Chapter 6

65 5 0
                                    

Chapter 6

Bracelet

Nasa balkonahe ako, nakatingala sa kalangitan. Natatakpan na ng ulap ang buwan. Makulimlim at mukhang uulan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang feeling ko. Nakatulala lang sa kawalan pero wala namang iniisip. Pero parang problemadong problemado naman ako, dahil nangungunot ang noo ko at nagsasalubong ang pareho kong kilay. Hindi ko maintindihan.

Muli akong nagpakawala ng malakas na hininga saka lumapit sa railings at muling tinanaw ang dagat. Natigil na naman ako nang makita si Shoky na naroon, nagiisang naglalakad ng pabalik pabalik lang.

Hanggang ngayon ba ay hinihintay mo parin sya?

Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko. Ano ba kasi ang pake ko sa kaniya, 'di ba? Sino ba naman ako para isipin siya? Hindi nga kami magkaibigan. Pero, inaamin kong naaawa ako sa kaniya. Dahil sa katotohanang broken hearted pala siya. May hinihintay pala siyang bumalik. Siguro ay hindi pa niya ito nakakalimutan kaya hanggang ngayon naghihintay parin siya.

Kung ako hindi magawang mahalin ng taong gusto ko, siya naman ay iniwan ng taong mahal niya.

Napatingala ako nang biglang may pumatak na tubig sa braso ko. Noon ko lang din napagtantong umuulan na pala!

Muli kong tinanaw si Shoky, pero ganoon na lang ang inis ko nang makitang nakaupo na siya sa buhangin! Wala ba syang balak na sumilong? Nababaliw na ba siya? Baka hindi niya lang alam na umuulan, pero imposible naman.

Halos magkandaugaga pa ako sa kakatakbo palabas. Hindi ko alam basta bigla na lang humakbang ng mabilis ang mga paa ko. Naiisip ko na baka naulanan na siya. Hindi ako mapakaling hinihintay ang pagbukas ng elevator. Nang makarating ako sa lobby ay humarap ako sa babaeng nasa front desk.

"Miss, may payong po ba kayo dyan?" Tanong ko rito, aligaga. Tumango naman
siya at sinabihan iyong kasama niyang kuhanan ako ng payong. Ilang sandali ay iniabot niya na ang payong sa akin. Agad akong lumabas at ibinuka na ang payong saka tumakbo na sa kinaroroonan ni Shoky.

Halos salubungin ko ang ulan at malakas na hangin. "Sh-Shoky..." tanging usal ko nang makalapit na sa kaniya. Basang basa na siya ng ulan! Napalunok pa ako nang lingunin niya ako! Hindi ko alam basta nagdulot ito ng kaba sa dibdib ko.

Sa kabila ng malakas na ulan, dinig ko parin ang malakas na tibok ng puso ko.

Sinuri niya ang kabuuan ko pero agad din siyang umiwas ng tingin. Napansin ko ang mapupula niyang mga mata. Parang kakagaling lang niya sa pag-iyak o baka uminom siya.

Namalayan ko na lang na tuluyan na akong humakbang papalapit sa kaniya. Inangat ko ang payong ko sa kaniya upang maisilong siya pero ang likod ko naman ang nabasa. Hindi kami nagkakasya sa isang payong lang.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Ano na naman ba ang nagtulak sa akin para gawin ito? Gusto kong umalis na lang pero hindi ko naman magawa! Nakakainis! Bakit ba kasi parang iba ang kumokontrol sa akin! Bakit hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko?

Namalayan ko na namang umupo na pala ako sa tabi niya! Pero hindi ako nagsalita, deretso na lamang akong tumingin sa dagat. Patuloy parin ang bagsak ng ulan. Narinig kong sumingot si Shoky. Pero pinigilan kong lumingon sa gawi niya.

"Bakit ka ba nagpapaulan?" Inis kong tanong saka na siya nilingon. Pero ganoon na lang ang lungkot ko nang makita muli ang malungkot din niyang mga mata. Kung malungkot noong nakaraang araw ay mas malungkot ang mata niya ngayon.

"Bakit ka nandito?" Halos pumiyok pa ang boses niya.

"Ano kasi... kanina pa ako doon!" Itinuro ko pa ang kabilang banda. "N-Nakita lang kita dito kaya... kaya lumapit ako. B-Bakit ka ba kasi nagpapaulan?" Umirap naman ako saka bumuntong hininga ulit, kinakabahan pa.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon