Chapter 36

54 6 0
                                    

Chapter 36

Fast

PAGBALIK ko ng ospital ay naroon na pala si Haelynn, with her fellow residents, sa emergency room, meron silang inaasikaso doon na mga pasyente.

"Oh Doc!" Salubong sa akin ni Doc Evon. Nakangiti na naman ito ng parang aso, nanunukso. Lumapit sila sa akin kasama niya ang kaibigan niyang si Zhing, ang half blood na Doctor dito. He's half chinese and filipino.

Ngumisi si Evon at kinindatan pa ako. "Mukhang hindi ka nakatulog huh?" Sinuyod pa nila kabuuan ko. Obvious ba? Well palagi naman akong walang tulog. "Ano Doc bumabagabag sa'yo at hindi ka nakatulog?"

Umismid lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong manunukso na naman ang mga ito.

"Chief! Kwentuhan mo ako mamaya!" Pahabol naman niya, umiling-iling lamang ako. Pumunta ako ng office, sumalampak sa swivel chair ko at saka na in-on ang laptop.

I search about my father account on social media. Then I found his recently photos with his family. Puro mga pictures lang ng kanilang pamilya at ng mga business. Sunod namang ni-stalk ko ay si Jackson.

He's a model at napakarami niyang followers. I visit his story, ganun na lamang din kalalim ang buntong hininga ko nang makita iyon. Nung una mga pagkain lang ngunit sa huli naman nito ay si Vana na seryosong kumakain. 'My beautiful princess' ang caption!

Naihilamos ko naman ang mga palad sa mukha. Pumunta ako sa kanyang timeline, puro mga pictures niya sa iba't ibang lugar. Mga pictures niya sa magazine. Ang mga pictures niya kasama ang ibang mga businessman. Meron ding pictures nila ni Vana. Ito iyong ipinakita sa amin ni Evon.

They're cuddling sa unang picture, sa pangalawa ay may hawak na bulaklak si Vana at nakaakbay naman si Jackson. Ang pangatlo ay dalawa silang nakaupo sa round table habang nagngingitian ang dalawa! I just rolled my eyes. Why do I have to see this freaking shit.

Gaano ba sila kalapit sa isa't isa? Kailangan bang ganiyan sila umakto sa madla? As in public! Kailangan pa nilang ipakitang ganiyan sila ka-sweet kahit hindi naman, psh! For sure marami ng articles tungkol sa kanila.

Ang sunod namang ni-stalk ko ay si Vana, nag-igtim ang panga ko nang tumambad sa akin ang mga pictures niya!

Nakapamaywang ang isang braso habang ang isang braso ay nasa sementong nakasandal. Her face was just serious. The photo was nice! Of course she made it more beautiful. Yeah she's a model for pete sake! She's wearing a pink sport bra and a pink skirt. Her suit fits her well.

AND THIS ONE! Kung sexy iyong una ay mas sexy itong isa! Hindi nga kita iyong legs niya dahil sa mahabang hapit na hapit na skirt na suot niya pero kasi... halos ipakita na niya ang hinaharap! I mean her b**bs!

Maybe she's just doing that for her career, of course. She's a model so what I am expecting! Karamihan pa nga sa mga nakikita ko ay mismong exposing their private parts. No wonder kung bakit palagi siyang hot sa news at sa social media. She even has a millions followers.

I have watched some videos of her, interviews, runway shows and etc. May napanood pa nga akong mga artistang may crush sa kaniya. Napakasikat na niya. She's also an ambassador of famous expensive brands. Model pa nga isa pang business woman.

LUMABAS na ako at itinigil ang ginagawa. Inabutan pa ako ng ilang oras sa pang stalk sa kanila. Tsaka may inasikaso din naman ako higit pa roon. Suot ko ang puting gown pati stethoscope sa aking leeg. Binati pa ako ng mga nakakasalubong ko.

Pagdating ko ng nurse station ay natigil ako nang makita roon si Alessia. "Kuya!" Magiliw niyang pagtawag nang makita ako. Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang nakaplastic pang dala niya. "Nasaan po si ate Kelly? Ito na yung chopsuey na niluto ko. Sana magustuhan ninyo!"

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon