Chapter 26

29 1 5
                                    

Chapter 26

Rain

MABILIS akong lumabas ng unit at saktong paglabas ko ay pagbukas din ng pinto ng unit ni Jackson at lumabas siya pero hindi ko na siya pinansin, tumakbo na ako. Dinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero nagmadali na lamang akong tumakbo.

Nagbabaka sakaling makita ko pa sa ibaba si Shoky. Pagkapasok ko ng elevator ay binilisan ko nang pinindot iyon at mabilis namang nagsarado ito kaya hindi na nakaabot pa si Jackson.

Nang makarating ako sa lobby ay mabilisan na akong muling tumakbo. Pumunta ako ng punong sinandalan niya kanina kung saan ito nakatingala sa akin kanina pero wala na siya doon. Muli akong tumakbo papunta sa tabing dagat. Halos mabali ang leeg ko sa paglinga-linga ay wala parin akong makitang Shoky.

Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa, agad akong pumunta ng restaurant pero wala parin siya. Natutuliro na ako, napapasabunot sa sariling buhok, napapahilamos at konting konti na lang ay maiiyak muli ako!

"Vana!"

Agad akong napalingon sa tumawag na 'yon, napalaylay na lang ang balikat ko dahil ang inaasahan ko ay si Shoky na 'yon pero hindi pala. Napaupo ako doon sa bench at nasapo ang noo.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Anong nangyari at—"

"Jackson, kailangan ko na siyang makausap! Hindi ko na kaya to! Gustong gusto ko na siyang makausap!" Para akong batang nagmamakaawa dito, nagmamakaawa kay Jackson kahit alam kong pati siya ay hindi rin alam ang gagawin.

"Vana, pwede mo naman siyang kausapin bukas, bumalik na tayo—"

"Jackson hindi mo ako naiintindihan! Sa tingin ko I did something wrong pero hindi ko naman alam kung ano! I don't remember anything!"

Natigilan siya at napatiklop na lamang ang labi, hindi ko iyon maintindihan kung bakit siya natahimik. Siguro ay naaawa narin siya sa akin, dahil ako na naman ang nagmumukhang tanga rito.

"You know..." nahilamos naman ako. "Sinasabi ko na nga bang may mali eh!" Pag-iyak ko pa, nanatili lamang siyang tahimik. "Ilang weeks na akong nagooverthink, hindi man lang siya tumawag sakin o nagmessage man lang. Ni hindi niya nga sinasagot ang mga tawag at messages ko. Niloloko ko lang ang sarili kong baka busy lang siya, na baka marami siyang inaasikaso dito. Ang sabi niya sa akin ay gagawa siya ng paraan para makita ako pero nang ako ang gumawa bakit parang hindi siya natuwa? Bakit parang feel ko niloloko narin niya ako? Why do I feel he's changing? Why do I feel unimportant to him?" Malakas na akong napapahagulgol.

Hinagod lang ni Jackson ang likod ko at hinayaan akong ilabas lahat ng hinanakit ko. "I don't think he would cheat on you." Wika niyang nagpatigil sa akin.

"What do you mean?" Emosyonal paring tanong ko na halos hindi na makahinga pa.

"I think you two have to talk. 'Yon nga lang hindi mo siya mahanap. Kahit ako naiinis na dyan sa boyfriend mo Vana. I don't think you deserve this." He pinched the bridge of his nose.

"I'm sorry, nadadamay ka pa rito." I wiped my tears off.

He sighed heavily. "No, that's why I'm here to protect you and to comfort you whatever will happen." He sat beside me.


"I really hate that bitch!" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon. "Sa tingin ba niya ay ikinaganda niya ang pang-aakit kay—" natigil si Shin nang makita ako. "Everleigh?!" Hindi makapaniwalang tanong niya at sinuyod pa ang kabuuan ko. Mukha na siyang lasing kasama niya ang mga kaibigan niya pero kulang lang sila. "Everleigh!" Tumakbo na siya papalapit sa akin at sinunggaban ako ng yakap. "Bumalik ka? Bakit hindi ka man lang nagsabi?"

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon