Chapter 43

34 3 0
                                    

Chapter 43

Pakasalan

PAPALAPIT na ang dalawa, hindi naman ako makatingin kay Tito Paulo na ngayo'y nakangisi na. Sinalubong ko na lamang ng tingin si Vana. Hindi na naman siya makatingin ng deretso kaya umiiwas siya ng tingin!

"What are doing here, brother?" Nakangising tanong ni Jackson sa akin saka namulsa. Alam niyo yung pagbanggit pa niya ng brother ay 'brada' sobrang arte.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay naghubad na lamang ako ng coat at saka lumapit kay Vana, marahan kong isinuot sa kaniya iyon. Nanatiling nakapoker face siya, kinabahan tuloy ako.

"What are you doing here? Aren't you busy?Don't you have a work?" Tanong ni Vana at inbutton niya iyong coat. Basang basa siya at wala akong pake sa coat ko basta matakpan lamang niya 'yang katawan niya.

Umiling ako, pinakatitigan ko siya. "Get in and get dressed." Nilingon ko pa ang hotel.

"So why are you here?" Tanong ulit ni Jackson.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, "it's my place, brother." Ginaya ko kung paano niya binanggit ang salitang brother, brada. Dinig ko naman ang pagngisi niya. Ipinulupot ko ang palad sa braso ni Vana. "Sasamahan na kita," akmang aangal pa siya ngunit ako na ang gumalaw at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.

Pinagtitinginan pa kami ng mga nakakasalubong namin, nang makarating kami sa lobby ay mabilis siyang nakawala sa akin matapos makita si Kelly. Nakaupo si Kelly sa bench abala sa kausap niya sa phone, she looks upset.

Akmang lalapitan ko pa sana si Kelly ngunit mabilis na tumakbo si Vana! Napahilamos na lamang ako at sinundan na si Vana, ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagtakbo ay natalisod siya!

Mabilisan akong nakalapit sa kaniya at tiningnan ang paa niya, nang hawakan ko ito ay napahiyaw pa siya. Medyo basa pa kasi siya at talagang matatalisod siya sa dulas ng floor.

"Aray ano ba!" Hiyaw pa niya.

Nagpakawala ako ng malakas na hininga at walang alinlangan pa siyang binuhat. "You got sprained, gagamutin kita. Kailangan lang kitang dalhin sa unit mo—" natigil ako nang marinig ang malakas na pagsinghot niya.

Then I saw her crying! She looks like a baby silent crying! Agad niyang pinunas ang luha. I'm wondering why is she crying? She looks frustrated, and I don't know why!

"Why are you crying? Is your foot too hurt?" Tanong ko at muli siyang inangat. Pumasok kami sa lift at pinisil ang button. Nang tumunog ito ng ilang sandali pa ang nagdaan ay bumukas na ito saka kami lumabas.

Nanatili lamang siyang tahimik ngunit dinig ko ang minsang pagsinghot niya. Nang makapasok kami ay ipinasok ko siya sa kaniyang kwarto. Marahan ko siyang nilapag sa kama.

"Umalis ka na, kaya ko na ito." Sabi niya at hinagod ang kaniyang paa, tinabig ko ang kamay niya at lumuhod sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang paa. "Z-Zyaire sabi ko—"

"Hindi mo ito kaya ng sa sarili mo lang. kailangan ko itong i-stretch para makita kung aling ligaments ang naapektuhan. Hindi ito maaaring isawalang bahala na lang, Vana. At kapag natapos ay ibabad pa sa yelo. Baka mamaya pa lamang ay mabilis nang mamaga iyan at hindi ka makakalakad. Gusto mo bang mapilayan?" Pananakot ko pa.

Nanatili ang tingin niya sa akin at wala man lang sinabi. Nakita ko ang basa niyang mga mata, umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi, pinahid ko ang kanyang luha at pilit na pinagtatama ang aming mata sa pagkat umiiwas siya ng tingin sa akin!

"Stop crying please? I don't want to see you cry, baby." Malambing kong tinig. "Baby, can you please look at me? Look at me." Hinaplos ng magkabila kong hintuturo ang kaniyang magkabilang pisngi. Nilapit ko ang mukha sa kaniya at hinalikan ang ilong niya. "For this time, let me take care of you." Muli akong lumuhod sa harapan niya at tiningnan ang kanyang paa. Ginalaw galaw ko ito.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon