo! Salamat sa pagbabasa ninyo ng kwento kong ito. Pagpasensyahan nyo na kung may mga mali dahil hindi pa ako masyadong magaling magsulat, bago pa lang ako.

Happy 2k reads Skies! Thank you so much! Salamat sa pagbabasa! Hindi nyo alam kung gaano nyo ako pinasaya. Hindi ko ineexpect na aabot sa 2k reads. I'm so thankful! Thank you talaga!

—————————————————
—————————————————





E P I L O G U E

<HER POINT OF VIEW>

"Vana, sasamahan kita." Pangungulit ni Jackson sa akin, napairap na lamang ako dahil sa sobrang kulit niya. Sinabi ko na ngang hindi naman niya kailangan pang samahan ako. "Please? Ayaw kong mawalay ka sa'kin. Alam ko namang matatagalan ka doon."


I sighed, "ang kulit mo! Ano pa bang magagawa ko?" Sumalampak ako sa swivel chair ko.


"Yes! Alam ko namang hindi mo ako matitiis." Nanunukso na ang tinig niya, iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya dahil naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "By the way... wala ka na bang trabaho? I mean aren't you busy?"


Pumikit ako at umiling, "nah, but I just want to rest, Jack."


"Hmmm, maaga akong uuwi para makapag-impake." He smiled sweetly.


"Ingat ka baka dumugin ka ng mga fans mo sa labas," tawa ko.


Ngumisi naman siya at tumayo mula sa couch, lumapit siya sa akin. Tumayo siya sa gilid ko at pinakatitigan pa ako, parang naninigas naman ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko rin masalubong ang tingin niya.


It's been almost 10 years since I graduated. We have been friends for a few years. Of all the people I know except Papii and Mama, I only trust Jackson. In hardship and comfort, we fought everything together. We achieved our dream together. And now he is my partner in business. He never disappeared behind me whenever I needed him. He is not only a friend to me, he is also my family. He inspired me for everything.


Matunog siyang ngumisi, "hindi 'yon. Hindi nila ako dudumugin kasi alam nilang magagalit ka." Kinindatan pa niya ako, umawang lamang ang bibig ko. Gusto ko siyang hampasin pero hindi ko magawa dahil nanlalamig ako at naninigas.


Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin, my heart were fluttering! Oh god! "B-Bakit naman ako magagalit? Umalis ka na!" Tumawa pa ako para maibsan ang kabang nararamdaman ko.


Napataas ang kilay ko nang mas inilapit niya ang mukha sa akin at ipinatong ang kamay sa mesa at sa backrest ng swivel chair ko. "Uuwi ako, aalis ako pero hindi ko maaring kalimutang ibigay ito sa'yo!"


Nanlaki ang mga mata ko nang mabilisan niya akong binigyan ng halik sa pisngi. Sobrang init na ng pisngi ko! Palagi niya itong ginagawa sa akin. Noon pa man. Pero pakiramdam ko ito lagi ang pang-una. Palagi na lang ako nagugulat sa tuwing ginagawa niya iyan. Pero hanggang pisngi ko lang naman siya humahalik. Ayaw niyang magalit ako sa kaniya e.



Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon