Chapter 40

37 3 0
                                    

Chapter 40

Garter

ILANG-ARAW pa ang lumipas naging abala ako sa pagtatrabaho. Inaamin kong hindi nawala sa isip ko iyong huling nangyari sa amin ni Vana. Kada oras ay pumapasok iyon sa isip ko. Ngunit kahit ganon ay hindi ito naging hadlang sa trabaho ko.

Ngayong gabi ay magkakasama kaming magkakaibigan sa iisang unit, ito nagtatawanan at nagiinuman. Sinusulit ang mga oras na ito dahil bukas na ang araw ng kasal ni Ranger at Lysa.

"Kailangan pa ba 'yon?" Tatawa-tawang tanong naman ni Accius saka lumaghok ng whiskey. Umigtim ang bagang ko at napalingon sa kaniya, pinakatitigan ko siya nang mabuti. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito.

Binatukan ni Vinous si Accius. "Gago! Alam mong mahilig ang mga babae sa surprises, kaya dapat mag-effort ka!"

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa proposal kay Monica. May binili ng singsing si Accius pero mukhang walang ka-ide-ideya itong si Accius kung ano ba ang gagawin.

"Effort! Alam niyo wala pa kasi sa isip kong magpakasal eh!" Bigla ay asik niya, napagitla naman kami. "Gusto ko munang i-enjoy ang relasyon namin."

"Gago ka ba? It's been 10 years! At tingnan mo naman 'yang sarili mo. Tingin mo gwapong-gwapo ka sa sarili eh ang tanda tanda mo na!" Pangaasar ni Ranger kay Accius at ginulo pa nito ang buhok nito. Parepareho lang kaming natawa.

"Hoy Range kung ikaw atat, ako hindi!" Sigaw pa niya sa mismong mukha ni Ranger, sa halip na magalit ay humalakhak lamang si Ranger.

"Ano bang gusto mong i-enjoy, Accius? Ang palaging naikakama mo siya? Come on, mas maikakama mo siya ng mabuti kung kasal na kayo." Humalakhak si Vinous.

"Watch your mouth Vinous." Seryoso nang wika niya. "It's not sex, hindi 'yon ang habol ko sa relasyon namin."

"Chill pre!" Tumawa si Vinous at hinawakan pa ang magkabilang braso ni Accius.

"I guess he's not yet ready." Bulong sa akin ni Ranger na agad ko namang sinang-ayunan.

"Eh para saan ba yang singsing na binili mo? That looks expensive, huh?" Ranger asked.

Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag. I know him very well. We have been friends since we were kids. Sa mga araw na nagdaan may naglalaro sa isip ko. Iba ang inaakto niya. Nakakapagtataka.

"Alam mo, Monica deserves better. Kung malaya naman kayo sa isa't isa bakit hindi mo siya pakasalan? If I were you, habang wala pang umaaligid sa kaniya ay babakuran ko na, baka kasi balang araw pagsisihan mo na lang na mapunta na siya sa iba o kaya pagsawaan ka niya." I said, advice kaibigan lang, nanahimik naman siya. Tumango-tango naman ang dalawa.

Nang gabing iyon puro kami kwentuhan, asaran at bangayan. Ngunit nang mapagod din ang lahat ay walang kahirap hirap kaming nakatulog.

Kinabukasan ay naalimpungatan ako nang gisingin ako ni Ranger. Hindi naman kami ganoon kalasing kagabi ngunit sumakit parin ulo ko. Pumunta ako ng banyo at agad naghilamos at nagsipilyo. Pagkatapos ay pumunta ako ng kusina para magtimpla ng kape, para mabawasan ang hung over ko.

"Magliligpit na ako dahil paparating na ang mga suits pati ang wedding organizer kasama ang beking make-up artist." Si Ranger, tumango naman ako sa kaniya. Isinenyas ko pa ang kape. "Kakatapos ko lang, pakitawag nga iyong dalawa, sigurado din akong masakit din ulo noon para makapag kape narin."

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon