Chapter 8

55 5 2
                                    

CHAPTER 8

Bago

TULALA akong nakatingin sa dagat, kakatapos lang din namin maglunch. Simula nang pagbalik ko dito sa cottage ay natutulala ako. Maraming pumapasok sa isip ko at hindi ko naman iyon malaman dahil parang nagmimix sila. Basta ang iniisip ko ay iyong mga sinabi ni Shoky.

"Vana! Ayaw mo bang magswim?" Tanong sa akin ni Mama, magkahawak kamay pa sila ni Papii. Umiling na lamang ako saka humiga. Gusto kong matulog na lang, para sa paggising ko ay maganda na ang mood ko.

"Vana, can you explain to me what happened earlier in the market?" Iyon na ang boses ni Kelly. Hindi lamang ako umimik. "And then last night? Why are you together under the rain?" Dagdag niyang tanong, naririndi na ako!

Inis akong bumangon at inalis ang shades. Nilingon ko siya... "Hindi ba malinaw sa'yo ang lahat? Kung magkasama kami edi magkasama! Kailangan pa bang lagyan ng malisya 'yon?"

"You told me you don't like him, but why do I feel like you're stealing him from me?" Matapang niyang tanong pero nakikita ko sa kaniyang mga mata na namamasa na ito.

"Do you know the word inaagaw? May kayo ba, Kelly? Hindi ba wala? Buong buhay ko ay wala akong inagaw pero kayong mga taong nakapaligid sa akin ay tingin niyo lahat sa akin ay mang-aagaw!" Hindi ko na napigilang ilabas ang hinanakit ko. I really hate that word! "Atensyon? Oo naagaw ko dahil maganda ako at sexy! But it doesn't mean it's my fault, Kelly. Ang lahat ng nangyayari ay coincidence lang. Hindi ko kasalanang maging confident. Higit sa lahat, kasalanan ba ang maging maganda? Bakit kasalanan ko lahat?"

Bumalik ako sa unit at doon nagmukmok. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon inilabas ang hinanakit ko. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ni hindi ko alam isa-isahin.

Kasalanan ko ba'ng nababaling ang atensyon ng iba sa akin? Wala na ba akong karapatang makipagusap kahit kanino? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Pakiramdam ko lahat ng nasa paligid ko ay kinasusuklaman ako. Ang akala ko hindi masakit pero nararamdaman ko parin ang sakit. Wala na ba akong tamang ginawa, halos lahat na ba ay mali para sa kanila?

Hinihiling ko na sana paggising ko ay ok na lahat. 'Yong tipong ibang tao na ako. Iyong wala ng matandaan. Iyong mabuhay muli na walang kamuwang muwang. Iyong walang mabigat na pasanpasan ang puso ko.

Siguro kung pwede lang na hilingin ko at mapagbibigyan na ako ngayon na ay ginawa ko na. Kung pwede lang na bigyan ako ng pangalawang buhay ay hiniling ko na. Siguro nga kung pwede lang maging perpekto ay ginawa na ng lahat. Para walang mahusgahan sa kamaliang minsan ay hindi naman sinasadya.

Ang pagkakaroon lang ng magandang hitsura ay sa panlabas na anyo lamang at tanging hinahangaan lamang. Pero ang may busilak na puso ay kayang tangayin ang buo mong pagkatao.

I've never experienced chosen by someone.

Kaya ako ganito dahil gusto ko ding maranasan ang totoong pagmamahal. Ang pagmamahal na tatanggapin ako kung ano ako. Kaya ko ipinapakita sa lahat na ganito ako dahil gusto kong mahalin nila ako sa dahilang kung ano ako, kung anong merong paguugali ako. At hindi na mageexpect pa na magbabago ako. Ayaw kong magbago, ito na ako.

Alam ko namang kailangan kong magbago, na marami pa akong dapat baguhin sa sarili ko. Pero naiisip ko kung kaya ko ba? Kakayanin ko ba? Nasanay na ako sa kung ano ako.

"Anak! Buksan mo ang pinto! Vana!" Ilang sunod-sunod na katok ang ginawa ni Mama pero nanatili lang ako sa position ko. Sesermonan lang naman nila ako e. "Please Vana! Huwag kang gumawa ng masama!" Nagsisimula nang magwala si Mama napakunot tuloy ang noo ko.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon